PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Brillantes, Ricci Rivero Split News

Eagle-eyed netizens notice that the ex-couple no longer follow each other on IG.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 28, 2023
Andrea Brillantes, Ricci Rivero unfollow each other on Instagram
Kapamilya actress Andrea Brillantes and Ricci Rivero seem to have closed their doors for reconciliation after unfollowing each other on Instagram.
PHOTO/S: Ricci Rivero Instagram

In-unfollow na nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ang isa't isa sa Instagram makalipas ang ilang linggo matapos nilang kumpirmahin sa publiko na sila'y hiwalay na.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero unfollow each other on Instagram

Andrea Brillantes, Ricci Rivero unfollow each other on Instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Brillantes on breakup with Ricci Rivero: "Nagmahal ako nang totoo, hindi ko yon male-let go agad-agad."

Ayon sa mapanuring netizens, si Andrea ang unang nag-unfollow kay Ricci.

Nangyari ang pag un-unfollow ng Kapamilya actress matapos lumabas ang unang bahagi ng panayam ni Ricci sa Fast Talk With Boy Abunda noong June 26, 2023.

Dito ay isiniwalat ni Ricci ang puno't dulo ng kanilang breakup at ang rason kung bakit minabuti niyang magsalita na.

Ayon kay Ricci, hindi totoo ang alegasyong third-party sa hiwalayan nila ni Andrea.

Read: Beauty queen-councilor Leren Mae Bautista denies involvement in Ricci Rivero-Andrea Brillantes breakup

Sa katunayan, noon pa raw April 2023 nang mapagkasunduan nila ni Andrea na mag-cool off.

Lahad niya, “April 2023 we took a break off from each other, tapos yung breakup was first week of May talaga.

“Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema.

“Ang cause ng breakup, yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl dun sa place ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses.

“Sinabi ko sa kanya with all the evidences I have na hindi sa akin yung girl.

"May papuntang friend akong midnight, tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Yun ang inabutan niya [Andrea].”

Read: Ricci Rivero breaks silence on breakup with Andrea Brillante

Hindi na rin daw matiis ni Ricci na madamay ang kanyang pamilya sa isyu ng paghihiwalay nila ni Andrea kaya minabuti na niyang basagin ang kanyang pananahimik.

Aniya, "Umabot na po sa point na yung parents ko po, nasisigawan na sa mall o sa public areas, 'Yung anak niyo, cheater!'

“Kung ako kaya kong tanggapin kasi alam ko naman na hindi totoo.

"Pero kapag sa family ko, siguro it’s time to step up, and kailangan ko silang protektahan sa mga issues na meron. Ako, okay lang, pero huwag yung pamilya ko."

Read: Mga magulang ni Ricci Rivero, sinabihan ng "Ang anak ninyo, cheater" sa mall

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kabila ng pag-unfollow nina Andrea at Ricci sa isa't isa ay nananatili pa rin sa pareho nilang Instagram feed ang mga litrato nilang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

RICCI-ANDREA LOVE STORY

Noong March 11, 2022, unang naispatan sina Ricci at Andrea na magkasama.

Read: Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted together; netizens ask: are they an item?

Noong mga panahong iyon ay wala pang kumpirmasyon kung ano nga ba ang tunay nilang relasyon dahil kagagaling pa lamang ni Andrea sa breakup sa dati niyang ka-love team na si Seth Fedelin.

Read: Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz

Hanggang noong April 9, 2022, pagkatapos ng UAAP basketball game sa pagitan ng UP Maroons at FEU Tamaraws sa Mall of Asia Arena, ay tinanong ni Ricci si Andrea kung maaari niya itong maging girlfriend.

“Thank you for coming today. I just want to ask Blythe [Andrea’s nickname] to be my girlfriend?” tanong ni Ricci, habang may dalawang lalaki sa likod ni Andrea sa audience gallery na may hawak na T-shirts na may tatak na "YES" at "No."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumagundong ang malakas na hiyawan sa loob ng MOA Arena nang piliin at yakapin ni Andrea ang T-shirt na may tatak na "YES"—kumpirmasyon na tinatanggap niya ang alok ni Ricci na maging opisyal na ang kanilang relasyon.

Read: Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

Pagkatapos nito ay makailang beses nakita ng publiko na magkasama ang dalawa.

Sa vlog ni Andrea na lumabas noong October 4, 2022 ay ibinahagi nila ni Ricci ang kanilang love story.

Dito ay inamin ng aktres na siya ng gumawa ng "first move" sa pamamagitan ng pag-follow at pagmi-message sa social media account ng basketball player.

Inamin ni Andrea na hindi niya inakalang magiging boyfriend niya si Ricci dahil, "Lahat po ng red flags na nakikita ko sa isang lalaki, nasa kanya. Kasi, di ba, galing ako sa heartbreak, kailangan ko protektahan ang sarili ko.”

Pero sinagot din niya sa huli ang binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Brillantes, Ricci Rivero open up about their love story

Noong March 26, 2023 ay "gumanti" si Andrea nang siya naman ang nag-"promposal" kay Ricci para sa Star Magical Prom.

Read: BLACKPINK helps Andrea Brillantes with her "promposal" to Ricci Rivero

Ginawa ito ng aktres sa tulong ng K-pop group na BLACPINK sa concert ng mga ito sa Philippine Arena.

Read: Andrea Brillantes on Ricci Rivero saying 'yes' to her promposal at BLACKPINK concert: "Para akong nanalo sa lotto."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Andrea Brillantes and Ricci Rivero seem to have closed their doors for reconciliation after unfollowing each other on Instagram.
PHOTO/S: Ricci Rivero Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results