Limang mangingisda mula sa Sri Lanka ang namatay matapos inumin ang laman ng mga boteng nakita nilang palutang-lutang sa karagatan.
Ang insidente ay ipinagbigay-alam sa publiko ng Sri Lankan Navy, at ibinalita ng Thanthi TV noong July 1, 2024.
Ayon sa ulat, anim na mangingisda ang naglayag mula sa Tangalle Fisheries Harbour noong June 4, sakay ng fishing trawler na Devon 5 para sa ilang araw na pamamalakaya.
Natagpuan nila ang mga bote na palutang-lutang sa halos 320 nautical miles (592.64km) mula sa baybayin ng Sri Lanka.
Inakala ng mga mangingisda na alak ang laman ng mga bote at habang naglalayag ay ininom nila iyon, ayon sa tagapagsalita ng Sri Lankan Navy.
Read: Woman poisons boyfriend, believing he inherited PHP1.7B
5 SA 6 NA FISHERMEN, NAMATAY
Matapos inumin ang laman ng mga bote, apat ang namatay sa kanila habang malubha ang dalawa pa.
Dahil sa insidente, hindi na nila nagawang makabalik agad sa baybayin.
Noong June 30, pumanaw na rin ang isa pa sa sa mga mangingisda.
Malubha naman ang lagay ng isa pa na nagawang masagip ng napadaang MV Kota Camil, isang Singaporean merchant vessel, at agad nilapatan ng lunas.
Read: MMA fighter loses fight, also in love after GF rejects proposal

Read: Hammer used by grandma for 20 years actually a live grenade
Ipinadala ng Sri Lankan Navy ang barkong SLNS Vijayabahu na may medical team para maisaayos ang paglilipat sa survivor at maibalik agad sa kanilang bansa.
Ayon sa mga awtoridad, ginagawa na ang lahat ng kinakailangang hakbang para matiyak na ligtas ang mangingisda, na kasalukuyang ginagamot sa General Hospital sa Hambantota.
Read: Tree cut into half by angry neighbor now a tourist attraction
FISHERMEN NAMIGAY PA NG BOTE SA IBA
Napag-alaman ding namigay pa ang anim na fishermen ng mga boteng napulot nila sa mga sakay ng fishing trawlers na kanilang nadaanan bago nila ininom iyon.
Sinabi ng director general ng Sri Lankan Department of Fisheries and Aquatic Resources na ginagawa ang lahat para ipaalam sa mga nabigyan ng mga bote na huwag iinumin ang laman dahil nakakalason.
Ang trawler na sinakyan ng anim na mangingisda ay hinatak na pabalik sa baybayin.
Kasalukuyan ding sinusuri ang laman ng mga bote para malaman kung ano ang naging sanhi ng kamatayan ng mga mangingisda.
Read: Angry girlfriend runs over boyfriend carrying their baby
Nang lumaganap ang balita tungkol sa mga namatay na mangingisda ay nagkaroon ng protesta ang mga residente sa Tangalle.
Hiniling ng mga ito sa mga awtoridad na mapabalik muna sa baybayin ang lahat ng pumalaot na mangingisda.
Sinisi naman ng mga pamilya ng mga namatay na mangingisda ang Department of Fisheries and Aquatic Resources sa insidente dahil hindi umano ito nagbigay ng babala na huwag ikonsumo ang anumang mapupulot sa dagat.
Inaalam na rin ng Sri Lankan Navy kung gaano karaming bote ang naipamahagi ng mga crew ng Devon 5 sa iba pang mangingisda.
Read: Employee rants about lack of work-life balance in corporate job
