Andrea Torres shrugs off rumors linking her to leading men

by Arniel C. Serato
Jul 3, 2019
Andrea Torres dismisses "The Newest Primetime Queen" tag: "Huwag."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi maiwasang isipin ng ilan na mayroong third party sa hiwalayan nina Derek Ramsay at Joanne Villablanca dahil sa pakikipagtambal ng aktor sa Kapuso actress na si Andrea Torres.

Tampok sina Derek at Andrea sa bagong GMA-7 primetime series na The Better Woman.

Ngunit, pinangunahan na ni Derek ang usap-usapang ito sa pamamagitan ng pagtatanggol kay Andrea at pagtangging may kinalaman ang aktres sa hiwalayan nila ni Joanne.

Ayon naman kay Andrea, hindi siya nagtatanong kay Derek tungkol dito dahil personal daw ito masyado.

Mariin ding pinabulaanan ng aktres na may malalim silang ugnayan ng bagong Kapuso star.

Kaugnay nito, naungkat muli ang isyu kina Andrea at Dingdong Dantes nang magtambal sila sa Alyas Robin Hood noong 2017.

Ayon sa mga kumalat na balita, sinugod diumano ni Marian Rivera si Andrea sa set dahil sa selos.

Ngayon, sinasabi naman ng ilang netizens na baka nagkakamabutihan sina Andrea at Derek sa set ng The Better Woman.

Continue reading below ↓

Ngunit mariing pahayag ni Andrea, “Well, I think yung mga gumagawa ng isyu ang may problema.

“Basta ang sa akin, basta malinis yung kalooban ko and nakikita naman ng mga katrabaho ko na focus ako sa work.

“And hindi yun ang ipinunta ko sa set.

“So, ayoko nang problemahin yung ibang tao.”

Lumutang din ang isyu tungkol sa kanila ni Derek dahil ilang taon nang single ang Kapuso actress.

Natatawang sabi ni Andrea, “Matagal-tagal na. Sa sobrang tagal, di ko na mabilang.

“Okay lang yun, work, work, work, work.

“Single, but nagdi-date naman po ako.

"Hindi naman yung hindi talaga ako lumalabas.

“Pero kasi, ayoko kasing pumasok sa relationship for fun or hindi ako sigurado.

“Siyempre, bawat relationship, kaya mo 'yan gagawin, kaya mo 'yan ipapakilala sa parents mo kasi hoping ka na mapapangasawa mo yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa presscon ng The Better Woman noong Huwebes, June 28.

Continue reading below ↓

Nagsimulang umere ang nasabing teleserye noong Lunes, July 1, sa GMA Telebabad.

ULTIMATE LEADING LADY OR NEWEST PRIMETIME QUEEN?

Naikuwento naman ni Andrea na hindi nakalusot sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang nanunang trailer ng The Better Woman dahil sobrang maseselan daw ang mga eksenang nakapaloob dito.

Sabi niya, “Ang ginawa kasi namin, siyempre kung... di ba, ang sabi nga nila, 'Kung gagawa ka ng mga bagay-bagay, itodo mo na,' so tinodo namin.”

Natanggalan daw siya ng bra sa isang eksena nila ni Derek.

Natatawa pa niyang kuwento, “Natanggal ang bra. Meron naman [plaster].

“Pero inalon kami nang inalon, siyempre surfing spot yun sa La Union.”

Sa hiwalay na panayam kay Derek, sinabi nitong si Andrea ay maituturing niyang "Ultimate Leading Lady."

Tanong ng media kay Andrea: ano ang mas gusto niya, ang sinabi ni Derek o ang titulong Newest Primetime Queen?

Continue reading below ↓

Si Marian kasi ang tinaguriang Primetime Queen ng GMA-7 ngayon.

“Huwag!” natatawang pag-iwas ni Andrea.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres dismisses "The Newest Primetime Queen" tag: "Huwag."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results