Angelica Panganiban shuts down request for a reunion with Carlo Aquino: "Spare me."

by Rachelle Siazon
Jul 29, 2019
Angelica Panganiban on possible reunion with Carlo Aquino: "Gusto kong maging mabuting tao. Pero ayokong maging bobo :)"
PHOTO/S: @iamangelicap / @jose_liwanag Instagram

Tahasang tinanggihan ni Angelica Panganiban ang request ng ilang fans na manumbalik ang magandang samahan nila ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Ito ay matapos ibahagi ng isang CarGel fan ang Instagram post kunsaan makikita sina Angelica at Carlo kasama ang dalawang kaibigan na naging malapit sa kanila noon.

"Kahit minsan Lang... mabuo ang pamileh," tweet ng isang fan ng tambalang Carlo at Angelica (CarGel).

Sumagot agad si Angelica sa netizen at sinabing hindi siya "bobo" para makipagkita ulit kay Carlo, kahit pa anim na buwan na ang lumipas mula nang magkaalitan sila.

Prangkang pahayag ni Angelica:

"Nope. Sorry. Spare me. Si khang at si josh lang ang tinuturing kong pamilya.

"Gusto kong maging mabuting tao.

"Pero ayokong maging bobo"

Continue reading below ↓

Sina Josh at Khang ang ilan sa mga malapit na katrabaho at kaibigan nina Carlo at Angelica.

Nito lang Hunyo 2019, nabanggit din ni Carlo ang dalawang malapit nilang mga kaibigan na nadadawit sa umano'y pambabatikos ng mga galit na CarGel fans sa aktor.

WHAT HAPPENED WITH CARGEL?

Noong 2018, naging tampok ng espekulasyon ang hinihinalang pagkakamabutihan nina Angelica at Carlo kasabay ng pagbabalik-tambalan nila sa pelikulang Exes Baggage.

Matapos ipalabas ang pelikula noong September 2018, nagpatuloy ang pagiging malapit nina Angelica at Carlo sa isa't isa.

Nang magbakasyon sila sa Japan noong November 2018, mismong mga kasama nilang mga kaibigan ay tinutukso silang #boyprenboyprenan.

Umasa ang ilan sa CarGel fans na magkakatotohanan ang dalawa, lalo na nang magkasama silang nagdiwang ng Pasko noong December 2018.

THE BREAKUP OF CARGEL

Pero Enero 2019 nang pumutok ang rebelasyong namamataan si Carlo kasama ang isang non-showbiz girl na nagbabakasyon sa La Union.

Kasabay nito ay naiulat ang pag-iwas ni Angelica kay Carlo, habang nagkakatrabaho sila sa ABS-CBN daytime series na Playhouse.

Continue reading below ↓

Hanggang sa noong March 2019 ay kinumpirma ng aktres na wala na silang komunikasyon.

Sa panayam ng entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Angelica na nagkasira ang pagkakaibigan nila ni Carlo.

Sinabi rin daw ni Carlo sa kanya na ang aktres ang "umasa" na magkabalikan sila.

Sina Angelica at Carlo ay dalawang beses naging magkarelasyon sa loob ng anim na taon noong kabataan nila.

Minsan nang nasabi ni Angelica na naghiwalay sila noon dahil sa isyung third party.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on possible reunion with Carlo Aquino: "Gusto kong maging mabuting tao. Pero ayokong maging bobo :)"
PHOTO/S: @iamangelicap / @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results