Cesar Montano enlists as Naval Reserve Command reservist

by Arniel C. Serato
Aug 20, 2019
After resigning from Tourism Promotions Board as CEO, Cesar Montano enlists as reservist of Naval Reserve Command of Philippine Navy
PHOTO/S: Courtesy: Cesar Montano / Rolaiza Mimi Singayao on Facebook

Mukhang nagiging trend na sa local entertainers ang pumasok sa military service para makapagsilbi sa bayan.

Ang latest na nagpa-enlist bilang reservist sa Naval Reserve Command ng Philippine Navy ay ang aktor na si Cesar Montano.

Wala namang detalye ang post ni Doctor Rolaiza Mimi Singayao tungkol sa pagpasok ni Cesar sa Philippine Navy.

Continue reading below ↓

Matapos ang kanyang government stint bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB), hindi na naging aktibo si Cesar sa showbiz.

Umiwas na rin siya sa public engagements.

Nasangkot si Cesar sa isang katiwalian diumano dahil sa kontrobersiyang kinaharap ng kanyang ahensiya bunsod ng maanomalyang proyekto ng TPB, ang Buhay Carinderia.

Bukod kay Cesar, nauna nang nagpa-enlist bilang reservist si Matteo Guidicelli sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) kasama sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico.

Sumunod din sa kanila sa PCGA ang aktor na si Diether Ocampo.

Bukod sa PCGA, pumasok din si Matteo bilang reservist ng Philippine Army.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After resigning from Tourism Promotions Board as CEO, Cesar Montano enlists as reservist of Naval Reserve Command of Philippine Navy
PHOTO/S: Courtesy: Cesar Montano / Rolaiza Mimi Singayao on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results