Gretchen Barretto calls Marjorie a liar; hurls fiery messages against Julia

by Rachelle Siazon
Oct 23, 2019
Gretchen Barretto posts cutting reply to younger sister Marjorie: "Oo ate, oo ate, ikaw na ang kalmado. Ikaw na ang mabuting anak. Ikaw na nga lahat."
PHOTO/S: @juansarte / @juliabarretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Tila hindi paaawat si Gretchen Barretto sa pagpapasaring sa nakababatang kapatid na si Marjorie Barretto sa gitna ng kanilang kontrobersiyal na alitan.

Base ito sa magkakasunod na social media posts na pinakawalan ni Gretchen sa kanyang Instagram account matapos umere ang exclusive interview ni Marjorie sa TV Patrol kagabi, October 22.

"IKAW NA ANG MABUTING ANAK"

Ibinahagi ni Gretchen ang screenshot ng panayam kay Marjorie na may caption na "si Gretchen ang nag nervous breakdown."

Kuha iyon sa bahagi ng panayam kunsaan sinabi ni Marjorie na "I am all for reconciliation not just the fanfare."

"Oo ate , oo ate , ikaw na ang kalmado. Ikaw na ang mabuting anak. Ikaw na nga lahat," buwelta ni Gretchen kalakip ng emoji na nanlalaki ang mata.

Pasaring pa ni Gretchen sa screenshot kunsaan kakikitaan ng inis ang mukha ng kapatid niyang si Marjorie: "im longing for the peace you radiate, ate marjorie baldivia itchy -very goooood."

Continue reading below ↓

Tila may kaugnayan din ang patutsada ni Gretchen sa inihayag ni Marjorie na "Don't paint me as the bad daughter, Gretchen."

Sa panayam niya sa TV Patrol, sinabi ni Marjorie na hindi raw siya nagkulang sa pagmamahal, pagrespeto, at pagserbisyo sa kanilang mga magulang.

Habang si Gretchen umano ay 25 taong hindi man lang inimbitahan ang kanilang mga magulang sa mga "mansion" at "rest houses" ng socialite-actress.

Continue reading below ↓

"YOU'RE A LIAR"

Sa pagpapatuloy ng Instagram Stories ni Gretchen, ni-repost niya ang screenshot ng bahagi ng TV interview ni Marjorie kunsaan inamin ng huli na "Recom Echiverri is the father of my youngest daughter."

Pero hindi diretsahang sinagot ni Marjorie ang tanong kung may relasyon pa rin ba ito sa dating alkalde.

Base sa post ni Gretchen, tila pasaring niya kay Marjorie, "You're a LIAR! That's all I have to say!"

Continue reading below ↓

"ATONG WILL RESPOND TO MARJ"

Nagpahiwatig din si Gretchen na nakahandang maglabas ng pahayag ang negosyanteng si Atong Ang hinggil sa mga alegasyon ni Marjorie.

"Yes. Atong will have an interview to respond to marj itchy-very allegations," ani Gretchen.

Dawit ang businessman sa isyu matapos panindigan ni Marjorie na limang taon naging karelasyon ng pamangkin niyang si Nicole Barretto si Atong.

May "personal knowledge" din umano si Marjorie na inagaw ni Gretchen si Atong kay Nicole "dahil araw-araw minental torture ni Gretchen yung pamangkin naming si Nicole."

Tahasang sabi pa ni Marjorie, nagsinungaling daw si Atong nang itanggi nitong naging boyfriend ito ni Nicole.

Continue reading below ↓

GRETCHEN RESPONDS TO JULIA'S ALLUSIONS

Sa kabilang banda, nagpakawala rin ng maiinit na salita si Gretchen laban sa anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Kaugnay ito ng pagtatanggol ni Julia kay Marjorie laban sa mga paninira umano ni Gretchen.

Sabi ni Julia sa mensahe niya kay Marjorie noong October 18:

"They are trying to destroy you, because you live a good life with 5 strong successful well raised children, a family that loves you so much, a peaceful quiet life.

"You are so loved by many mom that's why they envy you.

"They want to destroy your peace, your happiness and you."

Noong October 20, makikita sa Instagram Stories ni Gretchen ang pagkuwestiyon nito sa pahayag ni Julia na pinalaki itong maayos ng kanyang inang si Marjorie.

Paalala ni Gretchen, minsan nang nasangkot si Julia sa kontrobersiya noong nagbalak si Julia na gamiting legal surname ang "Barretto" at ipatanggal ang real surname nitong "Baldivia."

Baldivia ang tunay na apelyido ng ama ni Julia na si Dennis Padilla.

Continue reading below ↓

Pasaring ni Gretchen, "Its time to change from Barretto to BALDIVIA, julia. Ang bait mo ngayon kung kay @dennisastig ka lumaki."

gretchen's CRYPTIC QUOTE FOR JULIA

Sinundan ito ni Gretchen ng cryptic quote na tila patama pa rin sa sinabi ni Julia na pinalaki ito at kanyang mga kapatid ng kanilang ina nang maayos.

Continue reading below ↓

"BEING RAISED RIGHT DOESN'T MEAN YOU DON'T DRINK, PARTY OR SMOKE.

"BEING RAISED RIGHT IS HOW YOU TREAT PEOPLE, YOUR MANNERS AND RESPECT," saad sa Instagram Story ni Gretchen kahapon, October 22.

gretchen reposts NETIZENS' COMMENTS AGAINST JULIA

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin si Gretchen sa pag-repost sa kanyang Instagram Stories ng ilang pambabatikos ng netizens kay Julia.

Continue reading below ↓

Isa rito ay may kaugnayan sa pagtanggi ni Julia na sangkot siya sa pisikal na kumprontasyon ng inang si Marjorie at tiyahing si Claudine sa burol ng Barretto patriarch na si Miguel noong gabi ng October 17.

Bigla raw kasing nag-iba ang ihip ng hangin nang sabihin ni Julia na labas siya sa away ng kanyang inang si Marjorie laban sa mga tiyahing sina Gretchen at Claudine.

Gayong nagpasaring din umano si Julia sa mga tiyahin nang sabihin daw nitong inggit lang ang mga naninira sa kanyang inang si Marjorie.

Narito ang ilan sa comments ng netizens na tila sinang-ayunan ni Gretchen:

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto posts cutting reply to younger sister Marjorie: "Oo ate, oo ate, ikaw na ang kalmado. Ikaw na ang mabuting anak. Ikaw na nga lahat."
PHOTO/S: @juansarte / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results