Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Samantha Lo "officially signing off" as Bb. Pilipinas Grand International 2019

by Arniel C. Serato
Nov 27, 2019
Samantha Lo takes to Instagram to announce that she is "signing off" as Bb. Pilipinas Grand International 2019: "Now I'm off to my new path."
PHOTO/S: Courtesy: @samantha_ashley_lo on Instagram

Isinuko na ni Samantha Lo ang kanyang korona bilang Bb. Pilipinas Grand International 2019.

Ito ay kahit na, officially, sa Abril o Mayo pa ng susunod na taon matatapos ang kanyang eign.

Sa kanyang Instagram kagabi, November 26, tila nagpaalam na si Samantha sa kanyang korona upang tahakin ang panibagong landas.

Mensahe ni Samantha sa kanyang post (published as is):

“She took off her crown

“And thanked it for everything Left...so she could live

“Miss Grand Philippines 2019 officially signing off.

“Maraming Salamat Pilipinas

“Now I'm off to my new path [heart emoji].”

Wala pang inilalabas na pahayag ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ukol dito.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

SAMANTHA LO'S PAGEANT ORDEAL

Hindi malinaw kung boluntaryo ang pagsauli ni Samantha ng kanyang korona at titulo o kung binawi ito sa kanya ng BPCI.

Ang malinaw ay may kinalaman ito sa kinasangkutang kontrobersiya ng beauty queen noong October 2019.

Na-deport pabalik ng Pilipinas si Samantha nang madiskubre ng mga awtoridad sa Charles de Gaulle Airport sa Paris, France—para sana sa kanyang connecting flight patungong Caracas Venezuela—na peke ang Philippine passport na hawak niya.

Natuloy si Samantha sa pagsali niya sa Miss Grand International 2019 sa Venezuela ngunit hindi siya nakapasok kahit man lang sa semifinals.

Sa isang event sa Cavite nitong lamang November 23, kapansin-pansing hindi kasama ng Binibining Pilipinas 2019 Queens si Samantha.

Wala rin sa pagtitipon sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at Bb. Pilipinas Supranational 2019 Resham Saeed dahil naghahanda na sila sa kanilang international pageant.

Tikom naman ang bibig ng beauty queens nang tanungin kung binawian na ba ng korona si Samantha matapos nitong i-badmouth ang BPCI sa pinagdaanan niya sa kanyang biyahe patungong Venezuela.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Samantha na ang pamilya niya at ilan sa mga kababayan nating may mabubuting kalooban ang tumulong sa kanya para makabalik sa Pilipinas mula sa Paris.

Mariin namang pinabulaanan ng BPCI na hindi nila tinulungan si Samantha.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Samantha Lo takes to Instagram to announce that she is "signing off" as Bb. Pilipinas Grand International 2019: "Now I'm off to my new path."
PHOTO/S: Courtesy: @samantha_ashley_lo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results