Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Yassi Pressman defends rumored boyfriend Coco Martin against cameraman

by Arniel C. Serato
May 21, 2020
Yassi Pressman on Coco Martin: "Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga 'kapamilya' niya."
PHOTO/S: Courtesy: @yassipressman on Instagram

Bihirang magsalita si Yassi Pressman, 25, tungkol sa napababalitang boyfriend nitong si Coco Martin, 38.

Pero ngayong gabi ng Miyerkules, May 20, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga sa pagtatanggol kay Coco.

Hindi man niya pinangalanan sa posts sa Instagram at Facebook ang pinarurunggitan, halatang isa itong dating cameraman ng ABS-CBN.

Nauna na kasi rito ang pagtatanggol kay Coco ng marami niyang kasamahan sa seryeng Ang Probinsiyano.

Ang nanlalait na cameraman ay nagtrabaho raw sa isang pelikula ng aktor, pero hindi nito binanggit kung anong pelikula.

Sabi ng cameraman, hindi maganda minsan ang pananalita ng aktor sa kanyang stuntmen at nambubuhos daw ito ng tubig sa katrabaho kapag galit.

Malaki rin daw ang kaibahan ni Coco sa action star na si Robin Padilla pagdating sa pakikitungo sa katrabaho.

Malinaw naman sa posts ng cameraman na siya, tulad ni Robin, ay diehard supporter ng Pangulong Rodrigo Duterte, habang naihanay sa kabilang kampo si Coco nang dinepensahan nito ang ABS-CBN, na ayaw nang makita ng Pangulong magkaprangkisa muli.

Kaya hindi na katakatakang itaas nito si Robin at ilaglag nito si Coco.

Continue reading below ↓

Para kay Yassi, walang katotohanan ang mga paratang kay Coco.

Panimula ni Yassi, “Mga Kaibigan po, mga Kapamilya, mga Kapuso, at mga mahal ko pong mga kababayan...

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Si Coco Martin po ay ilang taon ko na pong kilala, at sa pagkakakilala ko po sa kanya ay mabuti po siyang tao.”

HOT STORIES

“MAHAL ANG MGA KAPAMILYA NIYA”

Nauna nang pumutok nitong unang bahagi ng 2020 ang diumano’y buhusán ng tubig sa set ng Ang Probinsyano na sangkot daw si Coco.

May iba pang hindi magagandang haka-haka sa taping, na wala pa ring makapagpatunay kung totoo o paninira lamang.

Dagdag pa ni Yassi, malaki ang pagpapahalaga ni Coco sa trabaho, hindi lang bilang aktor kundi bilang direktor ng ilang eksena sa maraming episodes ng Ang Probinsiyano.

Kaya raw nadadala ito ng eksena minsan.

Sabi niya, “Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga 'kapamilya' niya.

Continue reading below ↓

“Kami po iyon... mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod.. mga pamilya po niya.”

Likas na rin daw sa aktor na ipagtanggol ang mga katrabahong itinuturing na nitong kapamilya.

Saad ng dalaga, “Katulad po ng pagtatanggol po ninyo sa mga kaibigan, kapatid, mga magulang, at anak.... ganun rin po ang tingin niya sa amin.

“Sana po maintindihan po ninyo.

“Salamat Coco, sa lahat ng mabuting nagawa mo para sa aming lahat, at hindi namin makakalimutan ang lahat ng iyon habang buhay.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

COCO-YASSI RUMORED RELATIONSHIP

Kapansin-pansin naman ang “heart emoji” sa dulo ng posts ni Yassi.

Habang kaagad nagkomento sa post nito ang ilang followers gamit ang heart emojis.

Continue reading below ↓

Tuloy, muling nabuhay ang ugnayan ng dalawang stars na unang uminit noong Abril 2019.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May mga isyung lumabas noon na si Yassi diumano ang third party sa relasyon ni Coco kay Julia Montes.

Pero mariing itinanggi ito ng Viva star.

Noong pumutok ang balitang nanganak si Julia sa anak nila ng aktor, nadamay muli ang pangalan ni Yassi sa isyu.

Pero mariing iginiit muli ni Yassi na wala itong katotohanan.

Sa panayam sa kanya noong July 2019, sinabi ni Yassi na baka nabibigyan lamang ng malisya ang mga eksena nila sa Ang Probinsyano.

Sa palabas, gumaganap siyang asawa ni Coco.

Sabi pa noon ng leading lady ni Coco, “I think, feeling ko po, nadadala sila sa kuwento po namin, at masaya kami kung yun ang nararamdaman nila.

"At para po sa akin, that's a good thing."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman on Coco Martin: "Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga 'kapamilya' niya."
PHOTO/S: Courtesy: @yassipressman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results