Willie Revillame defends ABS-CBN from Harry Roque shutdown joke

Willie Revillame: “Malaki din po ang utang na loob ko sa ABS-CBN."
by Jet Hitosis
May 27, 2020
Presidential Spokesperson Harry Roque (left) makes a tasteless joke about blaming Wowowin host Willie Revillame (right) for the ABS-CBN closure: “Alam mo, duda ko, kaya iyong isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan niyan, e." But the Kapuso TV host came to the defense of the Kapamilya network, his former home.
PHOTO/S: Screengrab from Tutok to Win sa Wowowin on YouTube

Ipinagtanggol ng TV host na si Willie Revillame ang ABS-CBN sa biro ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa pagsasara ng network.

Si Roque, 53, ang guest sa GMA-7 program ni Willie na Wowowin, ngayong Miyerkules, May 27.

Inimbitahan ni Willie, 59, ang Malacañang spokesperson sa show upang pag-usapan nila ang updates sa coronavirus pandemic.

Pero sa pagsisimula pa lang ng kanilang kamustahan ay nagpahaging na si Roque na solo na lang ngayong umeere si Willie sa telebisyon.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang ang napapanood sa buong bansa,” sabi ni Roque kay Willie.

Dito na pabirong sinisi ni Roque si Willie sa nagkaproblemang franchise renewal ng ABS-CBN.

Sabi ni Roque: “Alam mo, duda ko, kaya iyong isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan niyan, e.

“Oh, aminin… aminin,” tumatawang pagbubuno ng abogado kay Willie.

Natawa at napailing si Willie.

“DOON AKO NAGSIMULA, DOON AKO NAKILALA”

Pero kalaunan ay makikitang sumeryoso ang mukha ng TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito sinabi ni Willie na nananatiling malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN kahit pa nasa GMA-7 na siya ngayon.

“Sec, wala po akong… Malaki din po ang utang na loob ko sa istasyon na iyan,” seryosong sabi ni Willie.

“Ah, oo nga pala,” singit ni Roque.

Paliwanag ni Willie, sa Kapamilya network daw siya nagsimula at sumikat.

At hindi raw niya iyon nakakalimutan.

“Doon ako nagsimula, doon ako nakilala, nasa puso ko pa rin iyan.

“Kapamilya, Kapatid, Kapuso, bawat Pilipino,” dagdag ni Willie.

RELATED STORY

“WAG MO AKONG IDAMAY… BAKA MA-BASH PO AKO”

Kasunod nito, nakiusap si Willie sa government official na huwag siyang idawit sa franchise renewal issue ng ABS-CBN.

“Kaya, Sec, huwag mo akong idamay.

“Baka ma-bash po ako,” sabi ni Willie, na tinawanan ni Roque.

“Nananahimik po ako!” natatawa na ring patuloy ng TV host.

“Pero anyway, nag-iisa ka na lang ngayon,” singit pa rin ni Roque, na sinundan ng halakhak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa puntong ito, paiwas na sinabi ni Willie na ayaw niyang pag-usapan ang prangkisa ng ABS-CBN sa kanyang show.

Ang mga susunod na mangyayari pagkatapos ng pandemic ang dahilan daw kaya inimbitahan niya sa Wowowin ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Wag na nating pag-usapan iyan,” ani Willie.

“Hindi natin pag-uusapan ang kung anumang prangkisa.

“Ang pag-uusapan natin dito ay 'yong ating hinaharap na kinabukasan.”

RELATED STORY

WILLIE: KAPAMILYA FOR 12 YEARS

Sa GMA-7 variety show na Lunch Date nabigyan ng break si Willie bilang co-host noong huling bahagi ng 1980s.

Taong 1998 nang lumipat si Willie sa ABS-CBN bilang co-host ng noontime show na ‘Sang Linggo nAPO Sila.

Sa nabanggit na show sumikat si Willie, hanggang sa mabigyan siya ng break bilang main host ng Magandang Tanghali Bayan noong 1998.

Pinalitan ng Magandang Tanghali Bayan ang ‘Sang Linggo nAPO Sila.

Naging host din si Willie sa ABS-CBN shows na Willingly Yours (2002) at Masayang Tanghali Bayan (2003).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsapit ng 2005, pumatok sa mga Kapamilya ang noontime show ni Willie na Wowowee.

Sa loob ng limang taong umere ang Wowowee, ilang beses napagitna sa kontrobersiya at legal battles ang show at si Willie.

Nagkaroon din ng problema sa kontrata ni Willie sa ABS-CBN, na nauwi pa sa demandahan.

Taong 2010 nang tuluyang nilisan ni Willie ang Kapamilya network upang lumipat sa TV5.

Pagsapit ng 2015, sa GMA-7 na napapanood ang TV host.

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL ISSUE

Kasalukuyang dinidinig sa Kamara ang mga panukalang magbibigay ng panibagong 25-taong prangkisa sa ABS-CBN.

May 4, 2020 nang napaso ang franchise to broadcast ng network.

Kinabukasan, May 5, ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang broadcasting giant.

Ginawa ito ng NTC sa sulsol ni Solicitor General Jose Calida.

Si Calida rin ang naghain ng quo warranto petition sa Supreme Court upang kanselahin ang noon ay valid pang prangkisa ng network.

Tumatayong abogado ng gobyerno, inihain ni Calida ang quo warranto ilang linggo matapos ulitin ni Pangulong Duterte ang bantang haharangin nito ang franchise renewal ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Pangulo, ginantso siya ng Kapamilya network nang hindi nito ipinalabas ang kanyang presidential campaign ads noong 2016, kahit pa bayad na ang mga ito.

Nag-sorry na kay Duterte ang pamunuan ng ABS-CBN, na tinanggap naman ng Presidente.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Spokesperson Harry Roque (left) makes a tasteless joke about blaming Wowowin host Willie Revillame (right) for the ABS-CBN closure: “Alam mo, duda ko, kaya iyong isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan niyan, e." But the Kapuso TV host came to the defense of the Kapamilya network, his former home.
PHOTO/S: Screengrab from Tutok to Win sa Wowowin on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results