Solon grills ABS-CBN execs about franchise renewal not pushed during PNoy’s term

by Arniel C. Serato
Jun 16, 2020
Deputy Speaker Mike Defensor (left) grills ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak (2nd from left) and ABS-CBN Chairman Mark Lopez (center) on why the network did not seek the help of former President Noynoy Aquino (2nd from right) and Kris Aquino (right) about the network's franchise renewal in 2014.
PHOTO/S: Courtesy: House of Representatives / Noynoy Aquino on Facebook, @krisaquino on Instagram

Hindi nakiusap ang mga ehekutibo ng ABS-CBN kay dating Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa franchise renewal ng network noong taong 2014.

Si Aquino ang nakaupo na presidente noong unang magtangka ang network na mag-apply ng panibagong prangkisa.

Ito ang napagdiskusyunan sa franchise hearing ng ABS-CBN sa Kongreso kahapon, June 15.

Sa pagdinig, binusisi ni Deputy Speaker Mike Defensor ang ugnayan ng mga may-ari ng ABS-CBN at sa pamilyang Aquino.

Ang namayapang si dating Pangulong Corazon “Cory” Cojuangco Aquino ang nagbalik ng ABS-CBN sa pamilya Lopez taong 1986.

Ito ay matapos kamkamin ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang network noong magdeklara ito ng martial law taong 1972.

Si Defensor ng Anak Kalusugan Party-list ang vice chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Tinanong ni Defensor sina ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak at Chairman Mark Lopez kung bakit hindi umusad sa Committee on Legsilative Franchises ng Kongreso ang aplikasyon ng network para sa kanilang bagong prangkisa gayong malapit sa pamilya Lopez ang pamilya Aquino.

Continue reading below ↓

Tugon ni Katigbak, “I can only answer, Mr. Chair, that there were no hearings scheduled for the franchise in the, I think it was the 16th Congress.”

Tanong muli ni Defensor, “Kahit isa pong pagdinig sa prangkisa nung 2014?”

Sagot ni Katigbak, “Sorry po, there was one hearing scheduled po.”

Sabi ng kongresista, “Ito po yung bill na finile na Congressman Agabao, if I’m not mistaken.

“So, matapos po ang isang hearing, ano pong nangyari?"

Si Congressman Giorgidi Aggabao ng Isabela ang nag-file ng bill para sa pagre-renew ng franchise ng ABS-CBN noong 2014.

HOT STORIES

WHY ABS-CBN DID NOT PURSUE FRANCHISE RENEWAWAL IN 2014

Muling inulit ni Defensor ang kanyang katanungan kung bakit hindi itinuloy ng ABS-CBN ang pagre-renew ng prangkisa noong panahon ni Pangulong Aquino.

Sabi pa ng kongresista, “Kasi alam niyo po, Mr. Katigbak, itong situation namin, and I think I can speak for some who are asking questions, alam niyo ho dito sa social media, araw-araw tinitira yung pro-ABS, anti-ABS.

Continue reading below ↓

“Kami po yung napagitna sa isang sitwasyon na sampung buwan pinipilit naming i-hearing ‘to.

“Ngayon ho, nagka-COVID na tayo, suspended ang hearings, ang session, nandito ho kami.

“Bakit ho hindi na kayo nag-pursue nung 2014?

“Bakit po hindi nagsalita ang mga taga-ABS-CBN, ang mga artista, na nagsasalita ngayon, nung 2014 to 2016?

“Na panahon naman po ng Pangulong Noynoy Aquino?”

Tugon ni Katigbak, nagsasalita ngayon ang maraming artista at empleyado ng ABS-CBN dahil nawala sila sa free-to-air TV.

Nagsara ang pagbu-broadcast ng network noong May 5, 2020, isang araw matapos mapaso ang kanilang prangkisa.

Bunsod ito ng inihaing cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Pahayag ni Katigbak, “Hindi ko po masasagot yung sa 2014 po.

“But sa ngayon po, nagsasalita ang mga artista at empleyado kasi tinanggal po kami sa ere, I think, more than any other reasons, that my people started speaking out po, Mr. Chair.”

Continue reading below ↓

Na-appoint si Katigbak bilang bagong presidente at CEO ng ABS-CBN noong December 18, 2015.

Ilan sa mga personalidad ng ABS-CBN na hayagang naglabas ng saloobin sa pagkawala sa ere ng istasyon ay sina Coco Martin, Vice Ganda, Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Kim Chiu.

HOT STORIES

WAS THERE AN ISSUE WITH FORMER PRESIDENT aquino?

Ayon kay Defensor, mas madali sanang makakakuha ng prangkisa ang ABS-CBN noong nanunungkulan pa si dating Pangulong Aquino, dahil daw sa koneksiyon ng mga Lopez sa pamilya Aquino.

Pero hindi raw ito nangyari.

Tila may pang-iintrigang tanong ni Defensor: “Galit po ba si Presidente Noynoy Aquino sa inyo nung mga panahon na yun?”

Hindi naman daw ito masasagot nang tuwiran ni Katigbak.

Saad ng presidente ng ABS-CBN, “Hindi ko po masasagot yung aksiyon ng Kongreso nung mga panahon na yun.

“Sa pagkakaalam ko po, nag-file po kami ng renewal in the previous two congresses and I understand that there was only one hearing that was called with regards to our franchise application.”

Continue reading below ↓

Tanong muli ni Defensor, bakit daw ang kasalukuyang Kongreso ang sinisisi sa pagkaantala ng franchise renewal ng istasyon.

Sabi pa niya, “Ito po para sa akin ang critical, dahil kung ang Pangulong Noynoy Aquino, na anak ng dating Pangulong Cory Aquino, na ibinalik sa inyo [ang ABS-CBN] at bakit hindi naman niya ibabalik ang inyong renewal?”

Sagot ni Katigbak, “Sorry, your honor, I cannot answer for the president.

"What I can say is ABS filed our franchise renewal application with the committee po.”

Dagdag naman ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez, noong hindi inaksyunan ng Kongreso ang franchise application nila noong 2014, hindi na raw sila nagpumuilit dahil may panahon pa naman daw sila sa susunod na administrasyon.

Pahayag ni Lopez, “Mr. Chair, If I may add, I think that time, nung hindi na siya gumalaw, we felt that we have time pa naman.

"So, we didn’t pursue it at that point when it was not moving anymore.

Continue reading below ↓

“So, I think that’s why it was refiled again in the 17th Congress.

"So, yun yung nangyari po.”

Noong 2016, nahalal bilang bagong Pangulo si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ngunit hindi naging maganda ang naging ugnayan sa pagitan ni Duterte at ng ABS-CBN mula pa noong panahon ng kampanya.

Nang nasa puwesto na si Pangulong Duterte, hayagan niyang sinabi na haharangin niya ang anumang panukala na magbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

HOT STORIES

KRIS AQUINO

Hindi pa rin tinantanan ni Defensor ang tanong niya kung may alitan ba ang mga namumuno ng ABS-CBN sa dating pangulo at kung nagpatulong ba sila tungkol sa prangkisa kay Kris Aquino.

Si Kris Aquino ang bunsong kapatid ni dating Pangulong Noynoy .

Dalawampung taong naging bahagi ng ABS-CBN si Kris.

Nagsimula si Kris bilang Kapamilya talent noong October 28, 1996.

Umalis siya sa network noong March 23, 2016, tatlong buwan bago bumaba sa puwesto ang nakatatandang kapatid.

Continue reading below ↓

Pang-uusisa muli ni Defensor, “Again, was there any problem with President Noynoy Aquino or any of the officials of President Noynoy Aquino?

“Because Kris Aquino was there in 2014.”

Sagot ni Katigbak patungkol sa pagiging talent ni Kris ng ABS-CBN, “Yes.”

Tanong muli ni Defensor, “O, yun naman po.

"Talent niyo si Kris Aquino, ang presidente, Noynoy Aquino, anak ng President Cory Aquino, ako po’y nagtataka ba’t hindi niyo na-renew nung panahon na yun?”

Dito naman sumingit ang chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability na si Congressman Jose Antonio Sy-Alvarado.

Tanong ng kongresista mula sa Bulacan, “Ang tanong po ni Congressman Mike Defensor ay nagkatampuhan po ba kayo nung panahon na yun?”

Tugon ni Lopez, may mga pagkakataong nagkakaroon talaga ng sigalot ang kanilang istasyon sa mga nakaupo sa puwesto.

Paliwanag niya, “Mr Chair, yung negosyo ho namin sa ABS, I think it’s quite normal ho na with any administration na nagkatampuhan naman at some point kung may mga hindi magandang lumalabas.

Continue reading below ↓

“But I cannot cite any specific issue at that point with the president, President Aquino at that point, na hindi natuloy dahil dun.”

Tanong muli ni Defensor, “Nakausap niyo po ba si President Aquino?”

Sagot ni Katigbak, “Tungkol sa franchise po, hindi po namin pinag-usapan ‘yun.”

Dagdag ni Defensor, “Wala po kayong idinulog kay Pangulong Noynoy tungkol dito sa prangkisa nung 2014 to 2016?”

Tugon ni Katigbak, “Personally po, hindi ko po kinausap si Presidente tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN."

Inusisa rin ni Defensor ang dalawang ABS-CBN executives kung hindi ba nila kinausap si Kris na tulungan sila sa prangkisa.

Sagot ni Katigbak, “Ako, hindi rin po.”

Sabi ni ni Lopez, “Hindi rin po at that time.”

Kasunod nito ay sinermunan ni Defensor ang ABS-CBN executives.

Saad niya, “E, parang kayo ho ‘ata ang may kasalanan kung bakit hindi kayo na-renew nung 2014 to 2016.

“Hindi kayo nakipag-usap sa dapat kausapain."

Continue reading below ↓

Sa puntong ito ay isiningit ni Defensor ang personal niyang karanasan.

Aniya, “Tama ho kayo, naintindhihan ko.

"From time to time, may tampuhan, I was there during that time.

“And we had some skirmishes, I would recall that I would call ABS-CBN and the lawyers will be there and would be discussing ano yung ginawang broadcast ng ABS.”

Tumagal ng halos 25 minuto ang pang-uusisa ni Defensor sa ABS-CBN executives tungkol sa koneksiyon ng pamilya Lopez at ng pamilya Aquino.

Sa Miyerkules, June 17, magpapatuloy muli ang pagdinig ng Kongreso tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deputy Speaker Mike Defensor (left) grills ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak (2nd from left) and ABS-CBN Chairman Mark Lopez (center) on why the network did not seek the help of former President Noynoy Aquino (2nd from right) and Kris Aquino (right) about the network's franchise renewal in 2014.
PHOTO/S: Courtesy: House of Representatives / Noynoy Aquino on Facebook, @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results