Janine Gutierrez slams culture of silence: “Pilipino ka. Speak.”

by Jet Hitosis
Jun 16, 2020
Actress Janine Gutierrez uses her social media accounts to campaign against the passage of the controversial Anti-Terrorism Bill of 2020.
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Karapatan at responsibilidad ng bawat Pilipino ang makialam sa mga isyung may kinalaman sa kanyang bansa.

Ito ang sagot ng aktres na si Janine Gutierrez sa mga pumupuna sa lantaran niyang pagpapahayag ng opinyon tungkol sa iba’t ibang political issues.

Isang halimbawa ang masigasig na pagkontra ng 30-year-old Kapuso actress laban sa pagsasabatas sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill of 2020.

Para sa kanyang 1.5 million Instagram followers, tinipon ni Janine ang mahahalagang information materials tungkol sa panukala.

Hinikayat niya ang kanyang followers na basahin at intindihing mabuti ang mga iyon upang maunawaan ang Anti-Terrorism Bill.

Continue reading below ↓

PERSISTENT #JUNKTERRORBILL CAMPAIGNER

Consistent ang pagiging aktibo ng aktres sa kanyang #JunkTerrorBill campaign sa social media.

Pumirma si Janine sa online petition sa Change.org, at nag-promote nito sa kanyang social media accounts.

Sumali siya sa email protest, kung saan pinadadalhan ng email ang mga kongresistang bumoto pabor sa panukala para kumbinsihin ang mga itong baguhin ang boto.

Dumalo rin si Janine sa Anti-Terrorism Bill protest sa University of the Philippines (UP) Diliman nitong June 12, Independence Day.

Continue reading below ↓

Habang ginagawa ang lahat ng ito, regular na nagti-tweet si Janine ng updates tungkol sa tsansang tuluyang maisabatas ang controversial bill.

“DON’T BE SWAYED”

Pero nitong Lunes, June 15, iba ang mababasa sa tweet ng pangayan na anak ng dating mag-asawang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Ibinahagi niya ang madalas na komentong kanyang natatanggap, na nagsasabing huwag na siyang “makisali sa political issues.”

Pinayuhan ni Janine ang kanyang 160,500 Twitter followers na huwag magpatinag sa mga ganoong komento.

Bilang Pilipino, karapatan daw ng bawat isa sa atin ang magsalita, magtanong, at makialam sa mga isyung nakakaapekto sa atin.

Saad sa kabuuang tweet ni Janine (published as is):

“@ comments na ‘sana hindi ka nalang makisali sa political issues’

“to anyone who gets this too, pls don't be swayed.

“It's your right as a Filipino to speak up, question and be involved.

“I will keep repeating THAT YOUR VOICE MATTERS.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

“UNA SA LAHAT, PILIPINO KA”

Sa isa pang tweet, iginiit ni Janine na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng opinyon, karapatan at responsibilidad daw ng bawat Pilipino ang magsalita para sa kanyang bayan.

Mababasa sa tweet niya: “Kahit ano pa ang trabaho mo o kahit naiiba ang paniniwala mo sa nakararami, una sa lahat, Pilipino ka.

Continue reading below ↓

“May karapatan ka at may responsibilidad ka.

“Stay informed.

“Speak.”

May mensahe rin si Janine sa mga nagbabato sa kanya ng komento, na aniya'y nagsusulong lang naman ng “culture of silence.”

Tweet ni Janine: “to those people who say those comments & promote this culture of silence - you're killing our democracy.”

Continue reading below ↓

JANINE USES TWITTER TO SPEAK UP ON VARIOUS ISSUES

Unang naging interesante sa publiko ang social media posts ni Janine nang mag-viral ang “Oh God” tweet siya tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Naging laman din si Janine ng mga balita nang dismayado siyang mag-tweet tungkol sa kawalan ng plano ng gobyerno sa noon ay papasimula pa lang na coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓

Matapang ding nag-suggest ang aktres na sa halip na si Pasig City Mayor Vico Sotto ay mas dapat daw na imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Senator Koko Pimentel.

Kaugnay ito ng akusasyong nagkaroon ng quarantine protocol violation si Mayor Vico, kahit pa si Pimentel ang inulan ng batikos sa pagpunta sa ospital kahit positibo na sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Nakisimpatiya rin si Janine sa ABS-CBN nang ipasara ng gobyerno ang broadcast operations nito noong nakaraang buwan.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Janine Gutierrez uses her social media accounts to campaign against the passage of the controversial Anti-Terrorism Bill of 2020.
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results