Four drivers of PISTON 6 get free COVID-19 testing care of Angel Locsin, Anne Curtis

by Jet Hitosis
Jun 26, 2020
Jeepney driver Elmer Cordero (right) and three other members of the PISTON 6 undergo swab testing for COVID-19, care of the Shop and Share project of actresses Anne Curtis and Angel Locsin.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, PISTON on Facebook

Patuloy na natutulungan ng actress-philanthropist na si Angel Locsin ang jeepney drivers na binansagang “PISTON 6.”

Sila ang anim na miyembro ng transport group na Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Inaresto at ikinulong sila ng Caloocan City Police dahil sa paglabag umano sa physical distancing, disobedience to persons in authority, at illegal assembly.

Pinalaya ang anim na tsuper makaraang magpiyansa.

Nitong Miyerkules, June 24, apat sa PISTON 6 ang sumailalim sa swab testing para masuri sa COVID-19, ayon sa report ng Rappler.

Ginawa ang testing sa Mandaluyong City.

Ayon sa report, sagot ng Shop & Share online auction project ni Angel, 35, ang nabanggit na pagsusuri.

Katuwang ni Angel sa Shop & Share ang kapwa aktres na si Anne Curtis.

Para sa inisyatibong ito, nag-donate ng pre-loved items ang celebrities para maisubasta.

Ang kikitain sa auction ang gagastusin sa mass testing para sa mahihirap.

Continue reading below ↓

TWO JEEPNEY DRIVERS TEST POSITIVE

Kabilang sa PISTON 6 na sumailalim sa swab testing ang pinakamatanda sa grupo, si Elmer Cordero, 72.

Nag-viral sa social media ang pagkakakulong sa PISTON 6 dahil na rin sa kaawa-awang kalagayan ni Cordero.

Tatay Elmer ang tawag ng netizens kay Cordero.

Apat lang sa PISTON 6 ang sinuri sa COVID-19, makaraang magpositibo ang dalawa sa kanila.

June 18 ito kinumpirma ni Atty. VJ Topacio, abogado ng anim na tsuper.

Malaki ang suspetsa ni Caloocan City 2nd District Representative Edgar Erice na sa piitan nakuha ng dalawang driver ang virus.

Ipinag-utos ng kongresista ang testing sa mga nakasama ng dalawang tsuper sa kulungan, iniulat ng Manila Bulletin.

Ipinalinis din ni Erice ang detention cell.

HOT STORIES

FOR TATAY ELMER, ANGEL IS “NAPAKABUTI”

Kabilang naman si Tatay Elmer sa apat na nagnegatibo sa virus.

At nitong Miyerkules nga, muling sumailalim sa swab testing ang apat na tsuper.

Quoted sa ulat ng Rappler ang papuri ni Tatay Elmer sa kabutihan ni Angel.

Continue reading below ↓

“Napakabuti ng aktres, at nauunawaaan niya ang halaga ng mass testing,” quote kay Tatay Elmer.

Si Angel Locsin ang aktres na tinukoy niya.

JEEPNEY DRIVERS HELPING EACH OTHER

Malaking tulong daw, ayon kay Tatay Elmer, na alam nilang ligtas sila sa COVID-19 habang namamahagi ng ayuda sa mga kapwa tsuper ng jeep.

“Malaking tulong ito para matiyak ang aming kaligtasan upang makalahok kami sa mga serye ng paghahatid ng mga donasyon sa kapwa naming drayber,” ani Tatay Elmer.

Tatlong buwan nang walang kita ang mga jeepney drivers.

Hindi kasi pinapahintulutang mamasada ang mga pampasaherong jeep simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong March 17.

Kaugnay nito, inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra nitong Miyerkules na papayagan nang makabiyahe ang mga UV Express van at traditional jeepneys sa susunod na linggo.

Sinabi ni Delgra na may go-signal nang mamasada ang mga UV Express simula sa Lunes, June 29.

Continue reading below ↓

Wala namang binanggit na eksaktong petsa ang LTFRB Chief kung kailan magbabalik-pasada ang mga jeep sa susunod na linggo.

THE PISTON 6 PROTEST

June 2 nang inaresto at ikinulong ang PISTON 6 matapos magsagawa ng kilos-protesta sa EDSA Caloocan City.

Iprinotesta nila noon na hindi pa rin pinapayagang makabiyahe ang mga jeepney sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Sa isang video message na kumalat sa social media nitong June 9, ibinunyag ni Tatay Elmer na tinulungan ni Angel ang PISTON 6 habang nasa piitan.

Matapos makalaya noong June 8, nagpasalamat si Tatay Elmer kay Angel “sa lahat ng mga itinutulong mo sa aming suporta sa loob ng kulungan.”

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga tulong na iniabot ni Angel sa PISTON 6 ang health-kit essentials.

Laman ng health kit ang face masks, alcohol, vitamins, at iba pa.

Katuwang ni Angel sa pagtulong sa mga nakulong na tsuper ang I Am Hope organization ng kapwa Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Nauna rito, sa pamamagitan ng isang Instagram post ay umapela si Angel sa Caloocan City Police na huwag ikulong ang PISTON 6.

Pakiusap noon ni Angel sa pulisya ng Caloocan: “Pls. If you cannot help them, Let them go home.

“They just want food for their families.

“Maraming gutom.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeepney driver Elmer Cordero (right) and three other members of the PISTON 6 undergo swab testing for COVID-19, care of the Shop and Share project of actresses Anne Curtis and Angel Locsin.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, PISTON on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results