Kapamilya stars take pay cut in support of ABS-CBN

by Jet Hitosis
Jun 27, 2020
ABS-CBN Corporation earlier confirmed that it is losing P30 million to P35 million every day that it is off the air, adding that retrenchment of network employees is inevitable.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Pumayag ang Kapamilya stars na tapyasan ang sinisingil nilang talent fee bilang pagpapakita ng suporta sa ABS-CBN.

Kinailangang magbawas ng gastos ang network, na nasa gitna ngayon ng krisis pinansiyal.

Halos dalawang buwan na kasing tigil-operasyon ang broadcasting unit nito.

Sa isang pahayag ngayong Sabado, June 27, nagpasalamat si ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes sa pag-unawa ng Kapamilya talents at ng kanilang managers sa kasalukuyang sitwasyon ng network.

“We are grateful to all our artists for their understanding and support for the network during these difficult times,” saad sa statement ni Vidanes.

“We thank them for keeping the passion and commitment to bring joy and entertainment to our audience in the midst of the pandemic and the shutdown.”

PAMI: TAKING A PAY CUT IS PAYING IT FORWARD

Sa panig naman ng Professional Artist Managers Inc. (PAMI) President na si June Rufino, sinabi niyang nauunawaan ng kanilang grupo ang krisis na pinagdadaanan ngayon ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sa laki raw ng naitulong ng network sa mga artista nila, gayundin sa mga biktima ng mga kalamidad sa bansa, ang pagpayag ng PAMI sa pagbabawas sa talent fee ay isang paraan “to pay it forward.”

Sinabi ni Rufino: “In good times, ABS-CBN has been with us.

“In bad times, we want to be there for them.”

Ayon kay Rufino, nakausap na niya ang kanyang talents tungkol sa tapyas sa talent fee.

Wala raw reklamo ang mga ito.

Pare-pareho raw nilang nauunawaan ang krisis na hinaharap ngayon ng Kapamilya network.

“Ngayon alam nila, wala ang ABS-CBN. Naiintindihan nila iyon.

“We want to cooperate. We want to help ABS-CBN in whatever way we can and taking a pay cut is one way to do that,” ani Rufino.

Dagdag niya: “ABS-CBN has always been in the service of the Filipino. Kapag may calamities, iyong ABS-CBN ang nauunang tumulong.

“Now, it’s time for us to pay it forward.”

Continue reading below ↓

Ilan sa mga Kapamilya talents na nasa ilalim ng pangangalaga ng PAMI members ay sina Susan Roces, Luis Manzano, Jessy Mendiola, Marco Gumabao, John Prats, at Ogie Alcasid.

SHOWS IN KAPAMILYA CHANNEL

Sa ngayon, iilang Kapamilya shows na lang ang napapanood sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV.

Kabilang sa mga ito ang FPJ’s Ang Probinsyano, It’s Showtime, Magandang Buhay, Love Thy Woman, A Soldier’s Heart, ASAP Natin ‘To, at The Voice Teens.

May dalawang bagong shows din sa Kapamilya Channel, ang Paano Kita Mapasasalamatan ni Judy Ann Santos at ang Iba ‘Yan ni Angel Locsin.

FRANCHISE RENEWAL BILLS STILL PENDING

May 5 nang ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang broadcasting operations ng ABS-CBN.

Ito ay matapos mapaso ang 25-year legislative franchise ng network noong May 4.

Simula noon, ayon sa ABS-CBN Corporation, aabot sa PHP30 million-PHP35 million ang nawawalang kita ng network bawat araw na sarado ito.

Continue reading below ↓

Kinumpirma rin ng ABS-CBN na nakatakda na itong magbawas mula sa 11,000 empleyado nito sa darating na Agosto

Patuloy pa ring dinidinig sa Kamara ang panukalang magbibigay ng panibagong 25-taong prangkisa sa Kapamilya network.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN Corporation earlier confirmed that it is losing P30 million to P35 million every day that it is off the air, adding that retrenchment of network employees is inevitable.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results