PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Contentious Anti-Terrorism Act becomes law today, July 18

The broad definition of terrorism is the new law’s most obvious flaw.
Published Jul 18, 2020
Makabayan Bloc congressmen on July 6 file before the Supreme Court the fourth petition against Republic Act 11479 or the Anti-Terrorism Act of 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano

#AntiTerrorismLaw

Isa nang ganap na batas ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Simula ngayong Sabado, July 18, may bisa na ang pinaigting na batas kontra terorismo.

Pormal itong tatawaging Republic Act 11479, kapalit ng Human Security Act of 2007.

Ang RA 11479 ay inakda nina Senate President Tito Sotto (Nationalist People’s Coalition), Senator Panfilo Lacson (Laban ng Demokratikong Pilipino), Senator Ronald “Bato” Dela Rosa (PDP-Laban), Senator Lito Lapid (NPC), Senator Imee Marcos (Kilusang Bagong Lipunan), at Senator Bong Revilla (Lakas-CMD).

Ito ang panukalang mabilisang pinaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte (PDP-Laban) sa Kongreso nitong June.

February ngayong taon nang pumasa ito sa Senado.

May 29 nang in-adopt ng Kamara ang buong Senate version.

June 1 sinertipikahan ni Duterte bilang "urgent" ang House bill.

June 2 inaprubahan ng Kongreso ang panukala sa second reading.

June 3 ipinasa sa third at final reading ang House bill.

Saktong isang buwan ang lumipas, July 3, pinirmahan ito ng Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangyari lahat ito habang nasa kasagsagan ng krisis ang Pilipinas dahil sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

THE BILL TO TERRORIZE A NATION

Ayon kay Pangulong Duterte, panahon nang dapat gawing mas mabangis ang batas ng bansa laban sa terorismo.

At totoong literal na “terror” ang idinudulot ng Anti-Terrorism Act—pero malamang ay hindi lang sa mga teroristang target nito.

Labis itong pinangangambahan ng mga law experts, kritiko ng gobyerno, human rights defenders, progressive groups, academicians, at maging ng ilang celebrities.

Pare-pareho ang kanilang reklamo: Ang Anti-Terrorism Law ay labag sa human, civil, at political rights, at delikadong maabuso.

CONTENTIOUS PROVISIONS OF THE NEW LAW

Narito ang mga probisyon ng Anti-Terrorism Act na mariing kinukuwestiyon ng mga kritiko nito:

  1. Ang overbroad at hindi malinaw na kahulugan ng “terrorism” at “terrorist,” na bukas sa interpretasyon kaya malaki ang posibilidad maabuso.
  2. Pagdakip sa mga hinihinalang terorista nang walang arrest warrant mula sa korte. (Ganito rin sa panahon ng martial law.)
  3. Hanggang 24 na araw na pagdedetine—nang hindi nasasampahan ng kaso—para sa mga inaresto nang walang warrant.
  4. Hanggang 60 araw na surveillance sa mga hinihinalang terorista, na maaari pang palawigin ng korte hanggang 30 araw.
  5. Ang malawak at eksklusibong kapangyarihan ng Anti-Terrorism Council, na pangunahing magpapatupad sa bagong batas. (Ito ay magiging superbody.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE POWER OF CELEBRITY INFLUENCE

Sa lahat ng sektor na kumontra sa Anti-Terrorism Act bago ito naisabatas, mga celebrities ang pinakaepektibo sa pagpaparating sa publiko ng mga kailangang malaman tungkol dito.

Simula nang ipasa ng Kamara noong June 3, dagsa ang celebrities na sumuporta sa #JunkTerrorBill at #JunkTerrorBillNOW campaigns sa social media.

Kabilang sa kanila ang mga aktres na sina Janine Gutierrez, Nadine Lustre, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Agot Isidro; at ang mga aktor na sina James Reid at Enchong Dee.

Nakiisa rin ang young actresses na sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, at Maris Racal.

Mariin ding tinutulan nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagsasabatas sa kontrobersiyal na panukala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TAYLOR SUPPORTS #JUNKTERRORBILL, JANINE JOINS RALLY

Maging ang American pop superstar na si Taylor Swift, nagbahagi sa kanyang Instagram Stories ng link sa online petition laban sa Anti-Terrorism Bill ng Pilipinas.

Bukod sa pagpu-post sa social media ng opinyon nila sa issue, nag-share ang celebrities ng mga infographics tungkol sa panukala, at link sa virtual copy ng bill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Janine, sumali sa online petition.

Pumunta rin siya sa Junk Terror Bill protest sa University of the Philippines-Diliman noong June 12, Araw ng Kalayaan.

Kasama naman ni Janine ang aktres na si Lauren Young sa pakikibahagi sa email protest para kumbinsihin ang mga kongresistang bumoto kontra sa Anti-Terrorism Bill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ACTORS-TURNED-POLITICIANS VOTE YES

Bagamat 15 kongresista ang nakumbinsi ng email protest na itama o baguhin ang kanilang boto, lumusot sa Kamara ang panukala sa landslide na botong 168-36-29.

Sa mga kongresistang bumoto, 168 ang "Yes"; 36 ang "No"; at 29 ang Abstain o tumangging bumoto.

Kasama sa mga bumoto ng “Yes” ang actress-turned-politician na si Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto (Nacionalista Party).

Pati rin ang celebrity-turned-politician na si Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez (PDP-Laban), na nagsalita pa sa publiko para depensahan ang batas.

Aprubado rin ang Anti-Terrorism Bill ng mga dating aktor na sina Manila 3rd District Yul Servo (PDP-Laban) at Laguna 1st District Dan Fernandez (National Unity).

Pawang nakatikim ng bashing sa social media sina Vilma, Lucy, Yul, at Dan sa pagpabor nila sa kontrobersiyal na bill.

HOT STORIES

NINE PETITIONS FOR TRO, PRELIMINARY INJUNCTION

Kung bigo ang celebrities na pigilan ang pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill, kumilos ang iba pang kritiko para kuwestiyunin sa Korte Suprema ang legalidad ng bagong batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula July 4 hanggang 16, siyam na petisyon ang inihain upang magpalabas ang Supreme Court ng temporary restraining order (TRO) laban sa Anti-Terrorism Act.

Karamihan sa siyam na petisyon ay humihiling din ng writ of preliminary injunction laban sa Anti-Terrorism Council (ATC).

Ang TRO ay court order na agarang pumipigil sa isang aksiyon, sa loob ng limitadong panahon.

Sa kaso ng Anti-Terrorism Act, sakaling maglabas ang Korte Suprema ng TRO, pansamantalang matitigil ang pagpapatupad sa batas na ito.

Target naman ng writ of preliminary injunction na ipagbawal ang isang gawain upang mapanatili ang status quo.

Ibig sabihin, ito ay petisyon para pagbawalan ang Anti-Terrorism Council na ipatupad ang Anti-Terrorism Law hanggang sa may pinal nang desisyon ang korte sa mga petisyon.

PETITIONS FROM LAW PROFESSORS, SOLONS

Ang unang petisyon ay inihain ng grupo nina Atty. Howard “Howie” M. Calleja, law professor at lecturer sa Ateneo de Manila University (ADMU) at De La Salle University (DLSU); at dating Education Secretary Bro. Armin Luistro, ng De La Salle Brothers, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ikalawang petition ay nanggaling sa kilalang human rights lawyer na si Albay 1st District Representative Edcel Lagman (Liberal Party).

Ang pangatlo ay nagmula kay Far Eastern University (FEU) College of Law Dean Atty. Melencio Sta. Maria Jr., kasama ang anim na law professors ng FEU.

Ang ikaapat ay inihain ng Makabayan Bloc sa Kamara, sa pangunguna nina Representatives Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, at Eufemia Cullamat ng Bayan Muna Party-list.

LAWYER TO CELEBRITIES & CONSTITUTIONAL FRAMERS

Panglima ang petisyon ni dating Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) chief Atty. Rudolph Philip Jurado.

Taong 2017 nang italaga ni Pangulong Duterte si Jurado sa OGCC, pero tinanggal sa puwesto makalipas ang isang taon.

Nagkamali raw si Jurado sa pagbigay ng prangkisa sa Aurora Pacific Economic Zone, dahil hindi ito mandato ng OGCC.

Ilang celebrities din ang naging kliyente noon ni Jurado, kabilang ang aktor na si Robin Padilla at ang aktres na si Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pang-anim ang petisyong inihain nina dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Atty. Christian Monsod at Atty. Felicitas Arroyo.

Sina Monsod at Arroyo ay parehong miyembro ng 1986 Constitutional Commission na bumalangkas sa umiiral ngayong 1987 Constitution.

LABOR, MULTI-SECTORAL GROUPS

Ang pampitong petisyon ay inihain ng labor groups kabilang sa Pro-Labor Legal Assistance Center at sa Center for Trade Union and Human Rights.

Mula naman sa multi-sectoral alliance group na Sanlakas ang ikawalong petisyon sa Korte Suprema laban sa Anti-Terrorism Bill.

At pangsiyam ay inihain ng isa pang labor group, ang Federation of Free Workers.

Nitong July 14, sa en banc session ng Supreme Court ay pinagsama-sama nito ang unang apat na petisyon.

Binigyan ng Korte Suprema ng 10 araw ang gobyerno upang sagutin ang apat na petisyon laban sa bagong batas.

Inaasahang pagsasama-samahin ng Kataas-taasang Hukuman ang lahat ng siyam na petisyon.

Gayunman, posibleng sa mga susunod na araw ay may iba pang dumulog sa Supreme Court upang kuwestiyunin ang Anti-Terrorism Law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makabayan Bloc congressmen on July 6 file before the Supreme Court the fourth petition against Republic Act 11479 or the Anti-Terrorism Act of 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results