PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karen Davila: “Our lawmakers killed free access to news & information.”

Karen Davila hurt by simultaneous closure of their provincial stations.
by Arniel C. Serato
Published Aug 29, 2020
Karen Davila: "GOODBYE, ABSCBN REGIONAL. Today, the ABSCBN Regional Group did their last broadcast. And with it, the death of the voices of those specially in far flung areas all over the Philippines.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram / Jerome Ascano

Nanindigan si Karen Davila na pinagkaitan ng mga mambabatas nang paraan upang makakuha ng balita at impormasyon ang malalayong barangay sa bansa sa pagpatay nila sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ang ipinunto ng ABS-CBN broadcaster sa kanyang Instagram post kahapon, August 28.

Kahapon ang araw ng pagpapaalam sa ere ng lahat ng regional stations ng broadcast giant dahil sa kawalan ng prangkisa para patuloy na magsahimpapawid.

Sabi ni Karen sa kanyang post, “GOODBYE, ABSCBN REGIONAL.

“Today, the ABSCBN Regional Group did their last broadcast.

“And with it, the death of the voices of those specially in far flung areas all over the Philippines.”

Pagmamalaki pa ni Karen, ang regional stations ng ABS-CBN ang lamang daw nila sa ibang TV stations sa bansa.

Kahit na hindi raw ito kumikita, pangarap daw ng may-ari ng network na mabigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino sa iba't ibang sulok ng bansa na mabigyan ng boses at marinig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa ni Karen, “The ABSCBN Regional Group is what sets ABSCBN apart from the rest.

“Even when it wasn’t profitable, it was the vision of Geny Lopez to give Filipinos all over the country their own VOICE.

“They had to be heard.”

Naniniwala rin daw ang kumpanya na malaking bagay na mayroong local newscast ang network upang mabigyan ng importansiya ang bawat probinsiya.

Ani Karen, “ABSCBN believed it was important to produce local newscasts & give each province importance.

“With this, 21 regional stations were born along 12 local TV Patrol programs.

“Just WOW!”

May 5, nagpaalam sa himpapawid ang ABS-CBN dahil sa pagkapaso ng kanilang prangkisa, alinsunod na rin sa cease and desist order (CDO) na inihain ng National Telecommunications Commission (NTC) sa kumpanya.

Pero bago pa man napasara, hayagan ang pagpapakita ng galit ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ABS-CBN.

Binantaan din niyang iba-block ang pag-renew ng prangkisa nito at sinabihan pa ang mga may-aring ibenta na lamang ang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Presidente, hindi inilabas ng Kapamilya network ang kanyang campaign ads nung 2016, kahit na nag-abot na ang kampo niya ng kaukulang bayad para sa airing time nito.

Ayon naman sa ilang political observers, pinag-iinitan din ng presidente ang ABS-CBN dahil sa paraan ng pagre-report nito tungkol sa kanyang administrasyon.

“NAIIYAK AKO”

Paniwala ni Karen, mga “unsung heroes” ang mga kasamahan nila sa mga lalawigan.

Nagsisilbi raw “puso at kaluluwa” ng istasyon ang mga ito.

Lahad pa niya, “The regional group are our unsung heroes. They are the heart, soul & reach of ABSCBN to the nation.”

Hindi raw niya napigilan ang sariling maluha dahil ito raw ang “pinatay” ng pitumpong mambabatas nang ibasura nila ang aplikasyon ng bagong prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Sa botong 70-11, tuluyan nang pinatay ng Kongreso ang franchise bid ng network noong nakaraang July 10, 2020.

Dagdag pa niya, “Naiiyak po ako kasi ito po ang pinatay ng hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABSCBN.

“Our lawmakers killed free access to news & information in many isolated & disaster-prone barangays unreached by other networks or the internet.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It breaks my heart.”

Kalakip ng post ni Karen ang pitong minutong video na nagpapakita ng hirap na pinagdaanan ng local reporters nila sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas upang maiparating sa mga bahay-bahay ang balita.

Pagtatapos pa ni Karen, “Please watch this video. Sigurado po ako kilala nyo ang ating mga anchor at reporter sa mga probinsya! Mahal namin kayo.

“What an honor to have worked with you. I feel truly humbled and proud #aug282020 #kapamilyaforever #abscbnshutdown

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, sa online, iWantTFC, at cable na lamang napapanood ang mga natitirang programa ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila: "GOODBYE, ABSCBN REGIONAL. Today, the ABSCBN Regional Group did their last broadcast. And with it, the death of the voices of those specially in far flung areas all over the Philippines.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results