Angelica Panganiban jokes about John Lloyd Cruz ghosting her in the past: "Baka naman puwede magparamdam ka at magpaalam ka one last time."

by Rachelle Siazon
Oct 13, 2020
Angelica Panganiban (left) tells good friends Bela Padilla (center) and Kim Chiu (right) that she's no longer interested in getting back with ex-boyfriend John Lloyd Cruz. She says, "Hindi ko na talaga kaya dyowain 'yan, e!"
PHOTO/S: Kim Chiu Youtube

Hindi inatrasan ni Angelica Panganiban ang tanong ni Kim Chiu kung dyodyowain o totropahin ba niya si John Lloyd Cruz.

Si John Lloyd, 37, ay ex-boyfriend ni Angelica, 33.

"Ay, Mom, John Lloyd Cruz! Ang gumawa ata nito kaibigan mo," nangingiting tukso ni Kim kay Angelica.

Sagot naman ni Angelica, "Di ba, kaibigan kita? Hindi kaya ikaw?"

Nagbakasyon kasi ang magkakaibigang sina Angelica, Kim, at Bela Padilla sa isang rest house sa Subic.

Habang nagluluto ng breakfast si Angelica ay naglaro sila ng "Jojowain o Totropahin Challenge," base sa vlog ni Kim noong October 10.

Isa si John Lloyd sa pinagpipilian nila sa mga ipinapakitang litrato ni Kim mula sa kanyang hawak na mobile phone.

Sagot ni Bela, "Sa ugali niya ngayon, kung nasaan siya ngayon, totropahin."

Tila nagpahiwatig naman si Angelica sa naranasang pang-iiwan umano ni John Lloyd nang walang paalam.

Tanong ni Angelica, "Bakit nasaan ba siya ngayon? Nahanap na ba siya?"

Continue reading below ↓

Napangiting sabi ni Bela, "Sa huling balita [nahanap na]. Wow!"

Sa puntong ito ay nagbigay ng mensahe si Angelica para kay John Lloyd.

Biro niya, "Kung nahanap ka na, baka naman puwede magparamdam ka at magpaalam ka one last time."

Nagsingit si Kim ng heartbroken emoji habang nagsasalita si Angelica.

Pero kaswal lang ang pagbitiw ng salita ni Angelica at natawa pa, kaya napatawa rin ang mga kaibigan niyang sina Kim at Bela.

Aminado si Angelica na gwapo si John Lloyd sa ipinakitang litrato ni Kim, pero sarado na raw ang pinto niya para sa dating nobyo.

"Alam mo, sa picture na 'yan, dyodyowain. Kaya lang hindi ko na talaga kaya dyowain 'yan, e!"

Sabi pa ni Angelica kay Kim, "Alam mo maghanap ka ng random picture, as in stranger, yung di natin alam, yung di artista!"

SIGHTINGS AFTER BREAKUP

Hindi kaila sa publiko na masalimuot ang hiwalayan noon nina Angelica at John Lloyd.

Continue reading below ↓

Naging opisyal silang magkarelasyon noong July 7, 2012, hanggang sa nagkahiwalay sila noong January 2016.

Bagamat naging bukas si Angelica sa sakit ng breakup nila ni John Lloyd, may panahong nanumbalik ang pagiging magkaibigan ng dalawa.

May pagkakataong namataan silang kumakain sa isang restaurant noong October 2016 at magkasama rin sila sa isang art fair noong February 2017.

Noong March 2017 ay dumalo pa si John Lloyd sa isang intimate dinner party sa bahay ni Angelica kasama ng ibang mga kaibigang tiga-showbiz.

Imbitado rin si Angelica sa 34th birthday party ni John Lloyd noong June 2017.

Bunsod nito ay naging tampok ng espekulasyon noon kung may posibilidad na magbalikan ang dalawa.

Parehong tikom ang bibig nina Angelica at John Lloyd ukol dito.

ANGELICA GHOSTED BY EX-BOYFRIEND

Hanggang sa noong September 2017, naging laman ng mga balita ang pagkakaigihan ni John Lloyd at Home Sweetie Home co-star na si Ellen Adarna.

Continue reading below ↓

Kinalaunan ay nakumpirmang magkarelasyon nga ang dalawa.

Pagsapit ng January 2018, nagpahaging si Angelica sa karanasan niyang maagawan ng nobyo.

Panay pa raw ang post sa social media ng litrato ng hindi pinangalanang couple, na parang wala raw nasaktan.

Mahihinuha sa mga bitiw ng salita noon ni Angelica na ang tinutukoy niyang ex-boyfriend ay si John Lloyd.

Nasundan pa ito ng panayam kay Angelica sa isang broadsheet, kunsaan sinabi niyang walang closure ang hiwalayan niya at ng huling nakarelasyon.

Lumalabas na na-ghost si Angelica ng kanyang ex dahil bigla na lang daw hindi ito mahagilap noong gusto niyang makausap.

Aniya, "Yung pinakamalala, yung di ka brineakan, 'tapos ikaw, parang, 'Ha? Akala ko tayo?'"

Imposible naman daw walang signal sa kung nasaang lugar ang hindi pinangalanang lalaki dahil viral ang litrato nito kasama ng bagong babae sa buhay nito.

Sa isip-isip daw ni Angelica noon, "So, sabi ko, 'Sila na siguro, di lang ako na-inform.'"

Continue reading below ↓

update on ANGELICA AND JOHN LLOYD

Sa ngayon, single pa rin si Angelica.

Huling naugnay sa kanya ay ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Pero ang hinihinalang pagkakamabutihan nila noong 2018 ay hindi nangyari dahil nagkaroon ng non-showbiz girlfriend si Carlo.

Kasalukuyang abala si Angelica sa Kapamilya drama series na Walang Hanggang Paalam kasama sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, at Arci Muñoz.

Si John Lloyd ay hiwalay na rin sa partner na si Ellen mula pa noong August 2019, ayon sa ulat noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nitong April 2020, kinumpirma ni Ellen na "co-parenting" na lang sila ni John Lloyd sa kanilang anak.

Mailap pa rin si John Lloyd sa media interviews, pero bali-balitang may humihimok ditong magbalik-telebisyon.

Huling namataan si John Lloyd nang magtungo ito sa Palawan noong September 4.

Isang Palawan resident ang nagkumpirma sa PEP.ph na namalagi sa El Nido, Palawan si John Lloyd para tutukan ang negosyo at pagpapagawa nito ng bahay doon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban (left) tells good friends Bela Padilla (center) and Kim Chiu (right) that she's no longer interested in getting back with ex-boyfriend John Lloyd Cruz. She says, "Hindi ko na talaga kaya dyowain 'yan, e!"
PHOTO/S: Kim Chiu Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results