Vice Ganda vows never to leave ABS-CBN: "Sasamahan kita sa iyong pagbangon."

by Arniel C. Serato
Dec 2, 2020
Vice Ganda ABS-CBN Christmas Station ID
Vice Ganda to ABS-CBN: "Saksi ako sa dami ng iyong pinagdaanan ngayong taon. Pinahirapan ka. Binugbog ka. Pinagtulungan. Patuloy na sinipa habang duguang nakahandusay. Pinipilit kitilin ang buhay. Naghingalo ngunit di namatay..."
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN on Facebook

Patok sa loyal Kapamilya viewers ang bagong Christmas Station ID ng ABS-CBN na inilunsad kagabi, December 1.

Pagpupugay sa frontliners, mga bagong bayani, at mga taong nasalanta ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa ang tema ng ABS-CBN Christmas Station ID na pinamagatang “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya.”

Matapos itong ilunsad sa telebisyon, umani ito ng milyun-milyong views sa Facebook.

Naging sentimental ang ibang mga nakapanood dito, kabilang na ang Kapamilya stars na patuloy pa ring loyal sa network kahit nawala na ito sa free TV.

Isa sa kanila si Vice Ganda.

Sa kanyang Twitter account kagabi, sinabi ng It’s Showtime host na isang karangalan ang maging bahagi ng Kapamilya network.

Hindi umalis si Vice sa ABS-CBN kahit wala na itong prangkisa.

Aniya, “Isang KARANGALAN ang maging bahagi ng ABS-CBN. Periodt! #IkawAng LiwanagAt Ligaya."

Continue reading below ↓

Kasunod nito, isang open letter ang inihandog ni Vice sa kanyang home network.

Makahulugan ang mensahe ng comedian-TV host para sa istasyon na aniya’y “pinahirapan, binugbog, at pinagtulungan.”

Buong mensahe ni Vice: “Dear ABS-CBN

"Saksi ako sa dami ng iyong pinagdaanan ngayong taon.

“Pinahirapan ka. Binugbog ka. Pinagtulungan.

“Patuloy na sinipa habang duguang nakahandusay.

“Pinipilit kitilin ang buhay. Naghingalo ngunit di namatay.

“Sasamahan kita sa iyong pagbangon.

“Sa iyong pagpapalakas.

“At sa muli mong paglipad. Binabati kita!

“Kahit na binalot ka ng dilim ay patuloy kang nagniningning!

“Mahal na mahal kita!”

Vice Ganda open letter

Continue reading below ↓

ABS-CBN FRANCHISE WOES

Isa sa malaking problemang kinaharap ng ABS-CBN nitong 2020 ay ang hindi pagka-renew ng broadcast franchise nito.

Napaso ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 4, 2020.

Kinabukasan, May 5, ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC), sa pamamagitan ng cease and desist order (CDO), sa pamunuan ng istasyon na itigil ang broadcast sa lahat ng kanilang platforms.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng marathon hearings ang Kongreso mula katapusan ng Mayo hanggang Hulyo para dinggin ang franchise renewal application ng istasyon.

Ngunit, gaya ng inaasahan, tuluyan itong ibinasura noong July 10, 2020.

Sa botong 70-11, pinatay ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN.

Dahil dito, nagkaroon ng malawakang retrenchment ang istasyon.

Lahat din ng kanilang radio at regional stations ay nagsara dahil sa kawalan ng prangkisa.

Nakabalik sa free TV ang ABS-CBN sa pamamagitan ng blocktime deal sa Zoe Broadcasting Network.

Ni-rebrand din ang network at pinangalanang A2Z Channel 11.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda to ABS-CBN: "Saksi ako sa dami ng iyong pinagdaanan ngayong taon. Pinahirapan ka. Binugbog ka. Pinagtulungan. Patuloy na sinipa habang duguang nakahandusay. Pinipilit kitilin ang buhay. Naghingalo ngunit di namatay..."
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results