Valentine Rosales relates convo with Christine Dacera about a "handsome basketball player" in Room 2207

by Rachelle Siazon
Jan 15, 2021
Valentine Rosales (in red shirt and cap) thinks Christine Dacera (in mini dress in CCTV) may have frequented Room 2207 after she allegedly sighted a "handsome basketball player" (guy with a tinted face shield) among the guests there.
PHOTO/S: Valentine Rosales Instagram / ABS-CBN - TV Patrol / Saksi

Kuha sa CCTV footage ang limang beses na pagpabalik-balik ni Christine Dacera sa Room 2207 ng City Garden Grand Hotel ng Makati City.

Ang Room 2207 ay malapit sa Room 2209, na siyang hotel room na si Christine mismo ang nag-book para sa New Year's Eve party ng kanyang barkada.

Si Christine ang 23-year-old flight attendant na natagpuang patay sa Makati hotel noong tanghali ng January 1, 2021.

Kasama niyang nag-party mula noong gabi ng December 31 hanggang January 1 ang 11 katao na gay lahat ang sexual orientation.

Tanong ng bayan: Bakit nga ba pabalik-balik si Christine sa Room 2207?

May opinyon dito si Valentine Rosales, na kasama sa circle of friends ni Christine na nasa Room 2209.

"I don't want to confirm anything, but I remember Tin telling to me na there's someone handsome in Room 2207. One guy," saad ni Valentine.

Tinanong si Valentine kung tingin niya ay "straight" ang lalaking napogian si Christine.

Continue reading below ↓

Sagot ni Valentine, "I actually looked at him. He doesn't look straight.

"Kasi sometimes if you see someone, hindi mo malalaman kung straight or not.

"Since they're all gays, I assumed he's also gay."

valentine rosales, christine dacera go back and forth in room 2207

Pero natatandaan daw ni Valentine na iginiit sa kanya ni Christine na hindi gay ang tinutukoy nitong basketball player sa Room 2207.

Continue reading below ↓

"Tin told me that he was a basketball player. She said, 'Hindi iyan gay, basketball player iyan.'

"Then I said, 'Oh... I'm not sure, because he looks...'"

Deadma naman daw si Valentine sa hindi pinangalanang basketball player na itinuturo ni Christine.

"So I just shrugged it off and then I said, 'Okay, I'll just go back to the other room.'"

Sinabi ito ni Valentine sa panayam ni Boy Abunda sa isang online show noong January 13, 2021.

Kasama rin doon sina Gregorio "Gigo" de Guzman, JP dela Serna, Rommel Galido, Clark Rapinan, at legal counsel na si Atty. Mike Santiago.

Walang binanggit si Valentine na pangalan ng sinasabi umano ni Christine na "basketball player."

Pero isang nagngangalang Justin Rieta ang nagpakilalang basketball player na isa sa mga bisita umano sa Room 2207 noong New Year's Eve.

Humarap si Rieta sa National Bureau of Investigation noong January 13. Hindi raw niya kilala si Christine, pero handa raw siyang makipag-cooperate sa imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidenteng pagkamatay ng dalaga.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

CHRISTINE WANTS TO "MAKE FRIENDS" WITH ROOM 2207 GUESTS

Para naman kay JP, wala raw siyang naisip na dahilan kundi, sa pagkaakalam niya, ay natural na pagiging friendly ni Christine.

"For me, I don't have any idea to ask that question because I know Tin so much when it comes to her attitude. Tin is so friendly. Hindi siya mahirap pakisamahan," sabi ni JP kay Boy.

Tugma ito sa kuwento ni Valentine na si Christine ang nanguna sa pagsasabing makihalubilo sila sa guests sa Room 2207.

Lahad pa ni Valentine, "Prior to New Year's Eve, Tin, she's the one who said, 'Let's go to the other room. Let's make friends with them.'

"Then she brought one bottle of hard liquor. That's the time when we played parlor games in Room 2207—Hep Hep Hooray! She won the game."

room 2209 guests went to room 2207

Continue reading below ↓

Base sa CCTV footage na nakalap ng news programs ng TV networks, makikitang 17 minutes lamang ang itinagal ng grupo ni Christine sa Room 2207.

Bumalik sila sa kanilang kuwarto sa Room 2209 noong 11:38 p.m.

Nang unang humarap si Valentine sa media noong January 6, sinabi niyang nagyaya siyang umalis ng Room 2207 matapos maglaro ng parlor games dahil "wala naman gwapo" at "bakla pero may mga edad na" ang mga naroon.

Sabi pa raw niya noon, "Doon na tayo sa kabila wala naman pogi dito, e."

Sa panayam ni Boy nitong January 13, binawi ni Valentine ang unang impression niya sa guests sa Room 2207.

Ani Valentine, "I'm really sorry. I was full of emotions during that time.

“I just want to reiterate na 2207, I'm taking back what I said. Hindi kayo chaka."

HOW THEY MET THE GUESTS IN ROOM 2207

Ang nasa Room 2209 na kasama ni Christine ay sina Rommel Galido, JP dela Serna, Clark Rapinan, Valentine Rosales, at Gigo de Guzman.

Continue reading below ↓

Kasama rin sina Louie de Lima, Mark Anthony Rosales, Ed Madrid, Jammyr Cunan, Rey Ingles, at John Paul Halili.

Kinumpirma ito ng grupong nakapanayam ni Boy.

Hindi man direktang magkakilala ang iba sa kanila ay iisa lang ang sirkulo nilang magkakaibigan, at malinaw na nagkasundo silang magkakasamang mag-party sa hotel.

Si Mark Anthony Rosales daw ang "bago" sa grupo at lumalabas na tila karelasyon nito si Louie de Lima, base sa kuwento nina JP at Rommel.

Sinasabing si Ed Madrid ang may kakilala sa Room 2207 dahil "ka-fling" umano nito ang isang nagngangalang "DJ."

Si Ed daw ang naging daan kaya "nag-gatecrash" ang mga tiga-Room 2209 sa Room 2207.

Sa mga naunang panayam kay Gigo, sinabi niyang "6 to 8" people ang nasa Room 2207.

Pero napag-alaman sa police investigation na "12" katao ang nasa Room 2207. Humarap din ang mga ito sa NBI noong January 13.

Paliwanag naman ni Gigo, dalawang beses lang siyang nagpunta sa Room 2207 at hindi naman daw siya nagtagal doon.

Continue reading below ↓

Marahil ay may mga ibang tao raw na nagsidatingan pa at wala siyang ideya kung sino ang mga ito.

Iginiit naman ng grupo na Room 2209 lang talaga ang naka-book sa pangalan ni Christine.

Wala raw silang kinalaman sa pag-book ng Room 2207 at Room 2009 na kasamang iniimbestigahan ng pulisya.

CHRISTINE "FOUGHT" WITH GUESTS IN ROOM 2207

Samantala, kuha rin sa CCTV footage ng hotel ang pagkakataong nakunan si JP dela Serna na isa sa mga sumundo kay Christine mula sa Room 2207.

Makikita na wari ay pinipigilan ni JP si Christine na lumilingon-lingon pa sa Room 2207. May time stamp iyon na 3:23 a.m.

Ayon kay JP, nakipag-away raw kasi si Christine sa guests sa Room 2207.

Paliwanag ni JP, "Nakikipag-away siya, so nagtatawag ng tao from 2207 to pick Tin.

"Ako pa yung umawat nun kasi Tin was really drunk and I'm avoiding commotion because ayoko makaistorbo ng ibang kuwarto."

Continue reading below ↓

Tinanong ni Boy si JP kung bakit nakipag-away si Christine sa mga tiga-Room 2207.

Sagot ni JP, "As far as I know, medyo mababaw. Ang reason is the guys from 2207 is not following Tin in her Instagram account.

"I think Tin got offended, because sabi sa akin ni Tin, 'Sabihin mo sa kanila I'm pretty.'

"And I know she's pretty. She's my friend and I need to support her."

Ayon kina Valentine, Clark, at JP, wala silang intensiyong makipag-flirt sa mga tiga-Room 2207, at si Christine raw ang sadyang pabalik-balik doon.

Hindi naman daw nila pinabayaan ang dalaga dahil makailang-beses pa raw nilang sinundo ang dalaga sa Room 2207 para ibalik sa Room 2209 kasama nila.

room 2209 guests fetch christine from room 2207

Continue reading below ↓

Ayon kay JP, may isa pa raw beses na sinundo niya si Christine mula sa Room 2207.

Tinaguan pa raw siya noon ni Christine na nakita niya sa likod ng kurtina sa Room 2207.

Pabalik ng Room 2209, umikot daw si Christine at sinalo niya ito sa pangambang baka "mabagok" ang ulo ng dalaga.

Binuhat na lang daw ni JP si Christine, at ang dalaga raw mismo ay nagpabuhat sa kanya pabalik ng Room 2209.

Ito raw iyong pagkakataong kita sa CCTV na tila lumiyad si Christine habang buhat ito ni JP.

ON CHRISTINE'S DATING ATTITUDE

Hindi maiwasang mapag-usapan ang estado ng love life ni Christine upang tingnan kung may kaugnayan ito sa kilos ng dalaga sa New Year's Eve party.

Sinasabing bukas daw si Christine sa pagnanais na makahanap ng lalaking seseryoso rito.

Ayon kay JP, noong "December 16 or 17" ay may pinakilala raw si Christine na ka-date nito sa kanilang grupo na magbabarkada.

Continue reading below ↓

Mukhang "Taiwanese" o "Chinese" daw ang hitsura ng lalaki.

Nang magkita-kita muli ang grupo, hinaing daw ni Christine ay hindi ito nagbunga sa mas malalim na relasyon.

Lahad ni JP: "That time na pinakilala niya, they were dating na. Pinakilala niya, 'Ito dini-date ko.

"But for some reason, after magka-COVID ni Will, di na siya nagparamdam kay Christine.

"After that, nag-open si Christine bakit walang sumeseryoso sa kanya."

Sinegundahan ito ni Valentine.

Aniya, "Tin kept saying before New Year's Eve that I look so much like that guy, which is Will.

"She was sharing that guy ghosted her. 'Am I not pretty enough?' She's very vocal with her feelings."

Si Valentine ang self-confessed "gay" na nakita sa CCTV na hinalikan ni Christine.

Sa CCTV, makikitang may dalawang segundo bago waring kumalas si Valentine sa halik nila ni Christine.

Valentine Rosales kissing Christine Dacera CCTV

Continue reading below ↓

Ayon kay Valentine, iyon ang unang pagkakataong may nakahalikan siyang babae. Wala raw iyong malisya sa kanya.

Dinepensahan siya ni Gigo na nagsabing mayroon itong mga kaibiganG babae na kung minsan ay hinahalikan siya at hinahalikan din naman niya sa bar.

Kung minsan ay pinagpapanggap daw kasi si Gigo na "boyfriend" ng kanyang mga kaibigang babae para makaiwas sa mga lalaking nagpapakilala sa mga ito sa bar.

Wala raw iyong malisya kay Gigo, na isa ring self-confessed gay.

JP, ROMMEL, GIGO, CLARK, VALENTINE DENY RAPE ALLEGATION

Sa kaso ni Christine at pakikipaghalubilo nito sa Room 2207, nanindigan si Gigo na tingin niya ay walang nangyaring masama sa dalaga roon.

Dahil kung may pagkakataon man daw na nadehado ang dalaga ay siguradong sasabihin naman daw ito ni Christine sa kanila sa Room 2209.

Pero wala raw nangyaring ganoon.

Consistent din sina JP, Rommel, Gigo, Clark, at Valentine sa pagsasabing "conscious" si Christine nang huling sunduin ito sa Room 2207 noong 6:23 a.m.

Continue reading below ↓

valentine rosales carries christine from room 2207

Nanindigan din ang grupo nina JP, Rommel, Gigo, Clark, at Valentine na wala sa kanila ang gumamit ng party drug noong New Year's Eve party.

Hindi rin daw sila nagpunta sa Room 2207 dahil may party drug doon.

Ayon sa grupo, wala raw silang napansing kakaiba kay Christine maliban sa pagsusuka ng dalaga dahil sa dami ng nainom na alak.

Continue reading below ↓

Una raw umalis ng hotel room si John Paul Halili, pero nakunan pa raw nito ng litrato si Christine na nakaluhod sa tapat ng toilet seat noong mga oras na sumusuka ito.

Sina Clark at Louie raw ang umalalay kay Christine sa CR hanggang sa mahiga ang dalaga sa kama.

Nanghiram pa raw ng bathrobe sina Clark at Valentine sa Room 2207 para magamit ng dalaga.

Around past 7 a.m. na raw iyon, at nang makitang magpapahinga na sila ay nauna na raw umuwi sina Louie at Mark.

Around 9 a.m. daw ay nakausap pa ni Clark si Christine. Bumalik daw kasi si Christine sa C.R. at nagpumilit na doon na magpapahinga dahil ayaw nitong masukahan ang kama.

Si Clark daw ang nagtupi ng bathrobe para masandalan ng ulo ni Christine sa bathtub.

Nagising na rin daw noon si Jammyr Cunanan, at bago umalis ng hotel room ay siyang naglagay ng unan para tulugan ng dalaga.

Continue reading below ↓

Around 10 a.m. nang si Rommel naman ang magising ay niyaya pa raw niya si Christine na bumalik sa kama para doon matulog.

Pero tila sumenyas daw si Christine gamit ang kamay na wari'y pinaaalis si Rommel. Inisip daw ni Rommel na gusto pa raw matulog ng dalaga kaya nilagyan na lang daw niya ito ng kumot.

Ayon pa kay Rommel, noong mga oras ding iyon nagpaalam umalis si Rey Ingles dahil naglilipat daw ito ng gamit sa bagong apartment nito.

Bandang 12 noon, nang muling gumising si Rommel, doon na nito natagpuang walang malay si Christine sa bathtub.

Ang natira noon sa Room 2209 ay sina Rommel, JP, Gigo, Clark, at Valentine.

Around 12:23 p.m. nang may dumating sa kanilang kuwarto na hotel staff na tumulong sa pagsugod kay Christine sa ospital.

Dineklarang "dead on arrival" si Christine sa Makati Medical Center.

Hindi raw nila inaasahan ang biglaang pagkamatay ni Christine.

Continue reading below ↓

Giit ng kanilang abogado, "natural cause" ang ikinamatay ni Christine, base sa resulta ng medico-legal report.

Siniguro rin ng abogado nina JP, Rommel, Gigo, Clark, at Valentine na hindi nila ginagawang depensa ang kanilang sexual orientation sa reklamong rape ng ina ni Christine laban sa kanila.

Sadyang hindi raw totoo ang bintang na iyon sa kanila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valentine Rosales (in red shirt and cap) thinks Christine Dacera (in mini dress in CCTV) may have frequented Room 2207 after she allegedly sighted a "handsome basketball player" (guy with a tinted face shield) among the guests there.
PHOTO/S: Valentine Rosales Instagram / ABS-CBN - TV Patrol / Saksi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results