Janine Gutierrez "game" to work with ex-BF Elmo Magalona; dreams to work with John Lloyd Cruz

by Bernie V. Franco
Feb 5, 2021
New Kapamilya artist Janine Gutierrez (center) is grateful for the opportunity to work under ABS-CBN and the possibility of working with the network's leading men, including her ex-boyfriend Elmo Magalona (left). Janine also admits that it's her dream to work with John Lloyd Cruz (right).
PHOTO/S: Star Magic / @janinegutierrez on Instagram / Facebook (John Lloyd Cruz)

Napahalakhak si Janine Gutierrez, 31, nang tanungin kung bukas ba siyang makatrabaho ang isang dating ka-love team ngayong nasa bakuran na siya ng ABS-CBN.

Walang binanggit na pangalan pero malinaw na ang tinutukoy ay si Elmo Magalona, ang dating boyfriend at former leading man ni Janine sa Kapuso network na nasa ABS-CBN na rin ngayon.

Pa-safe ang sagot ng natawang si Janine.

“We’ll see. We’ll see. Ako, I trust Dreamscape," sabi ng aktres sa virtual press conference na inihanda para sa kanya noong February 2.

Ang Dreamscape Entertainment ay production company at content provider sa ABS-CBN. Pinamumunuan ito ni Deo Endrinal.

Natatawang panawagan pa ni Janine, “Sir Deo, ikaw na bahala!”

Tinukso si Janine ng host ng presscon na nag-warning na raw kay Deo na huwag ipareha sa dating boyfriend.

Mabilis na paglilinaw ni Janine, “No, no, of course not. I’m just grateful for the opportunity to be here.

“At kung sino yung ipa-partner o isasama sa 'kin, game! Laban!”

Continue reading below ↓

May usap-usapang bibida si Janine sa isang Dreamscape teleserye, at si Paulo Avelino ang makakapareha niya.

January 15 nang pormal na pumirma ng kontrata si Janine sa ABS-CBN matapos ang isang dekadang pagiging Kapuso artist.

Lumipat naman si Elmo sa ABS-CBN noong 2015 matapos ng limang taon sa GMA-7.

Noong pareho pa silang nasa bakuran ng Kapuso network, naging magka-love team sina Janine at Elmo. Nagtambal sila sa mga teleseryeng Villa Quintana (2013-2014) at More Than Words (2014-2015).

Nauwi sa relasyon ang samahan nila.

Kinumpirma ni Janine ang paghihiwalay nila ni Elmo noong 2016 matapos ang dalawang taong relasyon.

Kasalukuyang karelasyon ni Janine ang Kapuso actor na si Rayver Cruz, samantalang isang non-showbiz girl ang huling napaulat na karelasyon ni Elmo.

DREAM TO WORK WITH JOHN LLOYD

Samantala, natanong din si Janine kung mahilig ba siyang manood ng mga pelikula ng Star Cinema, ang film production outfit ng ABS-CBN.

Excited na ibinahagi ni Janine na noon pa man ay masugid na siyang viewer ng Star Cinema movies at iba pang pelikulang pinagbibidahan ng ABS-CBN artists.

Continue reading below ↓

“Of course, ako, fan talaga ako ng mga pelikula and lahat yun dinadayo ko talaga sa sinehan.

“Of course, lahat ng John Lloyd-Bea… ayan, lahat ng mga John Lloyd-Sarah.”

Binanggit pa ni Janine ang mga John Lloyd-Bea movies na paborito niya.

The Mistress, favorite ko ‘yon. One More Chance, of course.

“Yung mga recent, Alone/Together [Enrique-Lizafilm].

“Maine at kay Carlo, I really like that one,” na ang ni Janine tinutukoy ay ang 2019 film Isa Pa With Feelings.

Dahil marami siyang John Lloyd Cruz movies na napanood, nasundot ng tanong si Janine kung gusto ba niyang makagawa ng pelikula kasama ang dramatic actor.

“Oh my God, pangarap ko ‘yon!” excited na sagot ng aktres.

“I don’t even know if that’s possible. But that’s always [a dream of mine].

“High school pa lang ako, pangarap ko yun.”

Nagbanggit pa ng mga pelikula si Janine na gusto niya mula sa ABS-CBN, kagaya ng Hello Love, Goodbye, Feng Shui, pati raw mga pelikula nina Toni Gonzaga at Vice Ganda.

Continue reading below ↓

“I really enjoy all those Star Cinema films. So I’m happy to be closer to that [possibility].”

Samantala, napaulat ding may gagawing pelikula si Janine sa ipoprodyus ng Star Cinema.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapamilya artist Janine Gutierrez (center) is grateful for the opportunity to work under ABS-CBN and the possibility of working with the network's leading men, including her ex-boyfriend Elmo Magalona (left). Janine also admits that it's her dream to work with John Lloyd Cruz (right).
PHOTO/S: Star Magic / @janinegutierrez on Instagram / Facebook (John Lloyd Cruz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results