Winwyn Marquez reveals she’s “not single anymore”; happy for ex-BF Mark Herras

Feb 5, 2021
Winwyn Marquez Mark Herras
Kapuso artists and former lovers Winwyn Marquez (left) and Mark Herras (right) are both happy in their respective romantic relationships more than two years after their breakup.
PHOTO/S: @teresitassen, @herrasmarkangeloofficial on Instagram

“I’m not single anymore.”

Ito ang deklarasyon ni Winwyn Marquez tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang puso.

Ibinunyag ni Winwyn, 28, na may bago nang nagpapasaya sa kanya nang makapanayam siya sa virtual press conference ng bagong GMA-7 rom-com series na Owe My Love, na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Sa presscon nitong Huwebes, February 4, kinumusta ng entertainment press ang lagay ng puso ni Winwyn mahigit isang linggo bago ang Valentine’s Day sa February 14.

“Okay naman, masaya naman,” ngiting-ngiting sabi ng kauna-unahang Asian na Reina Hispanoamericana (2017) titlist.

“Masaya naman, kasi I’m not single anymore,” masayang deklara ng actress-beauty queen.

Hindi nagbigay ng detalye si Winwyn tungkol sa “bago lang” niyang karelasyon, maliban sa nakabase raw ito sa Pilipinas.

Nasa lock-in taping ngayon ang buong cast ng Owe My Love, kaya hindi raw niya makakasama sa Valentine’s Day ang kanyang boyfriend.

Sa kabila nito, masaya pa rin daw si Winwyn sa piling ng mga kapwa cast members ng Owe My Love.

Continue reading below ↓

Sila-sila raw muna ang magse-celebrate ng Valentine’s Day sa susunod na Linggo.

“I’m happy,” sabi ni Winwyn.

“Happy iyong heart ko, and happy ako dito, kahit malayo yung loved one ko.

“Okay lang, ‘tsaka na kami magkikita after lock-in.”

WINWYN’S LAST RELATIONSHIP

Ang kapwa Kapuso artist na si Mark Herras ang huling nakarelasyon ni Winwyn.

January 2019 nang tapusin nina Mark at Winwyn ang kanilang three-year relationship.

August 2019 naman nang kinumpirma ni Mark ang nababalita noong mga panahong iyon na nagkakamabutihan sila ng actress-beauty queen ding si Nicole Donesa.

Nagkapalagayan ang loob nina Mark at Nicole nang magkatrabaho sila sa Kapuso teleseryeng Bihag.

Noong June 2020, na-engage sina Mark at Nicole.

At nito lang January 31, 2021, isinilang ni Nicole ang baby boy nila ng fiancé niyang si Mark—si Mark Fernando Donesa Herras, na may nickname na Corky.

WINWYN WOULD LOVE TO CONGRATULATE MARK

Sa presscon ng Owe My Love, nausisa si Winwyn kung nabati na niya si Mark sa pagsilang ni Baby Corky.

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Winwyn, hindi na sila nag-uusap ni Mark matapos ang kanilang breakup.

“I haven’t talked to him since we broke up.

“And wala pa kaming chance magkaroon ng work together or guesting.

“Pero siyempre, if I see him, or magkaroon kami ng chance magtrabaho ulit, I will congratulate him,” sabi ni Winwyn.

Sa Owe My Love, kontrabida si Winwyn kina Lovi at Benjamin.

Gaganap siya bilang Trixie, ang hirap maka-move on na ex-girlfriend ng character ni Benjamin.

Sa February 15 na magsisimulang mapanood ang Owe My Love sa GMA Telebabad.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso artists and former lovers Winwyn Marquez (left) and Mark Herras (right) are both happy in their respective romantic relationships more than two years after their breakup.
PHOTO/S: @teresitassen, @herrasmarkangeloofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results