Duterte to ignore any new ABS-CBN franchise from Congress; Agot Isidro, Enchong Dee express disgust

by Jet Hitosis
Feb 9, 2021
Enchong Dee, President Rodrigo Duterte, Agot Isidro
Kapamilya talents Enchong Dee (left) and Agot Isidro (right) express disgust following President Rodrigo Duterte's (center) statement that he will "ignore" any new ABS-CBN franchise granted by Congress and will not give the network "the license to operate."
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, @mr_enchongdee, @agotisidro on Instagram

Para kay Agot Isidro, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagkumpirma na ito ang “nagpasara” sa ABS-CBN.

Ginawang basehan ng 54-year-old Kapamilya singer-actress ang naging pahayag ni Duterte, 75, na hindi nito bibigyan ng “license to operate” ang network kahit pa magkaroon itong muli ng prangkisa.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang weekly taped public address nitong Lunes ng gabi, February 8.

Ayon kay Duterte, walang kaso sa kanya ang pagpupursige ng ilang mambabatas na mapagkalooban ng panibagong 25-year legislative franchise ang ABS-CBN.

Tinukoy ng Presidente ang magkasunod na paghahain ng panukala nina Senate President Tito Sotto (Nationalist People’s Coalition) at House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto (Nacionalista Party) nitong January 4, 2021 para mabigyan ng bagong prangkisa ang network.

July 10, 2020 nang ibasura ng 70 kongresista ang franchise renewal bill ng ABS-CBN.

Nang mga panahong iyon, mahigit dalawang buwan nang tigil-operasyon ang broadcasting unit ng network, matapos ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) noong May 5, 2020 dahil sa expired nang prangkisa.

Continue reading below ↓

“I WILL NOT GIVE THEM THE LICENSE TO OPERATE”

“Congress is planning to restore the franchise of the Lopez,” sinabi ni Duterte sa kanyang public address nitong Lunes ng gabi.

“Wala akong problema doon kung i-restore ninyo. Kung ibigay ninyo yung franchise because it is within your power to do it, go ahead.”

Gayunman, binigyang-diin ng Presidente na hindi niya papayagang makabalik sa ere ang ABS-CBN kahit pa may prangkisa na ito.

Kailangan daw munang mabayaran ng ABS-CBN Corporation ang “taxes nila.”

“If you say if they can operate kung meron na sila [franchise], no,” patuloy ni Duterte.

“I will not allow them.

“I will not allow the NTC to grant them the permit to operate.

“Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate.

“Kalokohan 'yan. Parang binigyan mo sila ng prize for their being… for committing criminal acts.”

Continue reading below ↓

AGOT: "SIYA TALAGA NAGPASARA SA ABS-CBN"

Dahil sa pagmamatigas na ito ng Pangulo, nakasisiguro na raw ngayon si Agot kung sino “talaga nagpasara sa ABSCBN.”

Tweet ni Agot nitong Lunes ng gabi: “Si Duterte. Hindi ang kongreso, hindi ang NTC. Utos niya, simula’t sapul.”

Bagamat marami ang naniniwalang si Pangulong Duterte ang nasa likod ng ABS-CBN shutdown, paulit-ulit itong itinatanggi ng Malacañang.

Continue reading below ↓

Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong May 6, 2020—isang araw matapos ipasara ng NTC ang network—sinabi niyang “completely neutral” ang Presidente sa usapin ng ABS-CBN franchise.

Ito ay kahit na simula noong March 2017 ay paulit-ulit na binabantaan ni Duterte ang network na haharangin niya ang franchise renewal nito sa Kongreso.

Aminado si Duterte na nagalit siya sa ABS-CBN nang hindi nito iere ang kanyang presidential campaign ads noong 2016 kahit pa bayad na ang mga ito.

Naihingi na ng paumanhin ni ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak ang tungkol dito, at tinanggap naman ito ni Duterte.

ENCHONG: "ANDYAN KA PA RIN?? HOY GISING!"

Samantala, ngayong Martes ng umaga, February 9, ay ibinahagi ni Enchong Dee sa isang tweet ang quote card tungkol sa sinabi ni Duterte laban sa pagbabalik-operasyon ng ABS-CBN.

Para sa 32-year-old Kapamilya actor-entrepreneur, hindi ang usapin sa ABS-CBN ang dapat na tinututukan ng Presidente ngayong napakaraming problema ng bansa dahil sa pandemya.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Enchong kay Duterte: “Andyan ka pa rin?? Hoy Gising!

“Ang daming Pilipino naghihirap ngayon, yun muna unahin natin...”

Iginiit din ni Enchong na sa kabila ng “wala kaming franchise nakakapagbigay serbisyo kami.”

ABS-CBN NOT PAYING TAXES?

Patuloy na iginigiit ng Pangulo ang hindi umano pagbabayad ng tamang buwis ng ABS-CBN Corporation.

Continue reading below ↓

Ito ay kahit pa mismong mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nagsabing ang network ay “regularly paying taxes” sa nakalipas na mga taon.

Sa franchise renewal hearing ng Senado noong February 24, 2020, sinabi ni Simplicio Cabantac Jr., head ng BIR Large Taxpayers Service, na ang ABS-CBN ay “regularly filing and paying their taxes for the past number of years.”

Sa datos na isinapubliko noon ng BIR, natukoy na aabot sa P14.398 billion ang buwis na binayaran ng network simula 2016 hanggang 2019.

Hindi pa kasama sa halagang iyon ang income taxes, na ipa-file pa lang ng April 15, 2020, ayon kay Cabantac.

Makalipas ang ilang buwan, sa hiwalay na pagdinig ng Kamara noong July 1, 2020, sinabi ni BIR Assistant Commissioner Manuel Mapoy na nasa P15.3 billion buwis na ang nabayaran ng ABS-CBN simula 2016 hanggang 2019.

“Ang ABS-CBN Corporation ay regularly paying taxes for the past years,” sinabi noon ni Mapoy sa House hearing.

Continue reading below ↓

“Na-check naman po na iyong dapat nilang i-withhold at na-remit naman nila sa gobyerno,” dagdag niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya talents Enchong Dee (left) and Agot Isidro (right) express disgust following President Rodrigo Duterte's (center) statement that he will "ignore" any new ABS-CBN franchise granted by Congress and will not give the network "the license to operate."
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, @mr_enchongdee, @agotisidro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results