JP dela Serna, Rommel Galido, Valentine Rosales commemorate 40th day of Christine Dacera's death

by Rachelle Siazon
Feb 10, 2021
Naniniwala sina (mula kaliwa) JP dela Serna, Rommel Galido, Valentine Rosales, at iba pa nilang kagrupo na ginagabayan sila ng kanilang "baby girl" at "angel" na si Christine Dacera sa gitna ng legal battle na kinasasangkutan nila.
PHOTO/S: Instagram

Ginunita ng mga malalapit na kaibigan ni Christine Dacera ang masayang samahan nila noong nabubuhay pa ang dalaga.

Kabilang dito sina John Paul "JP" dela Serna, Rommel "Rom" Galido, at Rey Ingles—na mga nakasama ni Christine sa kontrobersiyal na New Year's Eve party sa isang hotel sa Makati City mula December 31 hanggang January 1.

Lahat sila ay umaasang matapos na ang kalbaryong sanhi ng pagkadawit nila sa reklamong diumano'y rape with homicide na isinampa ng ina ni Christine na si Sharon Dacera.

Nitong February 9, Martes, ang 40th day ng pagkamatay ni Christine.

JP DELA SERNA

Si JP ay nag-post ng group picture kasama si Christine na siyang "baby girl" sa grupo.

Tila kuha iyon sa ibang pagkakataong naka-bonding ni JP sina Christine, Rommel, at Clark Rapinan.

Sabi ni JP (published as is): "It's your 40th day baby girl and we're missing you so much [crying emojis]'

"Hindi madali ung nangyari samin at sa family mo pero sana palagi mo kami e guide at sana magkaroon na ng peace ung both side namin ng family mo kasi mahal na mahal ka naming lahat baby girl [crying and roses emojis]."

Continue reading below ↓

JP Dela Serna message for Christine Dacerna in 40th day of death

Noong kasagsagan ng New Year's Eve party, isa si JP sa mga nakita sa CCTV ng hotel na umalalay kay Christine mula sa katabing hotel room pabalik ng Room 2209.

Continue reading below ↓

Una ay nang tumulong daw si JP na awatin si Christine sa ikinaiinis nitong hindi pag-follow sa kanya ng mga taga-Room 2207 sa social media.

Ikalawa ay nang sinundo ulit ni JP si Christine mula sa Room 2207. Nakunan na binuhat ni JP si Christine nang muntik sumubsob sa hallway ng hotel ang dalaga.

ROMMEL GALIDO

Si Rommel ay heartbroken pa rin daw sa biglaang pagpanaw ng kaibigang si Christine.

Sabi ni Rommel (published as is), "40th Day [broken heart and roses emojis]

"Miss kana namin! Ikaw lang Only girl namin sa group! We love you our Angel [angel and hearts emojis]

"Tulad ng lagi mo sinasabi sa amin 'Love yahh gurl.'"

Rommel Galido message for Christine Dacerna in 40th day of death

Continue reading below ↓

Naging magkaibigan sila ni Christine mula noong 2019. Kakapasok lang noon ng dalaga sa airline company na pinagtatrabahuan din ni Rommel.

Si Rommel ang sinasabing pinakamalapit kay Christine sa grupo.

Siya ang unang nakapansing walang malay si Christine bandang alas dose ng tanghali noong January 1. Kasama rin siya sa nagsugod sa ospital sa dalaga.

REY INGLES

Nasa beach naman si Rey Ingles at naaalala ang tampo noon ni Christine kapag hindi niya ito isinasama sa mga lamyerda.

Sabi ni Rey (published as is): "40th Day [heartbroken emoji]. Alam ko nagtatampo ka nnaman kase di ako nag invite hahaha

"Di man lang tayo nakapag beach Dzai!"

Sabay seryosong dagdag ni Rey: "I know you're in a way better place than this. Love you Dzai Miss you!"

Rey Ingles message for Christine Dacerna in 40th day of death

Continue reading below ↓

GIGO DE GUZMAN

Ang iba pang kasama ni Christine sa New Year's Eve party sa Makati ay naalala rin ang dalaga.

Si Gregorio "Gigo" ay kakakilala lang kay Christine noong gabi ng party.

Siya ang isa sa mga naggawad ng CPR kay Christine nang matagpuan ng kanilang grupo na walang malay ang dalaga.

Mensahe ni Gigo para sa dalaga, "Wish we had more time... Rest well babe."

Gigo De Guzman message for Christine Dacerna in 40th day of death

Continue reading below ↓

Sila Gigo, Rommel, at JP ang magkakasama nang inspeksiyunin ng pulisya ang kanilang hotel room noong January 1. Sila rin ang magkakasama na nagpunta sa presinto noong araw na iyon.

VALENTINE ROSALES

Samantala, ni-repost ni Valentine Rosales ang Instagram Story ni Rey Ingles at nilakipan ito ng personal message para kay Christine.

Aniya, "I know you're guiding us every step of the way! We love you Tin @xtinedacera."

Valentine Rosales message for Christine Dacerna in 40th day of death

Continue reading below ↓

Si Valentine ang isa sa mga namataan sa CCTV ng hotel na umalalay kay Christine noong madaling-araw ng January 1.

Pasado alas sais ng umaga nang makunan siyang buhat si Christine mula sa Room 2207 pabalik ng Room 2209.

Marami umanong nainom na alak si Christine.

Pero conscious pa noon ang dalaga na siyang nagbukas ng pinto ng Room 2209 habang buhat siya ni Valentine.

ED MADRID

Si Ed Madrid ay nag-repost naman ng Instagram Story ni JP.

Si Ed ang sinasabing may kakilala sa mga guest sa Room 2207. Ito ang naging daan kaya raw may pagkakataong nakahalubilo ng mga taga-Room 2209 ang mga ito.

Ang Room 2207 din ang nakita sa CCTV na ilang beses pinuntahan ni Christine noong kasagsagan ng kanilang New Year's Eve Party.

Ed Madrid message for Christine Dacera in 40th day of death

Continue reading below ↓

THE LEGAL COMPLAINT

May bilang na 11 respondents ang sinampahan ng reklamong rape with homicide ng ina ni Christine na si Sharon.

Dawit sa reklamo sina JP, Rommel, Rey, Gigo, Valentine, at Ed.

Gayundin sina John Paul Halili, Clark Rapinan, Mark Anthony Rosales, Louie de Lima, at Jammyr Cunanan.

Sila ang mga nakasama ni Christine sa City Garden Hotel, ang venue ng napagkasunduan nilang get-together para salubungin ang Bagong Taon.

Mariing pinabulaanan ng grupo ang alegasyong ibinibintang sa kanila.

Sina Rommel, JP dela Serna, Gigo, Valentine, at Clark ang natira sa hotel room nang matagpuan nilang walang malay si Christine sa bathroom bandang tanghali ng January 1.

Sa mga naiulat na salaysay nila, sinabi ng mga ito na ginawa nila ang kanilang makakaya para subukang isalba ang buhay ni Christine hanggang sa masugod ito sa kalapit na ospital.

Pero idineklara ng ospital na dead on arrival ang dalaga.

Taliwas sa reklamo ng kampo ng pamilya ni Christine, nanindigan ang grupo nina Rommel at JP na walang "foul play" sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant.

Continue reading below ↓

Iginiit din nilang walang gumamit ng party drug sa grupo.

Sa resulta ng dalawang medico-legal report na inilabas ng Philippine National Police, ang sinasabing cause of death ni Christine ay ruptured aortic aneurysm o pagputok ng ugat sa puso ng dalaga.

Nakasaad din ditong "natural" at walang senyales ng "homicide" ang pagpanaw ni Christine.

Ang sanhi raw ng pagputok ng ugat sa puso ni Christine ay dahil sa mataas na blood pressure.

Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang paglaban ng pamilya Dacera, na naniniwalang may naganap diumanong pang-aabuso na nagresulta sa pagkamatay ni Christine.

Bukas, February 11, nakatakda ang ika-apat na pagdinig sa preliminary investigation ng Makati Prosecutor's Office ukol dito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naniniwala sina (mula kaliwa) JP dela Serna, Rommel Galido, Valentine Rosales, at iba pa nilang kagrupo na ginagabayan sila ng kanilang "baby girl" at "angel" na si Christine Dacera sa gitna ng legal battle na kinasasangkutan nila.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results