Presidential Legal Counsel Salvador Panelo to Agot Isidro, Enchong Dee: “Tatakbo ba kayo?”

by Jet Hitosis
Feb 15, 2021
Agot Isidro, Salvador Panelo, Enchong Dee, ABS-CBN franchise
Presidential Legal Counsel Salvador Panelo (center) to Kapamilya artists Agot Isidro (left) and Enchong Dee (right): “Mahilig din itong dalawang ito pumasok, ‘no. E, hindi pa nga ninyo alam kung ano puno’t dulo, basta kayo pumapasok."
PHOTO/S: Noel Orsal, Screengrab from PTV4 on YouTube, @mr_enchongdee on Instagram

May plano ba sina Agot Isidro at Enchong Dee na pasukin ang pulitika?

Ito ang tanong ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kina Agot, 54, at Enchong, 31, matapos kuwestiyunin ng opisyal ang pagtatanggol ng dalawang Kapamilya artists sa ABS-CBN laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong nakaraang linggo, hindi napigilan nina Agot at Enchong ang mag-react nang sabihin ni Duterte na hindi niya bibigyan ng “license to operate” ang ABS-CBN kahit pa makakuha ito ng bagong prangkisa mula sa Kongreso.

Sinabi ito ng Pangulo kasunod ng paghahain nina Senate President Tito Sotto (Nationalist People’s Coalition) at House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto (Nacionalista Party) noong January 4, 2021 ng panukala para bigyan ng bagong 25-year legislative franchise ang ABS-CBN.

Sa weekly public address ni Duterte nitong February 8, sinabi niyang kailangan daw munang bayaran ng network sa gobyerno ang “taxes nila” bago niya payagan ang pagbabalik nito sa ere.

AGOT isidro & ENCHONG dee VS DUTERTE

Dahil sa sinabing ito ng Presidente, nakumpirma na raw si Agot ang matagal nang pinaniniwalaan ng marami na si Duterte “talaga nagpasara sa ABSCBN.”

Continue reading below ↓

Tweet ni Agot (published as is): Siya talaga nag nagpasara sa ABSCBN. Hindi ang kongreso, hindi ang NTC.

“Si Duterte. Utos niya, simula’t sapul.”

Agot Isidro comment on Rodrigo Duterte

Ang tinutukoy ni Agot ay ang pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN noong May 5, 2020, isang araw makaraang mag-expire ang prangkisa ng network.

Continue reading below ↓

Ang “Kongreso” na binanggit ng singer-actress ay tumutukoy naman sa pagbasura ng 70 kongresista sa franchise renewal bill ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

Samantala, sa tweet ni Enchong na nakadirekta kay Duterte ay kinuwestiyon niya ang prayoridad ng leader ng bansa sa kalagitnaan ng pandemya.

Tweet ni Enchong: “Andyan ka pa rin?? Hoy Gising!

“Ang daming Pilipino naghihirap ngayon, yun muna unahin natin...

“kahit wala kaming franchise nakakapagbigay serbisyo kami.”

Continue reading below ↓

PANELO TO aGOT & ENCHONG: “TATAKBO BA KAYO?”

Sa daily online program ni Secretary Panelo na Counterpoint nitong Biyernes, February 12, isa sa mga isyung tinalakay niya ang tungkol sa hindi pagpayag ni Duterte sa balik-operasyon ng ABS-CBN dahil sa umano’y mga utang ng network.

Special mention ni Panelo sina Agot at Enchong.

Tinawag pa ni Panelo si Enchong bilang kanyang “batang-batang kababayan,” dahil kapwa sila tubong Naga, Camarines Sur ng actor-entrepreneur.

Sabi ni Panelo: “Kayong dalawa, Agot Isidro, at ‘saka ito namang batang-batang kababayan nating si Enchong Dee, na nagbigay na naman ng kanilang mga pahayag, dismayado daw sila.

“Bakit naman daw itong si Presidente sasabihin na hindi niya papayagan na mag-operate [ang ABS-CBN] kahit na may prangkisa?"

Panunupalpal ni Panelo kina Agot at Enchong: “Mahilig din itong dalawang ito pumasok, ‘no.

“Ano ba kayo? Tatakbo ba kayo ng congressman?

“Tatakbo ba kayong konsehal o barangay kapitan?”

Presidential Legal Counsel Salvador PaneloPresidential Legal Counsel Salvador Panelo

Continue reading below ↓

“RESEARCH MUNA BAGO MAGSALITA”

Hinimok ni Panelo ang dalawang Kapamilya talents na iwasang magkomento sa mga usapin kung wala namang silang sapat na kaalaman sa pinag-uusapan.

“E, hindi pa nga ninyo alam kung ano puno’t dulo, basta kayo pumapasok,” sabi pa ni Panelo kina Agot at Enchong.

“Papakinggan niyo muna. Know your facts. Research bago kayo magsalita,” ani Panelo.

salvador PANELO INSISTS ABS-CBN has “UNPAID TAXES”

Kaugnay nito, nangako si Panelo na idedetalye niya sa publiko ang tungkol sa “utang ng ABS-CBN.”

Aminado si Panelo na may mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nagsalita tungkol sa kawalan ng utang sa buwis ng ABS-CBN sa magkahiwalay na pagdinig ng Senado at Kamara noong nakaraang taon.

Pero iginiit ni Panelo nitong Biyernes na mayroon talagang “unpaid taxes” ang Kapamilya network.

Ayon kay Panelo, personal siyang humingi kay Senator Bong Go ng mga dokumento na “ibinigay na sa [Office of the] Ombudsman regarding sa mga unpaid taxes ng ABS-CBN.”

Continue reading below ↓

Sabi raw ni Panelo kay Go nitong February 11: “Pwede niyo ba akong bigyan ng mga dokumento tungkol dun para mapag-aralan ko at maibahagi ko sa ating mga tagapakinig kung ano talaga ang utang ng ABS-CBN?”

Sinabi ni Panelo na naibigay na sa kanya ni Go ang mga hinihingi niyang dokumento noong umaga ng February 12 “pero hindi ko pa nababasa” ang mga iyon.

Nangako si Panelo sa mga sumusubaybay sa kanyang online program na tatalakayin niya sa mga ito ang umano’y utang sa buwis na sinisingil ng gobyerno sa ABS-CBN.

UNPAID TAXES?

Sa franchise renewal hearing ng Senado noong February 24, 2020, sinabi ni Simplicio Cabantac Jr., head ng BIR Large Taxpayers Service, na ang ABS-CBN ay “regularly filing and paying their taxes for the past number of years.”

Sa datos na isinapubliko noon ng BIR, natukoy na aabot sa P14.398 billion ang buwis na binayaran ng network simula 2016 hanggang 2019.

Continue reading below ↓

Hindi pa kasama sa halagang iyon ang income taxes, na ipa-file pa lang ng April 15, 2020, ayon kay Cabantac.

Makalipas ang ilang buwan, sa hiwalay na pagdinig ng Kamara noong July 1, 2020, sinabi ni BIR Assistant Commissioner Manuel Mapoy na nasa P15.3 billion buwis na ang nabayaran ng ABS-CBN simula 2016 hanggang 2019.

“Ang ABS-CBN Corporation ay regularly paying taxes for the past years,” sinabi noon ni Mapoy sa House hearing.

“Na-check naman po na iyong dapat nilang i-withhold at na-remit naman nila sa gobyerno,” dagdag niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Legal Counsel Salvador Panelo (center) to Kapamilya artists Agot Isidro (left) and Enchong Dee (right): “Mahilig din itong dalawang ito pumasok, ‘no. E, hindi pa nga ninyo alam kung ano puno’t dulo, basta kayo pumapasok."
PHOTO/S: Noel Orsal, Screengrab from PTV4 on YouTube, @mr_enchongdee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results