Bea Alonzo posts about being grateful for “TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!”

by Jet Hitosis
Mar 7, 2021
Bea Alonzo, Gerald Anderson-Julia Barretto relationship
In an Instagram post on March 6, actress Bea Alonzo shares some photos of how she and her family spend quality time on her farm in Zambales.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Laging nabubunyag ang katotohanan sa tamang panahon.

Ito ang binigyang-diin ni Bea Alonzo, 33, sa kanyang latest Instagram post nitong Sabado ng gabi, March 6.

Ibinahagi ni Bea ang mga litrato niya, kasama ang kanyang pamilya, habang namamasyal sa isang bahagi ng kanyang farm sa Zambales.

May kuha si Bea habang naglalakad sa mababaw na bahagi ng ilog.

Sa parte ng batuhan, nagpakuha ng litrato si Bea kasama ang kapatid niyang si James Carlos, asawa nitong si Thalia, at anak na si Santi.

May selfie rin si Bea kasama ang kanyang inang si Mary Anne Ranollo.

Sa huli sa serye ng litratong ipinost ni Bea, makikita ang isang kalabaw na mistulang naka-pose sa pagkakatingin sa camera.

“TIME AS THE ULTIMATE TIME TELLER!”

Sa caption, nagbigay ng detalye si Bea kung paanong labis niyang ipinagpapasalamat ang panahong nakakasama niya ang kanyang pamilya.

Sabi ni Bea: “I love going back to our farm in Zambales; there’s always something fun to do.

Continue reading below ↓

“Kanina, lumabas kami para magtampisaw sa ilog. Simple lang, pero ang saya!

“These are the moments I live for.

“The time that this pandemic allowed us to have to be able to spend time with the people we love is what I am most thankful for.”

Gamit ang clinking glasses emoji, nag-cheers si Bea para sa “TIME,” na sadyang isinulat niya sa all capital letters.

Patuloy ni Bea: “So, here’s to TIME!

“Time that is best spent with family, Time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!”

Ang huling phrase—na malinaw na binigyang-diin ni Bea gamit ang all capital letters—ay tinuldukan niya ng isang woman shrugging at tatlong rolling on the floor laughing emojis.

Continue reading below ↓

THE GERALD-JULIA ROMANCE

Kung pagbabasehan ang libu-libong komentong natanggap ng post na ito ni Bea, naniniwala ang followers ng aktres na ang pahayag niya tungkol sa katotohanan ang naging tugon niya sa pag-amin ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson, 31, sa relasyon nito kay Julia Barretto, 23.

Nitong Biyernes, March 5, sa panayam ng Kapamilya TV host na si Boy Abunda kay Gerald, inamin ng aktor na totoo ang matagal nang nababalita na may romantic relationship siya kay Julia.

Nagkatambal sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas sa mga sinehan noong May 2019.

Noong July 2019, pumutok ang balitang nagtapos na ang tatlong taong relasyon nina Gerald at Bea.

Naging kontrobersiyal ang breakup na iyon matapos madawit si Julia bilang third party umano sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Mismong si Bea ang nagbunyag nito nang i-like niya ang litratong ipinost ng isang fan sa Instagram, na makikitang magkasama sina Gerald at Julia nang dumalo sa party ng Kapuso actor na si Rayver Cruz sa Taguig City.

Continue reading below ↓

Mariin noong itinanggi nina Gerald at Julia na may relasyon sila.

Hindi raw totoong ang young actress ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng aktor kay Bea, giit nina Gerald at Julia.

Sa isang Instagram post, inakusahan pa ni Julia si Bea ng “bullying” at pagpe-“play victim” upang makuha ang simpatiya ng publiko habang naba-bash ang young actress sa social media.

GERALD DENIES GHOSTING BEA

Sa isang pahayag sa harap ng entertainment press nang mga panahong iyon, nilinaw ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald.

Na-ghosting daw siya ng aktor.

Ang ghosting ay millennial slang sa basta na lamang hindi pakikipag-communicate sa isang karelasyon para tapusin ang anumang ugnayan.

Pero sa interview kay Gerald nitong Biyernes, itinanggi ng aktor na sa ghosting nagtapos ang relasyon niya kay Bea.

Tanong ni Gerald, ano raw ba ang kahulugan ng ghosting na ibinibintang sa kanya? Ito raw ba ay pagwo-walkout sa dinner at hindi na magpaparamdam kahit kailan?

Continue reading below ↓

“Or is it walking away from a very unhealthy, toxic—not saying siya [Bea] yung toxic [or] ako yung toxic—but being together, we were very toxic…

“And hindi inirerespeto yung explanation na ibinibigay mo. Hindi tinatanggap after months, and months, and months, and months, and months of being on the rocks.

“If yun ang ghosting, I’m guilty of one of those two,” ani Gerald.

Kung pagbabasehan ang emojis sa caption ng latest Instagram post ni Bea, mahihinuhang ipinagkikibit-balikat at tinatawanan na lang niya ang mga naging rebelasyon ng dating nobyong si Gerald.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on March 6, actress Bea Alonzo shares some photos of how she and her family spend quality time on her farm in Zambales.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results