Maraming Kapamilya stars ang gumunita sa unang anibersaryo ng ABS-CBN shutdown noong May 5, 2021.
Kabilang dito ang beteranang aktres na si Cherry Pie Picache.
Sa kanyang Instagram kahapon, May 6, ibinahagi ni Cherry Pie ang art card mula sa ABS-CBN News na may nakasulat na “ISANG TAON NA. #ABSCBNShutdown”
Sa caption, sinabi ng aktres na ang hangad niya ay maging “malaya” na ang istasyong kinabibilangan.
Buong caption ng 50-year-old actress: “Ang aking dasal, makita ka muling malaya. [three hearts, three praying hands emojis]”
View this post on Instagram
Sa comments section, isang netizen ang kumuwestiyon sa paggamit ni Cherry Pie ng salitang “malaya.”
Ayon pa rito, hindi naman daw nakakulong ang BS-CBN. Hindi rin daw sila pinagbawalang magpalabas ng shows at balita.
Kaya konklusyon nito, tigil-tigilan na raw ni Cherry Pie ang “drama” dahil mga “uto-uto” lamang daw ang naniniwala sa “kaeklatan” niya.

Buwelta ni Cherry Pie, ang paggamit ng salitang “malaya” ay hindi lamang tumutukoy sa literal na nakakulong.
Buong sagot ng aktres: “ang pagiging malaya ba ay synonymous sa pagkakakulong lang?
"Kung sabagay... sinasabing malaya pero nakakulong tayo... drama? Kaeklatan?
"siguradong sigurado ka siguro sa bayan na kakalakihan ng anak, pamilya at kung sinong kabataan na mahal mo. Good for you!! [peace sign, praying hands emojis]

May 5, 2020, ika-7:52 ng gabi, tuluyang namaalam sa free TV ang ABS-CBN matapos mapaso ang prangkisa nito.
Sa bisa ng Cease and Desist Order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC), lahat ng uri ng broadcast operations ng ABS-CBN Corporation sa bansa ay sabay-sabay na ipinatigil sa ere.
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
