Marami ang ginulat ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa bagong post niya sa social media.
Sa Instagram ngayong araw, May 24, nagbahagi si Rabiya ng kanyang selfie kung saan makikitang maiksi na ang buhok niya.
Pero bago pa man magulat o mag-alala ang iba na pinaputol na niya ang kanyang mahabang bukok, sinabi ng beauty queen na nagbibiro lamang siya.
Sabi ni Rabiya sa caption, "nah just bluffing."
View this post on Instagram
Kaagad namang nagkomento si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang post.
Saad ni Pia, “you got me."

Ayon naman kay Miss Supranational Philippines 2013 Mutya Datul, akala niya ay si Liza Soberano ang kanyang nakita.

"Charotera,” biro ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Sabi naman ni Billie Hakenson, 4th runner-up ng Miss Universe Philippines, "anong trip mo boy???"

Komento naman ni Miss Universe Japan Aisha Harumi Tochigi sa post ng roommate niyang si Rabiya, "I LOVE IT."

Akala ng maraming followers ni Rabiya ay nagpagupit nga siya.
Bagay naman daw sa kanya ang bagong look niya, pero may ibang duda kung totoong nagpagupit nga ang Ilongga beauty queen.
Pinawi kaagad ni Rabiya ang kanilang pangamba dahil sinabi niyang “wig” lamang daw ito.
Post pa niya sa kanyang Instagram Stories, “Don’t worry. It’s just wig.”

Isang linggo na ang nakalilipas nang makipag-compete si Rabiya sa Miss Universe 2020, kung saan nakapasok siya sa Top 21.
Ang kinoronahang Miss Universe 2020 ay si Andrea Meza ng Mexico.
Kasalukuyang nagbabakasyon si Rabiya sa Amerika. Inaasahang sa Hulyo ang balik niya sa Pilipinas.
May nakahanda namang engrandeng homecoming party ang siyudad ng Iloilo para sa kanilang "reyna."
