PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin, Julia Montes to do comeback project with JM de Guzman?

Coco and Julia to work together again?
by Arniel C. Serato
Published Jul 8, 2021
Coco Martin Julia Montes comeback project
Fans get thrilled to see Coco Martin and Julia Montes in what appears to be a production meeting with director Erik Matti. Are they staging a comeback project together soon?
PHOTO/S: Courtesy: @1migueldeguzman / @erwin.tagle.mma on Instagram

Magsasama ba sa isang comeback project ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes?

Ilang araw matapos namataang magkasama sina Coco at Julia sa Greenhills, magkasama ang dalawa sa tila isang production meeting kasama ang aktor na si JM de Guzman at direktor na si Erik Matti.

Si JM mismo ang nag-upload ng larawan nila ni Coco, Julia, Direk Erik, at iba pa sa Instagram nitong Miyerkules ng gabi, July 7.

Maikling caption ni JM: “Yes? yes. #lawofattraction

Makikita sa larawan nilang ngiting-ngiti sila, at nakaakbay si Coco kay Julia.

Wala nang iba pang detalyeng ibinigay si JM ukol sa kanilang meeting.

Nabuhayan naman ng loob ang fans nina Coco at Julia. Matagal na kasi nilang hindi nakikitang magkasama sa iisang proyekto ang dalawa.

Bago pa ang kanilang production meeting, nakita na rin ng publiko ang dalawa sa isang outdoor lifestyle store sa Greenhills.

Noong Marso, magkasama ring nagbakasyon sina Coco at Julia sa Boracay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit maraming public sightings ang rumored couple, hindi pa rin sila umaamin hanggang ngayon sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Pero nagpahiwatig naman si Julia sa July 2021 issue ng Mega Magazine na mayroon siyang karelasyon na taga-showbiz din.

Pinili raw nilang maging low-key dahil ayaw nilang mabahiran ng intriga ang kanilang relasyon.

Pahayag ni Julia, "Personal choice namin yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami pag ano kasing nandiyan, sisirain.

"Pag hindi kayo, pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. Pag kayo, pagsisirain kayo.

"So, might as well, 'O, anong alam niyo? Okay, kung anong alam niyo, okay po.' Yun na lang."

Paliwanag pa niya kung bakit ayaw nilang ibahagi sa publiko ang kanilang relasyon: "Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret.

"We just chose this path kasi we both believe na, 'Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong 'to na magulo. Wag na nating paguluhin pati yung atin.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

April 2019 lumabas ang balita dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nanganak na si Julia at ang ama ay walang iba kundi si Coco.

Pero nananatiling tikom ang bibig ng dalawa hanggang ngayon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans get thrilled to see Coco Martin and Julia Montes in what appears to be a production meeting with director Erik Matti. Are they staging a comeback project together soon?
PHOTO/S: Courtesy: @1migueldeguzman / @erwin.tagle.mma on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results