Hiwalay pa rin ang estado ng relasyon ni Kylie Padilla sa estranged husband nitong si Aljur Abrenica.
Sa panayam niya sa 24 Oras noong Lunes, August 9, sinabi ng Kapuso actress na hindi pa rin sila nagkakabalikan ng asawa.
Ayon sa 28-year-old Kapuso actress, "For now, for now yung setup namin is magkahiwalay pa rin.”
Noong nakaraang buwan, nilisan ni Kylie ang tahanan nilang mag-asawa sa Timog Avenue, Quezon City. Lumipat siya sa "bagong bahay" na pinaayos pa niya para maging child-friendly.
May dalawang anak na lalaki sina Kylie at Aljur—sina Alas, 3, at Axl, 1.
Kuwento ni Kylie ukol sa nilipatang bahay, “I'm really good actually, sobrang saya ko.
"Kasi talagang yung bagong bahay, inayos ko talaga para at least it feels like a home para sa mga bata.
"Maganda lang yung vibes sa loob nung bahay."
Nakumpirma ang hiwalayan nina Kylie at Aljur nang magsalita ang ama ng aktres na si Robin Padilla sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz na lumabas noong July 7.
Lahad ni Robin, “Noon pa lagi kong tinatanong si Kylie, 'Agrabyado ka ba? Hindi naman daw.
"Eto, tinanong ko uli, 'Anak, agrabyado ka ba?' 'Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay, e.'"
Ayon pa kay Robin, may third party sa hiwalayan ng dalawa.
Ilan sa mga pangalang nakaladkad sa paghihiwalay nila ay ang katambal ni Aljur sa pelikulang Nerisa na si Cindy Miranda, pati na sina Erin Ocampo at Maika Rivera.
Itinanggi nina Cindy at Maika ang paratang sa kanila, samantalang hindi pa nagbibigay ng pahayag si Erin tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan.
Sa panig ni Kylie, nadawit naman ang pangalan ni JM de Guzman.
Una na rito, sinabi ni Kylie sa kanyang official statement na co-parenting sila ni Aljur sa dalawa nilang anak.
Aniya, “Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.
“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.
“Thank you for your love and support.”
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
