Muli na namang pinaringgan ni Janus del Prado si Gerald Anderson matapos humingi ng sorry ang huli kay Bea Alonzo.
Ex-boyfriend ni Bea si Gerald.
Matalik namang magkaibigan sina Janus at Bea.
Si Janus ang isa sa masugid na tagapagtanggol ni Bea, lalo na kapag nararamdaman niyang naaagrabyado ang aktres.
Nitong nakaraang weekend, sinabi ni Gerald na umaasa siyang mapapatawad pa siya ng ex-girlfriend na si Bea.
“I really pray, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Naghu-hope lang ako,” pahayag niya sa online show na Init Conversations.
Walang reaksiyon si Bea sa sinabi ni Gerald.
Ngunit si Janus ay may patama sa hindi niya pinangalanang tao, ngunit malinaw na para ito kay Gerald.
Sa photo message na ibinahagi niya sa Instagram kaninang umaga, August 23, sinabi ni Janus baka may bagong show ang di niya tinukoy na tao kaya humingi ito ng paumanhin kay “B.”
Malinaw na ang "B" na tinutukoy niya ay si Bea.
Buong mensahe ni Janus: “May bagong show ata kaya nagso-sorry kay B.
"Sa amin nila Direk at OMC team di ka magsososrry at pinag away away mo kami para lang pagtakpan yung kalokohan mo sa set? Bekenemen.”
Nakalagay sa kanyang caption, “Now you know. Magkaiba ang sawsawero sa idinamay. Oh well. [person shrugging emoji] #sorrynotsorry [face with tears of joy emoji]”
View this post on Instagram
Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ni Janus na "Direk" at “OMC team,” pero nagkatrabaho sina Janus at Gerald sa pelikulang My Perfect You, na idinirek ni Cathy Garcia-Molina, noong 2018.
Katambal ni Gerald sa pelikula si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Nagkaroon ng usap-usapan noong nagkamabutihan daw sina Gerald at Pia sa set ng pelikula kahit girlfriend na ng aktor si Bea.
Kusang namatay ang isyu.
Ang "OMC team" naman ay posibleng tumutukoy sa 2007 movie na One More Chance, kung saan nagsimula ang pagiging magkaibigan nina Bea, Janus, at iba pang bumubuo ng pelikula. Si Cathy rin ang direktor ng pelikula.
“A LARGER SNAKE”
Nag-post din si Janus ng cryptic message na nagsasabing huwag tanggapin muli ang isang taong sinubukan kang sirain noon, kahit sinasabi pa nitong nagbago na ito.
Nakasaad sa photo post, “Never allow anyone back in your life that has tried to destroy you in the past, even if they say they’ve changed.
“Remember, a snake only sheds it’s skin just to become a larger snake.”
Nakasulat sa caption ni Janus, “Napapanahon. [grinning face with squinting eyes emoji] #sorrynotsorry [face with tears of joy emoji]”
View this post on Instagram
Naging malaking balita ang paghihiwalay nina Bea at Gerald noong kalagitnaan ng 2019.
“Ghosting” kung ituring ni Bea ang nangyari dahil bigla na lang daw siyang nawalan ng komunikasyon noon sa nobyo.
Itinurong third party sa kanilang hiwalayan si Julia Barretto, na leading lady ni Gerald sa pelikulang Between Maybes.
Mariing itinanggi nina Julia at Gerald may relasyon sila.
March 2021, inamin ni Gerald na sila na ni Julia pero hindi niya sinabi kung kailan sila naging official na magkarelasyon.
August 2021, si Bea naman ang umaming may ilang buwan na ang relasyon nila ni Dominic Roque.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
