Nadine Lustre spotted with French guy in Siargao; are they an item?

by Rachelle Siazon
Aug 25, 2021
Nadine Lustre is spotted touring around Siargao with a French guy identified as Christophe Bariou. The two have been constantly seen in each other's company based on pictures snapped by local residents.
PHOTO/S: CTTO @rafikimono / @namdosan Twitter

May bagong pag-ibig na ba si Nadine Lustre?

Ito ang tanong ng netizens matapos mamataan si Nadine Lustre kasama ng isang non-showbiz guy sa Siargao.

Natukoy ng mga tagasubaybay ni Nadine na nagngangalang Christophe Bariou ang French guy na madalas niyang kasama sa pamamasyal sa lugar.

Base sa Facebook bio ni Christophe, siya ay founder at managing director ng Maison Bukana, isang boutique resort sa Sitio Lisob sa Siargao Island.

Siya ay nagmula sa Saint-Michel-sur-Orge sa France.

May screenshot din ang netizens kunsaan makikitang pina-follow ni Nadine si Christophe sa Instagram.


Continue reading below ↓

Nitong buwan ng Agosto, may iba-ibang araw na nakunan ng litrato at video si Nadine na kasama si Christophe sa tuwing kumakain sila sa mga simpleng eatery.

May kuha rin silang nagpi-picnic sa isang nipa hut sa tabing-dagat.

Continue reading below ↓

May ilan pang kasama sina Nadine at Christophe sa kanilang mga lakad, pero mapapansing madalas ay silang dalawa ang malapit sa mga litrato.

Tila hindi naman ito inililihim ni Nadine dahil sa mga pampublikong lugar sila namamataan ng ibang mga tagaroon.

Pumapayag din si Nadine magpakuha ng litrato kasama ng mga lokal na nagpapapiktyur sa kanya.

Continue reading below ↓

Sinasabing may mga kuha rin sina Nadine at Christophe sa mga salu-salo sa resort ng binata.

Sa official Instagram ni Nadine, nag-post siya ng ilang litrato ng kanyang pagpunta sa beach.

Pero hindi niya tinutukoy kung nasaan siya at kung sino ang mga kasama niya.

Continue reading below ↓

Wala ring binabanggit ang singer-actress na anumang impormasyon tungkol sa kanyang love life ngayon.

JADINE DATING HISTORY

Ang dating karelasyon ni Nadine ay si James Reid, na katambal niya sa anim na pelikula at dalawang prime-time series. Kilala ang kanilang love team bilang JaDine.

January 1, 2020, nang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa hiwalayan nila matapos ang halos apat na taong relasyon.

Isang source na malapit sa couple ang nagsabi sa PEP.ph na "irreconcilable differences" ang dahilan ng breakup.

Kinumpirma nina James at Nadine na hiwalay na sila sa isang joint statement noong January 20, 2020.

Sa kabila nito ay nanatiling magkaibigan ang dalawa at magkatrabaho pa sila sa mga musical collab nila.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre is spotted touring around Siargao with a French guy identified as Christophe Bariou. The two have been constantly seen in each other's company based on pictures snapped by local residents.
PHOTO/S: CTTO @rafikimono / @namdosan Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results