Did Manny Pacquiao change his tune about LGBTQ community?: "Who am I to judge a person?"

by Arniel C. Serato
Sep 20, 2021
Senator Manny Pacquiao insists that he is not condemning the LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community: "Na-edit kasi masyado yung statement ko na yun. Ang sinasabi ko palagi, hindi ko kinu-condemn yung mga gay, mga LGBT."
PHOTO/S: Toni Gonzaga Studio YouTube

Kumambiyong muli si Senator Manny Pacquiao kaugnay ng kanyang pahayag noong 2016 na ang pagpapakasal ng dalawang taong may parehong kasarian ay "mas masahol pa sa hayop."

Paglilinaw ng tinaguriang Pambansang Kamao, hindi niya kinokondena ang LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community. Hindi lang daw nailahad sa tamang konteksto ang kanyang mga binitawang salita noon.

Paliwanag ni Pacquiao, “Na-edit kasi masyado yung statement ko na yun.

“Ang sinasabi ko palagi, hindi ko kinu-condemn yung mga gay, mga LGBT.

“May mga pamangkin ako na LGBT, ang dami ko mga LGBT na workers, sa bahay ko, kahit sa mga kapatid ko.

“As a person, hindi mo sasabihin na galit ka sa kanya, kinokondena mo siya. Dapat nga, who am I to judge a person, di ba?”

Sinabi ito ni Pacquiao sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga para sa online show na Toni Talks na lumabas sa YouTube kagabi, September 19.

Continue reading below ↓

Labis na ikinagalit ng LGBTQ community at maraming netizens ang pagkukumpara ng athlete-politician sa LGBTQ members sa mga hayop.

Sabi pa ni Pacquiao, “Mahaba kasi yung ano na [statement] yun, kung bakit napunta dun. Binanggit ko sa ano [simula], tapos binanggit ko dito [sa dulo].

“Pinagdugtong na pinaganun [pinag-iba].”

Bilang Christian, naniniwala raw ang Pambansang Kamao na mahal din ng Diyos ang mga miyembro ng LGBTQ community.

Aniya, “Exactly. Lahat tayong tao, kawangis ng Panginoon.

"Maganda 'to kasi napapaliwanag ko.

“Ang ibig ko sabihin, hindi ko kinu-condemn sila. Actually, maganda nga kaibigan, kasama, katrabaho yung mga [LGBTQ], masisipag, at… masaya.

“Walang ano, magaling sila mag-isip. Masisipag, ganyan.”

Marami naman ang nagpapalagay na kumakambiyo ngayon si Pacquiao dahil nagdeklara na siyang tatakbo bilang Presidente sa 2020 elections.

At hindi maikakailang malaking porsiyento ng mga botante rito sa Pilipinas ay mga miyembro ng LGBTQ community, at ang ilan sa kanila ay prominente sa kani-kanilang larangan na maaaring makahikayat sa iba pang mga botante.

Continue reading below ↓

“MAS MASAHOL PA SA HAYOP”

February 16, 2016, lumabas sa panayam ng Bilang Pilipino ng TV5 ang 30-second teaser tungkol sa interview ni Pacquiao para sa nalalapit na eleksyon noon.

Kandidato pa lamang noong senador ang kongresista ng Sarangani Province.

Ito ang direktang quote ni Pacquiao tungkol sa LGBTQ members: “Mas mabuti pa ang hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki, babae o babae, di ba?

“Ngayon, kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao.”

Pagkatapos mag-viral ng teaser video ay kinuyog agad ng pambabatikos si Pacquiao.

Noong araw ring iyon ay humingi siya ng paumanhin sa pamamagitan ng tatlong magkakasunod na InstaVids.

Ngunit kahit humingi siya ng tawad sa kanyang mga nasabi, nanindigan si Pacquiao sa kanyang paniniwala tungkol sa same-sex marriage dahil ito raw ang nakasaad sa Bibliya.

Nakasaad sa caption sa tatlong videos: “I'm sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals.

Continue reading below ↓

“Please forgive me for those I've hurt.

“I still stand on my belief that I'm against same sex marriage because of what the Bible says, but I'm not condemning LGBT.

“I love you all with the love of the Lord.

"God Bless you all and I'm praying for you.”

Mensahe ni Pacquiao sa videos: “Hello po sa inyong lahat, maraming salamat sa dasal at suporta.

“Nais ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng nasaktan dahil sa aking pagkumpara sa tao sa hayop.

“At yun po ay kamalian ko at ako ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga nasaktan.

“At hindi po nagbabago ang aking desisyon na against po ako sa [same-sex marriage] sa paniniwala ko.

“Ang mali ko lang po is nakumpara ko po yung tao sa hayop.

"So, humingi po ako ng paumanhin.

“I’m humbling myself before you and before God for my mistake.

“Thank you and God bless.”

Continue reading below ↓

THE FULL STATEMENT

February 19, 2021, inilabas ng Bilang Pilipino ang isang minutong video kung saan mapapanood nang buo ang pahayag ni Pacquiao ukol sa LGBT community.

Sa one-minute video, may paliwanag si Manny tungkol sa kanyang sinabing “masahol pa sa hayop” ang same-sex marriage.

Tanong ng interviewer: "Are you for or against same-sex marriage?"

Ito ang buong kasagutan ng Pinoy boxing champ: “As a Christian, bawal naman yung same-sex marriage.

“Ginawa ang babae para sa lalaki, ginawa ang lalaki para sa babae.

“Kasi para sa akin, ito lang o, common sense lang.

“Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae?

“Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki, babae, babae, o di ba?

“Ngayon, kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao, o di ba?

“Ang hayop lang… hindi puwedeng hindi talaga magsama ang lalaki sa lalaki.

Continue reading below ↓

“Pero I'm not condemning. I’m not condemning them.

“Yung marriage lang, committing sin against God.”

Dahil sa kanyang pahayag noon, nabatikos nang husto si Manny ng maraming personalidad kabilang na sina Vice Ganda at Ice Seguerra.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao insists that he is not condemning the LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community: "Na-edit kasi masyado yung statement ko na yun. Ang sinasabi ko palagi, hindi ko kinu-condemn yung mga gay, mga LGBT."
PHOTO/S: Toni Gonzaga Studio YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results