Watch Now

Janella Salvador admits strained friendship with Julia Barretto over undisclosed issue

by Rachelle Siazon
Sep 27, 2021
Janella Salvador (left) on Julia Barretto: "Nag-reach out siya nung nalaman niyang buntis ako. Sinendan niya ako ng balloons ta's nag-thank you ako. Pero di na nag-progress yung friendship namin."
PHOTO/S: @superjanella / @juliabarretto Instagram

"Honestly, di na kami nag-uusap ngayon," ito ang diretsahang pag-amin ni Janella Salvador, 23, tungkol sa kanila ng dating malapit na kaibigang si Julia Barretto, 24.

Napag-usapan ito sa "Drink or Spill Challenge" sa YouTube vlog ng magkapatid na Joj and Jai kahapon, September 26.

Panghuling katanungan ng twins ang pag-usisa nila kung kumusta na sina Janella at Julia.

Natatawang bulalas ni Janella, "Ha?! May gano'n?!"

Tila may ideya sina Joj at Jai na may isyu sa pagitan nina Julia at Janella.

Sabi ni Jai, "Para clear sa mga tao."

Nagpaunlak si Janella na sagutin ang tanong kaysa uminom ng shot glass na may surprise drink.

Sabi pa ni Janella, "And there was an issue before na di ko na sasabihin kung ano, pero alam niyo na yun."

JULIA REACHES OUT TO JANELLA

Hindi man sila nag-uusap ay may punto raw na nagpaabot si Julia ng greetings kay Janella nang mabuntis ang huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

February 2020 nang unang malaman ni Janella ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa anak nila ng kasintahang si Markus Paterson.

Inilihim ito ng couple sa publiko noon, pero may mga taong malapit sa kanilang sirkulo ang nakaalam ng tungkol sa pagdadalantao ni Janella.

January 2021 nang isapubliko nina Janella at Markus ang pagkakaroon nila ng cute baby boy na si Jude, na isinilang noong October 2020.

Sa pagpapatuloy ng pahayag ni Janella nitong September 2021, sabi niya ukol kay Julia, "Nag-reach out siya nung nalaman niyang buntis ako.

"Sinendan niya ako ng balloons ta's nag-thank you ako. Pero di na nag-progress yung friendship namin."

Hindi raw sinasara ni Janella ang pinto para sa pagkakaibigan nila ni Julia.

"Pero open naman ako in the future if we cross paths again, then why not?
Pero right now, di pa kami nag-uusap."

WHEN JULIA UNFOLLOWED JANELLA AND JOSHUA

Hindi idinetalye ni Janella kung ano ang isyu na naging mitsa ng hindi nila pag-uusap ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero noong January 2020, naiulat ang pag-unfollow ni Julia kina Janella at Joshua Garcia sa Instagram.

Sina Joshua at Janella ay magkatambal sa The Killer Bride, ang ABS-CBN prime-time series na umere mula August 2019 hanggang January 2020.

Naging malapit na magkatrabaho at magkaibigan sina Janella at Joshua noong panahon iyon.

At hanggang ngayon ay bukas si Janella sa pagsasabing si Joshua ang "the best sa lahat ng naka-love team ko."

Si Joshua ay ex-boyfriend ni Julia.

Kinalaunan ay nag-follow ulit si Julia kina Joshua at Janella.

Nagkatrabaho sina Joshua at Julia para sa isang online show noong August 2020 at sa isang music video noong February 2021.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador (left) on Julia Barretto: "Nag-reach out siya nung nalaman niyang buntis ako. Sinendan niya ako ng balloons ta's nag-thank you ako. Pero di na nag-progress yung friendship namin."
PHOTO/S: @superjanella / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results