Hindi nakapagpigil si Heart Evangelista at sinagot ang isang basher sa kanyang YouTube channel na sinabihan siyang “baog.”
Noong October 9, nag-upload si Heart ng bagong vlog sa kanyang channel habang nagbabakasyon sila ng asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa Balesin Island.
Ang pamagat ng kanyang bagong upload na video ay “A MINI HONEYMOON WITH CHIZ IN BALESIN.”

Sabi ng aktres sa description ng bagong content, “We haven’t been seeing each other a lot lately so when we finally had time to be together, Chiz and I decided to take a mini honeymoon in Balesin.
"Watch us play a fun game of Never Have I Ever and celebrate life’s little moments by the sea. This is going to be a really laid-back vlog so I hope you enjoy watching as much as I enjoyed filming this!”
Rebelasyon pa ni Heart, wala silang kasamang assistant for the first time sa kanilang pagbiyahe. Kaya silang mag-asawa lamang ang nag-aalaga sa isa't isa.
Memorable ang Balesin kina Heart at Chiz dahil dito sila ikinasal noong February 15, 2015.
PARTY POOPER
Positibo ang naging reaction ng libu-libong nanood ng bagong vlog ni Heart. Marami ang nagsabing ang cute ng mag-asawa sa kanilang mini-honeymoon.
Pero may ilang bashers na walang magawa at bigla na lamang nagkomento ng negatibo laban kay Heart.
Sabi ng isa sa mga ito: “Kahit ilang honeymoon pa yan baog ka pa den d ka na magkakaanak.”
Hindi ito nakaligtas sa paningin ni Heart at isang maikli ngunit matalim na sagot ang pinakawalan ng Kapuso actress.
Buwelta ni Heart: “Ulol—the only word you can understand.”

Noong taong 2018, nabuntis si Heart pero nakunan siya na labis niyang ikinalungkot.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
