Cristy Fermin stands by info about Kylie Padilla's alleged infidelity: "Umamin ka kung sino sa inyong dalawa ang unang nanloko kanino."

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2021
Cristy Fermin to Kylie Padilla: "Ang hamon din sa ’yo ni Aljur at ang tanong niya, 'Sino ba sa ating dalawa ang sumira ng ating relasyon at ng ating pamilya?' Tinanong ka rin ni Aljur, kung tunay na matapang ka, dapat ay tanggapin mo ang hamon. Magkaroon ka ng lakas ng loob o courage para aminin ang katotohanan. Hindi ka nagsalita."
PHOTO/S: Cristy Ferminute / @kylienicolepadilla @ajabrenica Instagram

Nagpakawala ng maaanghang na salita ang veteran columnist-radio host na si Cristy Fermin laban sa aktres na si Kylie Padilla.

Kaugnay ito ng sinasabing pag-alma ni Kylie sa impormasyon ni Cristy tungkol sa diumano'y third party sa parte ng aktres noong nagsasama pa ito at ang asawang si Aljur Abrenica.

Nanindigan si Cristy sa kanyang "source" na nagsabing nahuli umano ni Aljur si Kylie na madalas may kausap na lalaki sa telepono kahit na madaling-araw.

Ang di pinangalanang lalaki ang hinihinalang third party umano ni Kylie na siyang pinaringgan ni Aljur nang hamunin nito si Kylie na magsabi ng totoo tungkol sa mitsa ng kanilang hiwalayan.

Ngayong Biyernes ng hapon, October 22, tumagal ng mahigit sa labing-anim (16) na minuto ang buwelta ni Cristy sa radio program nitong Cristy Ferminute sa Radyo5.

Wala raw paninindigan si Kylie dahil binura rin umano ni Kylie ang tirada nito sa kanya sa social media.

Continue reading below ↓

Nitong Biyernes ng umaga kumalat ang screenshots ng sinasabing tweets at Facebook post ni Kylie laban kay Cristy, pero binura rin agad ito ng aktres.

"Grow up. Ang tatanda n’yo na," bahagi ng deleted post ni Kylie.

Bilang sagot, tahasang ipinunto ni Cristy na si Kylie ang nag-umpisa ng kontrobersiya kaya nalaman ng publiko na may problema sa relasyon ng aktres at ni Aljur.

Ipinagtataka raw ni Cristy kung bakit nag-aalburoto si Kylie sa kinasasangkutang isyu.

Saad niya: "Tatanungin lang muna kita. Sino ba ang nagbukas ng mga pahina ng libro ng paghihiwalay ninyo ni Aljur?

"Take a bow Kylie, ikaw ‘yon. Walang pakialam ang mga basher, ang mga trolls, kaming lahat na manunulat.

"Wala kaming alam tungkol sa bulait ng buhay niyo ni Aljur, pero ikaw, dahil sa mga cryptic messages na inilalabas mo, nasunog si Aljur Abrenica pero hindi siya kumibo."

Ang tinutukoy ni Cristy ay ang cryptic Instagram posts ni Kylie noong Pebrero 2021 kunsaan unang natunugan ng netizens na may marital problem ang couple.

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang cryptic Instagram post ni Aljur kunsaan may hawak itong rosaryo.

Patuloy ni Cristy: "Pray hands lang ang nakita natin na sagot ni Aljur, pero sige ka pa rin nang sige, di ba?

"Hanggang sa sinabi mo na libre na kayong makipag-date sa iba dahil may usapan na kayo.

"Yung paghihiwalay ninyo ay ang tatay mo ang nagkumpirma."

Sa puntong ito tinukoy ni Cristy na ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ang unang nagsapubliko na totoong hiwalay na nga sina Kylie at Aljur.

Naganap iyon noong Hulyo 7, 2021.

Patuloy ni Cristy, "Yung mga haka-haka, yung mga pagdududa, si Robin ang nagselyo sa pamamagitan ng kanyang interbyu.

"Si Robin ang nagsabi na totoong naghiwalay kayo at ikaw din ang nagsabi sa tatay mo na may third party kay Aljur, na hindi mo na kaya.

"Pagkatapos ng ilang buwan, heto si Aljur Abrenica, hinahamon ka. Nagmamakaawa sa 'yo na, please lang, sabihin mo ang katotohanan.

Continue reading below ↓

"Umamin ka sa publiko, umamin ka sa tatay mo, at umamin ka kung sino sa inyong dalawa ang unang nanloko kanino."

ALJUR BREAKS HIS SILENCE

Inilatag din ni Cristy na ilang buwang nanahimik si Aljur bagamat ito ang napuruhan sa isyu.

Hanggang sa nito ngang October 19 ay pinaratangan ng aktor na si Kylie diumano ang unang nanloko sa kanya.

Sa pahayag na iyon ni Aljur, malinaw na aminado itong totoong nagtaksil din siya, pero idiniin ng aktor na si Kylie ang sumira umano sa kanilang pagsasama.

Kaugnay nito, kinuwestiyon ni Cristy kung bakit hindi raw masagot ni Kylie nang diretso ang hamon ng estranged husband.

Patuloy ni Cristy: "Ang hamon din sa ’yo ni Aljur at ang tanong niya, 'Sino ba sa ating dalawa ang sumira ng ating relasyon at ng ating pamilya?'

"Tinanong ka rin ni Aljur, kung tunay na matapang ka, dapat ay tanggapin mo ang hamon.

Continue reading below ↓

"Magkaroon ka ng lakas ng loob o courage para aminin ang katotohanan. Hindi ka nagsalita.

"Kinakaladkad ka na nga ng asawa mo para magsalita ka, para linawin ang isyu niyo, hindi ka nagsalita.

"Ang sabi mo lang, ipasa na ang bill ng divorce.

"At ang sabi mo pa, huwag tayong magpapadala sa mga lalake na pinalalabas na ang babae ang guilty para takpan ang kanilang mga pagkakamali."

Punto ni Cristy, sa halip na sagutin ang isyu ay idinaan na naman ni Kylie ang sagot sa cryptic posts.

"Kylie, ang tindi nito. Kung sa akin ito ginawa ng isang lalake, aangat ako.

"Magsasalita ako, idedepensa ko ang sarili ko dahil makasisira sa akin yung hamon na ‘yon. Pero hindi ka nagsalita."

Ipinamukha ni Cristy na hindi siya puwedeng diktahan ni Kylie o ang ibang manunulat pagdating sa pagbabalita.

At kailanman, hindi raw siya ang tipo na babawiin ang mga salita na nasabi niya sa ngalan ng kredibilidad.

Continue reading below ↓

"Kylie, alam mo, hindi mo pupuwedeng manduhan ang mga manunulat kung ano ang kanilang sasabihin at ang kanilang susulatin.

"Katulad ko, ako ay isang kolumnista, hindi mo akong puwedeng diktahan ng kung ano lang ang gusto mong mabasa mula sa mga columns ko.

"At inuulit ko, iisa lamang ang aking puhunan sa hanay ng panulat—kredibilidad lang.

"Wala sa aking bokabularyo ang pag-e-erratum o pagbawi ng naisulat ko na.

"Maging dito sa programa, wala akong binabawi na anuman. Kapag nasabi ko na, paninindigan ko ‘yon."

Hindi raw ganoon ang ipinamalas ng aktres.

Buwelta pa ni Cristy: "Kylie, bakit wala kang nakuha sa paninindigan ng ama mo?

"Si Robin, kapag nagsulat, kapag may ipinost, kapag may sinabi, hindi niya binabawi, pinapanindigan niya ‘yon at karapatan niya ‘yon bilang tao at bilang mamamayang Pilipino dahil siya’y nagbabayad ng kanyang taxes.

"Karapatan niyang magsalita ayon sa kanyang opinyon.

"Bakit ikaw, nag-post ka kaninang umaga, nag-exercise ka lang yata, binunot mo na yung post mo? Bakit hindi mo napanindigan? Bakit tinanggal mo agad? Bakit binura mo kaagad?

Continue reading below ↓

"Ano ‘yon, nagtatago kang parang pako? Litaw ang ulo mo, nakatago ang katawan mo?

"Hindi tama ‘yon.

"Kapag meron kang isinulat o sinabi, panindigan mo. Karapatan mo yun, e. Sarili mo ‘yan, e."

Taliwas sa paniniwala ni Cristy na hindi binabawi ni Robin kung anuman ang isinulat o sinabi nito, matatandaang nag-apologize ang aktor kay Philippine Army colonel Mike Logico dahil sa hamon nito kaugnay ng isyu ng presensiya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Sa isang video na ipinost ni Robin sa Facebook noong April 2021, hinamon ng action star ang ilang personalidad, kabilang sina Senators Francis Pangilinan at Risa Hontiveros, retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, musician Jim Paredes na samahan siyang pumalaot sa pinag-aagawang West Philippine Sea bilang bahagi ng Philippine militia.

Ang mga nabanggit na personalidad ay hayagang bumabatikos sa posisyon ng pamahalaang Duterte sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo.

Tumugon si Logico sa panawagan ni Robin. Sabi nito, "Call!"

Continue reading below ↓

Sumagot din si Robin at sinabing: "Mike Logico let's go!"

Pero sinabihan ni Logico si Robin na gawin muna ng aktor ang mga hakbang na ito para makasali ito sa Philippine militia:

“1. Get a haircut. 2. Apply for MNSA (Master in National Security Administration Program of the National Defense College of the Philippines). I will be your instructor. 3. Apply for CGSC (Command and General Staff College), one the training units of the AFP. I will be your instructor again. 4. If you make it past step 3, you will have the minimum competency to become an RCDG (Regional Community Defense Group) Commander. That will put you in a better position to challenge…”

Sa huli ay tumiklop si Robin at humingi ng paumanhin sa military officer.

Sabi ng aktor: “I apologize if in any way I offended you with my video. Sir it’s too late for me to dream and become a highly trained officer like you. If destiny allows it I will just see you there in the high seas not as a foe but a civilian ally…”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

CRISTY FERMIN DARES KYLIE TO NAME "THE SOURCE"

Balik sa radio program ni Cristy, pinanindigan nito ang impormasyon mula sa kanyang "source" na nagtaksil umano si Kylie.

Hinamon din niya si Kylie na pangalanan kung alam talaga nito kung sino ang source ng veteran columnist-host.

Sabi ni Cristy: "Ang sabi mo, kilala mo ang source ko. Ilitaw mo ang source mo. Magharap-harap tayong tatlo at alam ko na yung 'hello Cristy Fermin' lang ang totoo dun."

Sa mga sumunod na salita ni Cristy, lumalabas na tila ang tinutukoy ni Kylie na "source" ng kolumnista ay ang "pamilya ni Aljur."

Tahasan kasing sinabi ni Cristy na "pamilya ni Aljur" ang pinariringgan ni Kylie na diumano'y naninira sa kanya.

Kaugnay ito ng pahayag ni Kylie na: "Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo... Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na."

Sabi ni Cristy: "Ang tinatamaan mo sa susunod na linya hanggang sa dulo, pamilya ni Aljur Abrenica. Yun 'yon.

Continue reading below ↓

"Alam ko sa sarili ko na sila ang pinatatamaan mo, hindi mo lang madiretso. Hindi mo lang sila maituro."

Ayon pa kay Cristy, base sa pahayag ni Aljur kay Kylie kamakailan ay lumalabas na konektado pa rin umano sa aktres ang "third party" na pinaringgan ni Aljur na sumira sa marriage nila ni Kylie.

"Yung bulto ng pagpapatunay, kung ano ang nangyayari sa ’yo, ikaw ang maglalatag sa publiko, hindi kami. Hindi kaming manunulat, hindi ang pamilya ni Aljur.

"Tinanong ka na nga niya, e. Alam niya kung sino ang kasama mo ngayon. Alam niya kung sino ang sumira sa inyong pamilya.

"Bakit mo hindi masagot ‘yon punto por punto? Ang mga ganyang paghamon, hindi inuurungan ‘yan.

"Huwag kang matatakot dapat diyan. Kailangan, linisin mo ang pangalan mo para mahinto ang isyu."

COMPARISON WITH AJ RAVAL?

Sa tingin ni Cristy ay hindi ikinatuwa ni Kylie ang mga papuri niya sa sexy star na si AJ Raval na napapabalitang karelasyon ngayon ni Aljur.

Continue reading below ↓

Iginiit ni Cristy na mula sa puso ang mga papuri niya kay AJ dahil marunong itong tumanggap ng pagkakamali.

"Okay, eto ka ngayon, meron kang ipinost na ganito at nagagalit ka sigurado dahil pinuri ko si AJ Raval.

"Gusto kong sabihin sa 'yo na yung papuri ko kay AJ ay galing sa puso. Hindi lang ‘yan sinabi ng bibig at galing sa ilong.

"Ako’y humahanga sa mga taong marunong tumanggap ng pagkakamali. Yung nilulunok nila ang kanilang pride at hindi lang ang laway nila kapag kinakailangan.

"Bibihira ang katulad ni AJ Raval na nakagawa ng pagkakamali pero humingi agad siya ng paumanhin sa publiko, sa mga taong naapektuhan, lalo na sa ’yo.

"Si AJ Raval ay hindi katulad ng ibang personalidad na buking na buking na, alam na alam na, pati ng konsensiya niya na siya’y nagkakamali pero nagmamaldita at nagyayabang pa.

"Yun ang dahilan kung bakit ko pinuri si AJ Raval."

Continue reading below ↓

CRISTY DETAILS FRIENDSHIP WITH ROBIN

Litanya pa ni Cristy, malayo raw si Kylie sa ama nitong si Robin na marunong makisama sa mga manunulat.

Binalikan niya ang kuwento ng pagsisimula ng pagiging magkaibigan nila ni Robin

Lahad niya: "Nais ko po munang balikan ang kasaysayan para malaman ni Kylie kung saan pamilya siya nagmula.

"Ang kanya pong ama na si Robin Padilla ay mahal ko at nirerespeto ko. Marami pong bumibira kay Robin, pero hindi po ako nakikisali.

"Hindi po ako nakikisawsaw dahil nananatili po sa puso at isip ko ay ang karespe-respetong Robin Padilla na nagtatrabaho, hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi para sa maliliit na manggagawa ng industriya ng pelikula at telebisyon.

"Alam mo, Kylie, hindi ka pa man nagiging dugo sa sinapupunan ng ina mo, nagtitinda pa lang ng repolyo, bitswelas, carrots, at kung anu-ano pang gulay Baguio si Robin sa Scout area, kasama na namin siya.

Continue reading below ↓

"Tapos, heto si Robin, nag-artista na at sinuwerte talaga siya. Matindi ang kasikatan na inabot ng ama mo.

"Hindi lang ito simpleng kasikatan. Nasa tuktok ng tatsulok ang tatay mo.

"Pero sa kabila ng lahat, hindi siya pinagbago ng kasikatan at ng kanyang popularidad at pagdadagdag ng salapi sa kanyang bulsa.

"Nanatiling mapagkumbaba ang tatay mo. Mahal ko pati ang kanu-nunuan mo.

"Si Mommy Eva Cariño Padilla, ang mga tito at tita mo, lahat sila parang kapamilya ko.

"Gusto ko lang ipaalaala sa ’yo para mahimasmasan ka kung saan ako nanggagaling."

Ipinaalala rin ni Cristy kay Kylie ang ilang pangyayari na nagpapatunay ng malalim na pagkakaibigan nila ni Robin, ang madalas na pagdalaw niya sa action star noong nakakulong pa ito, at ang insidente bago isinilang ni Mariel Rodriguez ang pangalawang anak nila ng aktor.

"Alam mo ba, Kylie, nung manganak sa ikalawang pagkakataon ang tita mo na si Mariel Rodriguez ay tinawagan ako ng tatay mo, ni Betchay Vidanes, ang kanyang manager, at ng kanyang abogado na si Atty. Philip Jurado?

Continue reading below ↓

"Gustong pumunta sa Amerika ng tatay mo para bantayan ang panganganak ni Mariel para may katuwang si Mariel sa pagsisilang ng kanilang pangalawang anak.

"Ako ang hiningan ng tatay mo, ng kanyang abogado, at manager ng affidavit na ipapasa nila sa embahada ng Amerika para patunayan kung sino siyang tao at kung anong klase siyang tao at kung bakit ko iba-vouch ang kanyang pagpunta sa Amerika.

"Ibinigay ko ‘yon. Ganoon katindi Kylie ang aming samahan ng tatay mo.

"Nakulong ang tatay mo, lagi ko siyang dinadalaw. Lagi kaming magkakasama dahil para sa akin, nakagawa man ng pagkakamali yung tao ay hindi natin dapat husgahan.

"Si Robin, mula noon hanggang ngayon, nananatiling si Robin Padilla na mapagkumbaba, makamasa, matulungin sa kanyang kapwa. Yun ang tatay mo sa puso ko.”

Sa huli, pinangaralan ni Cristy si Kylie tungkol sa pasasalamat, pagtanaw ng utang na loob, at sa pagsasalita ng aktres laban sa kanya.

Continue reading below ↓

Ayon kay Cristy, hindi niya nais siraan si Kylie kundi ihayag lamang ang impormasyong nalalaman niya sa isyu.

"Ang sabi mo pa, matatanda na kami. Isang araw, Kylie, tatanda ka rin.

"Pero alam mo, napakasarap tumanda na merong pinagkatandaan. Lagi mong tatandaan ‘yan. Masarap tumanda na merong pinagkatandaan.

"Huwag kang nagagalit sa mga tao na sa palagay mo ay kumakampi sa kabilang panig.

"Magbuklat ka ng mga diyaryo. Tingnan mo mula nang mag-artista ka.

"Mas marami akong naisulat na mas maganda sa ’yo. Pero minsan man ba, nagpaabot ka sa akin ng pasasalamat?

"Ang tatay mo, si Robin Padilla, nagsasabi sa akin, 'Nay, salamat sa pagsuporta mo sa mga anak ko.'

"Alam mo sa totoo lang, hindi ko lang masabi kay Robin, pero ito’y sasabihin ko na sa unang pagkakataon, ikaw ay isinusulat ko, ikaw ay pinupuri ko dahil sa tatay mo, hindi dahil sa 'yo kasi hindi naman tayo magkakilala.

Continue reading below ↓

"Si Robin na tatay mo na hinahangaan ko ang prinsipyo at pagkatao ang dahilan kung bakit kita isinusulat.

"Sana matuto ka muna magbilang ng magaganda kesa sa mga hindi kagandahan na inirereklamo mo."

Pahabol na mensahe pa ni Cristy: "Kylie, hindi pa ipinanganganak ang artistang magmamando at magdidikta sa akin ng kung ano ang dapat ko lang sulatin at sabihin.

"Sorry sa ’yo, maling puno ang kinahulan mo.

"Maraming salamat sa ’yo, Miss Kylie Padilla-Abrenica."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristy Fermin to Kylie Padilla: "Ang hamon din sa ’yo ni Aljur at ang tanong niya, 'Sino ba sa ating dalawa ang sumira ng ating relasyon at ng ating pamilya?' Tinanong ka rin ni Aljur, kung tunay na matapang ka, dapat ay tanggapin mo ang hamon. Magkaroon ka ng lakas ng loob o courage para aminin ang katotohanan. Hindi ka nagsalita."
PHOTO/S: Cristy Ferminute / @kylienicolepadilla @ajabrenica Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results