Heaven Peralejo is single; claims spending more than P500K on an ex-boyfriend

by Arniel C. Serato
Oct 26, 2021
Heaven Peralejo single
Heaven Peralejo on being single: "Nandito ako sa phase na, sobrang cliche, but I'm just loving myself. I'm getting to know me. Ibang phase talaga 'yun."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo on Instagram

Inamin na sa wakas ni Heaven Peralejo na single na single siya ngayon.

Sa kanyang YouTube vlog na inilabas kahapon, October 25, natanong si Heaven ng mga kaibigan niya habang nagpapahinga sila sa isang resort sa Siargao.

Isa sa napag-usapan ay ang tungkol sa estado ng kanyang puso.

Direktang sagot ng 21-year-old Kapamilya actress, “I am single, but not ready to mingle."

Ayon pa kay Heaven, naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Kiko Estrada noong nakaraang buwan.

Pero hindi niya pinangalanan si Kiko sa nasabing vlog.

Aniya, “What I can say is yes [naka-move on na]. And nandito ako sa phase na, sobrang cliche, but I'm just loving myself. I'm getting to know me. Ibang phase talaga yun.

"Kaya nandito ako rin sa Siargao kasi I want to learn independency, enjoy life, na I don't need any relationship. I just need my friends, and I just need me.

Continue reading below ↓

"I am really happy right now. Super happy kasi walang bigat sa puso ko. Nandun ako sa phase na yun.”

Tumagal lamang ng tatlong buwan ang relasyon nina Heaven at Kiko.

Nagdiwang pa sila ng kanilang third monthsary. Pero ilang araw matapos ang kanilang selebrasyon, biglang in-unfollow ni Kiko si Heaven sa Instagram.

Binura rin ng aktor ang lahat ng sweet na sweet na larawan nilang dalawa.

Makalipas ang ilang linggo, si Heaven naman ang nag-unfollow kay Kiko at nagbura ng kanilang mga larawan.

Walang sinabi ang dalawa kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng landas.

ALL-OUT

Sa pag-uusap nila ng kanyang mga kaibigan, naikuwento ni Heaven na tatlo na ang kanyang naging ex-boyfriends.

Pero hindi siya nagbanggit ng pangalan.

Base sa mga naunang naibalita, ang isa sa naging boyfriend ni Heaven ay si Jimuel Pacquiao, anak nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao.

Naitanong din kay Heaven kung magkano ang pinakamalaking nagastos niya para sa isang lalaki.

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Basta sabihin ko na lang, malaki. Like, more than P500K."

Sabi naman ng dalawa niyang kaibigan kung siya ba ay "tanga" o "sugar mommy" dahil sa kanyang inasal.

Pagtatanggol ni Heaven sa sarili, “Hindi, kasi pag nagmahal ako, as in all-out. Ganun ako kahit with anybody else, like, family, e, kasi mahal ko kayo, e. So, pera lang 'yan. Matatrabaho ko ‘yan.”

Continue reading below ↓

Pinagsisihan ba niya na gumastos siya sa kanyang mga naging karelasyon?

Sagot niya, “Hindi ko naman nire-regret kasi minahal ko naman siya, e. So, I feel like, yun. Yun lang.”

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo on being single: "Nandito ako sa phase na, sobrang cliche, but I'm just loving myself. I'm getting to know me. Ibang phase talaga 'yun."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results