Senator Manny Pacquiao on LGBT community: “Love ko silang lahat.”

by Arniel C. Serato
Nov 9, 2021
Manny Pacquiao loves LGBT community
Senator Manny Pacquiao once again denies he condemned the LGBT community: “In fact, gusto ko silang kasama dahil masisipag po ‘yang mga ‘yan at karamihan ay matatalino.”
PHOTO/S: Jerome Ascano for PEP.ph

Muling iginiit ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao na suportado niya ang LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community kahit kontra siya sa same-sex marriage.

Ayon sa standard bearer ng Probinsya Muna Development Initiative (Promdi), malaki ang epekto sa kanya ng religious belief niya bilang Christian kaya ayaw nito sa same-sex marriage.

Sa panayam ng mambabatas sa One Balita Pilipinas ng One PH ngayong Martes, November 9, sinabi ni Pacquiao na mahal niya ang mga miyembro ng LGBTQ community.

“Siguro naman maintindihan nila yung posisyon ko, pero love ko silang lahat, di ko sila kinokondena, yung faith ko sa Panginoon ay nandiyan.

“Kung ano man yung paniniwala ko, yun ang paniniwala ko, pero hindi ibig sabihin na ayaw ko sa LGBT.”

Dagdag pa niya, “In fact, gusto ko silang kasama dahil masisipag po ‘yang mga ‘yan at karamihan ay matatalino.”

Continue reading below ↓

2016 GAFFE

Noong 2016, naharap si Manny sa maraming batikos dahil sa sinabi niyang ang same-sex marriage ay “mas masahol pa sa hayop.”

February 16, 2016, lumabas sa panayam ng Bilang Pilipino ng TV5 ang 30-second teaser tungkol sa interview ni Pacquiao para sa nalalapit na eleksyon noon.

Kandidato pa lamang noong senador ang kongresista ng Sarangani Province.

Sabi niya noon, “Common sense lang. Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae?

"Mas mabuti pa yung hayop. Marunong kumikilala, kung lalaki o lalaki, babae babae.

"Ngayon kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, mas masahol pa sa hayop ang tao.”

Humingi naman siya ng dispensa sa kanyang nasabi noon.

Kumambiyong muli si Senator Pacquiao kaugnay ng kanyang pahayag noong 2016 na ang pagpapakasal ng dalawang taong may parehong kasarian ay "mas masahol pa sa hayop."

Paglilinaw ng tinaguriang Pambansang Kamao, hindi niya kinokondena ang LGBTQ community. Hindi lang daw nailahad sa tamang konteksto ang kanyang mga binitawang salita noon.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Pacquiao, “Na-edit kasi masyado yung statement ko na yun.

“Ang sinasabi ko palagi, hindi ko kinu-condemn yung mga gay, mga LGBT.

“May mga pamangkin ako na LGBT, ang dami ko mga LGBT na workers, sa bahay ko, kahit sa mga kapatid ko.

“As a person, hindi mo sasabihin na galit ka sa kanya, kinokondena mo siya. Dapat nga, who am I to judge a person, di ba?”

Sinabi ito ni Pacquiao sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga para sa online show na Toni Talks na lumabas sa YouTube noong September 19.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao once again denies he condemned the LGBT community: “In fact, gusto ko silang kasama dahil masisipag po ‘yang mga ‘yan at karamihan ay matatalino.”
PHOTO/S: Jerome Ascano for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results