Did Kim Atienza throw shade at his former noontime show It's Showtime?

by Rachelle Siazon
Nov 15, 2021
Kim Atienza criticized by netizens for allegedly throwing shade at It's Showtime.
Kim Atienza's (center) comment about John Prats's directorial job in FPJ's Ang Probinsyano (right) fans speculations among netizens that he allegedly took a swipe at It's Showtime (left). Netizens ask: "Ano ba ibig nya sabihin na iniwas sa sakit ng ulo?"

Umalma ang solid Kapamilya fans sa anila'y patutsada ni Kim Atienza sa It's Showtime na dati nitong kinabibilangang programa sa ABS-CBN.

Kilala sa screen name na Kuya Kim, kakalipat lang niya sa GMA-7 makalipas ang labimpitong (17) taong serbisyo sa ABS-CBN.

Nagsimula ang isyu sa Facebook post ng Kapuso na si Camille Prats tungkol sa bagong directorial job ng nakatatandang kapatid na si John Prats.

Noong November 12, ni-repost ni Camille ang pasasalamat ni John na mahilera sa mga mga mahuhusay na direktor ng FPJ's Ang Probinsyano kabilang sina Coco Martin, Albert Langitan, Kevin de Vela, at Malu Sevilla.

Kaugnay iyon ng special announcement ng FPJ's Ang Probinsyano tungkol sa pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta at bagong lineup ng mga direktor na hahawak sa long-running Kapamilya prime-time series.

Bukod sa pagiging direktor ay matagal nang cast member si John ng show.

"Kuya ko yaaaan!!!" proud na pahayag ni Camille.

Camille Prats proud of brother John Prats assignment new director of FPJ's Ang Probinsyano

Continue reading below ↓

KUYA KIM'S COMMENT criticized by kapamilya fans

Si Camille ay isa sa main hosts ng Kapuso talk show na Mars Pa More, kunsaan bagong co-host si Kuya Kim.

Nag-reply si Kuya Kim sa post ni Camille.

Kalakip ng smiley face emojis, ani Kuya Kim, "Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo."

Kuya Kim Atienza comment on Camille Prats Facebook

Continue reading below ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito, tila deleted na ang comment ni Kuya Kim sa post ni Camille. Pero ni-repost ng netizens ang screenshot nito.

Walang binanggit si Kuya Kim na It's Showtime, o kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang komento.

Pero nag-iwan ng palaisipan sa netizens kung anong "sakit ng ulo" ang naiwasan ni John.

"Ano ba ibig nya sabihin na iniwas sa sakit ng ulo?" tanong ng isang netizen.

Kapamilya fan criticizing Kuya Kim Atienza

Continue reading below ↓

Ang hinala ng ilang Kapamilya fans, pinatutsadahan ni Kuya Kim ang It's Showtime.

Pakiramdam nila ay may kinalaman daw iyon sa pagiging malapit ni Kuya Kim kay Bobet Vidanes, dating direktor ng It's Showtime, at kay Billy Crawford, dating mainstay ng It's Showtime.

Magkasama sina Billy at Bobet sa Lunch Out Loud, ang noontime show ng Brightlight Productions na napapanood sa TV5

Noong October 2021, inihayag ni Bobet na kaya siya umalis ng It's Showtime noong November 2020 ay dahil "toxic" at "iba na ang patakbo" sa show.

Kapamilya fan criticizing Kuya Kim Atienza

Continue reading below ↓

Dismayado ang ibang netizens dahil hindi umano isinaalang-alang ni Kuya Kim ang samahan nito sa mga dating katrabaho sa It's Showtime.

Kapamilya fan criticizing Kuya Kim Atienza

KUYA KIM: "I LOVE MY SHOWTIME FAMILY."

Mariing pinabulaanan ni Kuya Kim ang paniniwala ng ibang netizens na nagpatutsada si Kuya Kim sa It's Showtime.

Noong November 14, nilinaw ni Kuya Kim sa kanyang tweet na mahal niya ang kanyang mga katrabaho sa It's Showtime noon.

Continue reading below ↓

"I didn't mean anything negative w my comment.

"Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show.

"Masakit talaga sa ulo, multitasking w a skeleton crew etc.

"I love my showtime family and will never say anything bad about them. Be safe everyone."

Kim Atienza on It's Showtime

Continue reading below ↓

Nang umalis si Kuya Kim sa ABS-CBN noong October 2021, nilinaw niyang maayos ang pagpapaalam niya sa bosses ng Kapamilya network.

Naging emosyonal din si Kuya Kim nang pasalamatan niya noon ang lahat ng mga nakatrabaho niya sa ABS-CBN at mga programang napamahal sa kanya kabilang ang It's Showtime.

Ang It's Showtime co-hosts na sina Amy Perez at Vhong Navarro ay naghayag ng positibong mensahe sa bagong yugto ng karera ni Kuya Kim.

JOHN PRATS ON DIRECTORIAL STINT IN IT'S SHOWTIME

Naugnay marahil ng netizens sa post ni Kuya Kim ang pagiging direktor ni John ng It's Showtime.

Hindi kaila na si John ay pumasok na director ng It's Showtime segment na "Tawag ng Tanghalan" noong May 2021, hanggang siya ay ma-assign na director ng programa noong July 2021.

Sa ulat ng ABS-CBN News Online noong August 4, nakasaad na pansamantalang nag-leave si John bilang director ng It's Showtime dahil nasa lock-in taping ito ng FPJ's Ang Probinsyano ng tatlong linggo hanggang isang buwan.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ni John na ang conflict sa schedule ang isa sa mga hamon na hinaharap niya bilang mainstay siya ng FPJ's Ang Probinsyano at director din ng It's Showtime.

Nang tanungin kung posibleng umalis siya ng FPJ's Ang Probinsyano para magpokus sa It's Showtime, ang tanging sinabi ni John ay walang sinasabi ang ABS-CBN management na aalisin siya sa serye.

"We’ll see kung ano yung magiging decision ng management kung anuman. Kasi, kami naman, kung saan kami ilagay, we will just do our best."

Sa ngayon, walang sinabi si John kung tuluyan nga ba siyang umalis ng It's Showtime.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza's (center) comment about John Prats's directorial job in FPJ's Ang Probinsyano (right) fans speculations among netizens that he allegedly took a swipe at It's Showtime (left). Netizens ask: "Ano ba ibig nya sabihin na iniwas sa sakit ng ulo?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results