PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How Kim Domingo's decision to drop sexy image affected career

After two-year hiatus, she is back on TV.
by Rose Garcia
Published Dec 11, 2021
Kim Domingo Wish Ko Lang
Kim Domingo says her decision to drop sexy image back in 2018 had an effect on the number of her followers on social media. But she has no regrets. "Ang importante sa akin, kung saan ako masaya."
PHOTO/S: PR

Mula sa halos dalawang taong pamamahinga simula nang magkaroon ng pandemya ay nagbabalik ang Kapuso star na si Kim Domingo.

Bahagi siya ng month-long special ng Wish Ko Lang na magsisimula ngayong Sabado, December 11, 2021.

Isa si Kim sa mga female lead actresses na magbibida sa “Lihim ng Punerarya, Pasko ng Pag-asa: The Wish Ko Lang Christmas Specials.”

Bungad ng mestiza actress nang ma-interview siya via Zoom noong December 8, “Sobrang thankful ako sa Wish Ko Lang and especially sa episode na ito na ginawa namin.

"Kumbaga, parang dati nag-Wish Ko Lang na rin ako, pero ngayon, para siyang movie. 'Tapos yung kuwento, sobrang ganda rin. So may mapupulot po talagang aral.”

Aminado ang 26-year-old star na parang nanibago siya noong muling humarap sa camera.

Dugtong niya, "Sobrang na-pressure ako kay Ms. Lotlot de Leon, kinakabahan, pero sabi ko, kailangang maibigay ko ang best ko rito.”

Tungkol sa mga empowered women ang episodes, at ang mga naging karanasan niya nitong nakaraang buwan ang naging rason sa pagkakapili niya bilang isa sa female leads.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Kim, “Una riyan, siyempre, alam naman ng lahat na meron akong pinagdaanan. Nagka-COVID ako. Kumbaga, sobrang hirap din ng part na iyon. Akala ko dati, sabi rin ng iba, kapag nagka-COVID, parang lagnat lang iyan, ano lang iyan, ganito lang iyan. Pero noong ako na po mismo ang nakaranas, grabe yung hirap, lalo na mentally."

Dapat sana ay August 2021 ang TV comeback ng dalaga through the Love. Die. Repeat series, na hindi rin natuloy dahil sa pregnancy ng female lead na si Jennylyn Mercado.

Na-pull out siya sa project dahil sa COVID-19.

Sa pagpapatuloy ni Kim, “Kasi kumbaga, marami kang maiisip, pero despite ng lahat ng pinagdaanan ko noong time na iyon, sobrang down ako noong time na iyon, nandoon yung kumbaga, pagbangon ko pa rin sa sarili ko.

“Nilabanan ko pa rin siya at sabi ko, di puwedeng ganito.”

At bukod sa pagkakaroon ng COVID-19, ang isa sa talagang ininda ni Kim ay ang pagkamatay ng itinuturing niyang best friend, si Angelo Fango.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namatay ito noong August 2020 dahil sa sakit na lung cancer.

Ayon kay Kim, “Alam din naman po yun ng mga followers ko na namatayan din po ako ng isang malapit na kaibigan. Sobrang hirap ng part na iyon and, actually, hanggang ngayon, hindi pa talaga ako totally healed.

"Parang nandoon pa rin siya, pero kumbaga, palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi pupuwede na magpatalo ako sa kung ano man ang nararamdaman ko.

“Kailangan talaga na lumaban ako.”

DROP IN FOLLOWERS AFTER DROPPINGS SEXY IMAGE

Samantala, nagdesisyon si Kim na iwan na ang imahe ng pagpapaseksi noong 2018. Kinamusta siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang napansin niyang impact nito sa kanyang career.

Aniya, “Una po riyan, napansin ko na noong sinabi ko na hindi na ako masyadong magpapaseksi, hindi ko naman po sinasarado totally ang pagpapaseksi. Sabi ko naman po, it depends naman po sa project, sa kuwento, sa character, nandoon pa rin siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero kung kagaya ng dati kong ginagawa, yung talagang laban ako sa ganito na ginagawa, hindi ko na kayang gawin ulit iyon.

“Sabi ko noong time na yun, hindi ko na siya kayang gawin. Ito na yung gusto kong gawin at gusto kong makita nila na meron akong ibang kayang gawin bukod sa pagpapaseksi.”

Napansin raw niyang nabawasan talaga ang followers niya.

“Napansin ko na yung naging impact noon, may mga taong nawala,” sabi niya.

“Merong mga taong nawala… kasi noong nagpapaseksi ako, sige, pak, ang dami.

"Pero noong time na na nagbawas na ako, napansin ko na may mga taong nawala. Like sa following sa social media, napansin ko na kumonti. May mga ganoon, di ba?

"Pero sa akin, ang inisip ko, okay lang. Hindi naman ako masyadong ano roon. Ang importante sa akin, kung saan ako masaya. Ano na ang gusto ng puso ko ngayon. Masaya ako sa ginagawa ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, may 11.5 million fans siya sa Facebook, 2.3 million followers sa Instagram, 4.7 million followers sa TikTok, at 613,000 subscribers sa YouTube.

KIM DOMINGO'S DREAM ROLE

At sana nga raw, mabigyan pa siya ng GMA-7 ng opportunidad na maipakita niya ang iba pa niyang kayang ibigay.

“Kaya nga po sabi ko, sana mabigyan ako ng GMA ng pagkakataon na magkaroon ako ng sarili ko talaga at maipakita ko kung ano pa ang kaya kong maipakita.”

Ano ba yung gusto sana niyang magawa blang aktres?

“Ako po, gusto ko yung parang split personality, pyscho. Ganoon yung gusto kong gawin,” say niya.

Tungkol sa naunsiyami niyang serye this year, may isang realization si Kim.

Nakangiting sabi niya, “Ang pinakita niya talaga sa akin, kapag hindi para sa iyo, hindi para sa iyo. Iyan yung naging malinaw sa akin sa part ko noong time na iyon.

“Kasi kung iisipin mo, dalawang araw na lang, papasok na ko sa quarantine, 'tapos bigla akong nagkaroon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, bakit tumaon pa na dalawang araw na lang, doon pa ako tinamaan. 'Tapos yun pa, nabalitaan ko rin na hindi na-push through yung teleseryeng iyon. So sabi ko, baka hindi talaga siya para sa akin kaya nagkaroon ng mga ganoong pangyayari.

"So realization doon, kapag hindi talaga para sa iyo, hindi para sa iyo.”

Sa ngayon, wala pa raw siyang balita tungkol sa susunod niyang teleserye. Pero sa Bubble Gang daw, babalik na siyang mag-studio taping.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo says her decision to drop sexy image back in 2018 had an effect on the number of her followers on social media. But she has no regrets. "Ang importante sa akin, kung saan ako masaya."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results