Sa unang pagkakataon, nagbigay ng pahiwatig si Carla Abellana sa napabalitang pag-unfollow nila sa isa't isa ng mister niyang si Tom Rodriguez sa Instagram.
Ngayong Martes, February 22, 2022, sunud-sunod ang Instagram Stories ni Carla kunsaan ipinakita niya ang option na "remove follower" sa Instagram.
Ibig sabihin, posible na ang isang netizen mismo ang magtanggal sa isang follower kahit hindi naman siya nito ina-unfollow.
Ang proseso kung paano mag-remove ng follower, ayon kay Carla:
"Hello, everyone! I just needed to inform you all about a feature on Instagram so that you're all enlightened.
"If you go to a person's IG account and click the 3 black dots on the upper right, IG actually gives you the option to 'Remove follower.'
"You can also go to your list of followers and REMOVE from there."


Sabay ipinunto ni Carla na sa personal niyang opinyon, hindi siya ang tipo na mag-a-unfollow ng mahalagang tao sa buhay niya, at pagkatapos ay hindi ito mapaninindigan.
"I find it very 'grade school' to unfollow-follow important persons in your life on social media within a short timeframe.
"On the other hand, it may actually be a skillful move if you're playing a spiteful game," makahulugang saad ni Carla.

Ang sumunod niyang Instagram Story: "Thanks for your time, everyone! And always BE CAREFUL."

Makahulugan din ang paalala ni Carla hinggil sa "DISTRACTIONS and DIVERSIONS especially on social media."

Waring nagsasabi ang aktres na hindi basta uubra sa kanya ang mga paandar sa social media.
Base sa posts ni Carla, tila ipinahiwatig niyang hindi niya in-unfollow si Tom noong napabalita ang sinasabing hiwalayan nila noong January 2022.
Liban dito ay wala nang binanggit si Carla na magbibigay-linaw kung ano na nga ba ang estado ng relasyon nila ni Tom.
Sa kabilang banda, nag-post din sa Instagram Story si Tom tungkol sa isang dahilan kung bakit nawawala ang likes sa isang Instagram post.
Sabi niya: "When you are blocked by someone you follow (Albeit temporarily), your likes on all their posts are automatically removed."
Hindi malinaw kung ano ang nais ipahiwatig ni Tom, pero hindi nagtagal ang kanyang post dahil dinelete niya rin ito sa kanyang Instagram Story ngayong araw.
Ang siste, pag blinock ng isang netizen ang isang tao, matatanggal ito sa listahan ng followers at hindi na rin niya ito mapa-follow.

THE UNFOLLOW-FOLLOW ISSUE
January 25, 2022 nang unang iulat ng PEP Troika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang diumano'y hiwalayang Carla at Tom tatlong buwan mula nang ikasal ang mga ito.
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?
Noong araw na iyon ay naging kapansin-pansing hindi na naka-follow sina Carla at Tom sa isa't isa.
Pero makalipas ang ilang oras, muling nag-follow ang mga ito sa isa't isa.
Hindi maiwasang mapatanong ang netizens kung ano nga ba ang problemang dinadaanan ng newly married couple.
Noon ding January 25, may cryptic post si Tom sa Instagram na nagpapahiwatig ng dilemma ng isang taong hirap mamili kung mananatili o aalis sa lugar nito.
Agaw-pansin iyon dahil black ang background ng video at may salitang ".float" na waring nagpapahiwatig ng nakalutang sa kawalan at di alam ang gagawin.
Read: Carla Abellana, Tom Rodriguez follow each other again on Instagram amid rumored split
ALLEGED THIRD PARTY
Pagkatapos ay lumabas ang isyung may third party diumano sa parte ni Tom.
Enero 27, 2022, inulat ni Cristy Fermin sa programa nitong Cristy Ferminute na napag-alaman niya sa ilang "sources" na "nahuli" umano ni Carla na may "third wheel" si Tom.
Naglabas si Cristy ng clues kung sino ang hinihinalang third party, at inuugnay iyon ng netizens sa The World Between Us co-star ni Tom na si Kelley Day.
Pero mariing pinabulaanan ni Kelley na may romantic involvement sila ni Tom.
Nanatiling tikom ang bibig nina Tom at Carla sa kontrobersiyang iyon.
TOM'S I LOVE YOU MESSAGE FOR CARLA
Noon lamang February 12, 2022, nagpahiwatig si Tom ng saloobin para kay Carla.
Nag-iwan ng comment si Tom sa IG post ni Carla na naglalaman ng glamour shots ng aktres para sa isang produkto.
Sabi roon ni Tom, "I love you!"
Ikinatuwa iyon ng netizens na naghahangad na magkaayos ang couple.
Pero walang tugon si Carla sa mensahe ni Tom.
At press time, ang malinaw ay naka-follow sa isa't isa sina Carla at Tom.
Kung mayroon man sa kanila ang nang-block o nag-remove ng follower noong January 2022 kaya nila na-unfollow ang isa't isa ay sila lamang ang tanging nakakaalam.
