Watch Now

Why it's easy for Bela Padilla to move on from a breakup

by Rose Garcia
Apr 17, 2022
Bela Padilla
Bela Padilla on moving on from a breakup: "I know that I did my best, but my best wasn’t good enough.”
PHOTO/S: @bela on Instagram

Kahit wala sa bansa, nakapag-iwan si Bela Padilla ng pelikula sa VIVA na mapapanood nsa Vivamax.

Sa pelikulang 366, si Bela ay hindi lamang ang bidang actress, kundi ang writer at director nito.

Kasama ni Bela sa 366 sina JC Santos at Zanjoe Marudo.

Tungkol sa moving on pagkatapos ng breakup ang pelikula.

Pero itinanggi ni Bela na malayo sa totoong buhay ang kuwentong isinulat niya kung saan ang karakter ay umabot ng taon bago nakapag-move on sa personal breakup niya.

“Hindi naman po siguro umabot ng 365 days or 366 days,” natawang sabi niya.

Dugtong pa ni Bela, “Actually, parang nakakatawa, dalawa lang naman po ang naging ex-boyfriends ko at pareho akong naka-move on nang medyo mabilis.

“Siguro kasi, you know naman kung ano ang dinadala mo sa isang bagay or sa isang relationship. And I know that I did my best, but my best wasn’t good enough.”

Natawa ito dahil linya sa kantang “Just Once” ni James Ingram ang sinabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Bela, “Siguro kasi, noong mag-break kami, tapos na talaga. Kaya mabilis akong naka-move-on."

Ang mga napabalitang boyfriends ni Bela ay sina Jason Abalos at Neil Arce.

Ang hindi raw niya agad mai-let go ay kapag related sa kanyang career.

Sa pagpapatuloy ng 30-year-old actress, “Mas nahihirapan akong mag-move on sa missed opportunity. Minsan nga, parang mas hirap pa sa akin na mag-move on na alam kong project ko pala dapat iyon, pero hindi ako yung natuloy dahil may conflict ako sa schedule or something.

“Parang mas hirap pa akong mag-move on sa project na iyon.

"I mean, I’m not gonna lie, meron akong mga bobo moments habang heartbroken, meron akong mga bagay na siguro nakakahiya or hindi ko dapat ginawa. Yung iba roon, na-witness ni JC.”

Ilang beses na kasi silang nagkasama ni JC sa mga hugot films, kaya ang dami na raw nilang pinagdaanan na mga moments ng isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasama sina Bela at JC sa mga pelikulang On Vodka, Beers and Regrets, The Day After Valentine’s, 100 Tula Para kay Stella, at ngayon, ang 366.

“Sa dami ng pelikula na rin naming nagawa, talagang na-witness ko yung moment ni JC na sawi and na-witness na rin niya ako nang sawi.

“Hindi ko na sana mabalikan iyon ever in my life, kasi tumatanda na rin ako. Nakakahiya nang gawin yung mga—basta, yung mga kasawian.

"Yun na lang ang masasabi ko.”

Sa kasalukuyan, in a relationship ang dalaga sa Swiss-Italian na si Norman Bay, na nakabase sa Zurich, Switzerland.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla on moving on from a breakup: "I know that I did my best, but my best wasn’t good enough.”
PHOTO/S: @bela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results