Watch Now

Francine Diaz's mother hits back at Andrea Brillantes for "bullying" daughter: "WAG AKO ANDREA BRILLANTES!"

by Arniel C. Serato
Apr 12, 2022
Francine Diaz's mother Merdick lashes back at Andrea Brillantes
Merdick Diaz (not in photo), mother of Francine Diaz (left), calls out Andrea Brillantes (right) for alleged bullying of her daughter; slams Seth Fedelin (center) for not defending Francine in the past like how he defended Andrea now.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto / @imsethfedelin / @blythe on Instagram

Hindi na nakatiis ang ina ni Francine Diaz, 18, na si Merdick Saenz Diaz at tinalakan nito si Andrea Brillantes, 19.

Ito ay dahil sa pagkakaladkad umano ng pangalan ng anak tuwing may kontrobersiyang kinasasangkutan si Andrea.

Muling pinag-usapan si Andrea dahil sa pagsagot niya sa basketball star na si Ricci Rivero pagkatapos ng UAAP game ng UP Fighting Maroons at FEU Tamaraws noong Sabado, April 9, 2022.

Read: Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

Na-bash nang husto si Andrea dahil sa pagtalikod diumano nito sa love team nila ni Seth Fedelin na kung tawagin ay "SethDrea."

Ipinagtanggol ni Seth si Andrea sa isang Instagram Live noong Linggo, April 10, dahil alam daw niya ang katotohanan.

Read: Seth Fedelin defends Andrea Brillantes's relationship with Ricci Rivero from bashers

Sa kanya namang Instagram Live nitong Linggo ng gabi, April 11, isiniwalat ni Andrea na nagkaroon sila ng relasyon ni Seth sa loob ng dalawang taon at tatlong buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin din ng Kapamilya young actress na nasaktan siya nang makita ang viral picture nina Seth at Francine nang dumalaw ang binata sa bahay nina Francine noong January 2022.

Read: Is there brewing tension between Andrea Brillantes and Francine Diaz over Seth Fedelin?

Pero pinabulaanan ni Andrea ang lumabas na isyu kung saan sinugod diumano niya si Francine sa dressing room ng ABS-CBN noong December 2021.

Ayon kay Andrea, "At pinakaimportante sa lahat, hindi po ako nanugod sa dressing room.

"I also don't know where people got that. Ang alam ko lang may isang dummy account na nag-tweet, and naniwala naman agad lahat sila kahit it was just words.

“Pero meron din kasing entertainment reporter, may public figure na sinabi niya, which made the alleged rumor more credible for people to believe."

Read: Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz

“NANANAHIMIK ANAK KO”

Sa kanyang Facebook ngayong araw, April 12, bakas ang panggigigil sa mga salita ng ina ni Francine na si Merdick Saenz Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puro na raw kasi sila pang-unawa at tiniis ang mga pangungutyang ibinabato sa anak dahil kay Andrea.

Tigilan na raw ni Andrea ang pandadamay kay Francine tuwing may isyu sa kanya.

Matapang na pahayag ni Merdick para kay Andrea (published as is): “Nananahimik anak ko tigil tigilan mo na anak ko, manahimik ka na wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!!!

“Baka magkaalaman tayo, hangga’t maaari ayaw ka patulan!

“Puro pang unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang alang sa ikatatahimik ng lahat, sa tuwing nababash ka, kayo lagi ninyo dinadawit ang anak ko.

“Hnd porket hnd kami sumasagut at kumikibo hnd ibig sabihin na OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!”

Bukod kay Andrea, binalingan din ng ina ni Francine si Seth.

Sana raw ay ganun din ang pagtatanggol na ginawa ni Seth kay Francine nang na-bash ito katulad ng pagtatanggol ng binata kay Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At ikaw seth sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturung mong kaibigan anak ko!

“Na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo nang maayus at totoo pero ano ginawa n’yo!

“Sobra na pagtitimpi ko hnd na puwede tong ginagawa nyo”

“SOBRA KA NA”

Muling binalingan ni Merdick si Andrea.

Hindi raw niya lubos maintindihan kung bakit galit na galit si Andrea sa anak niya. Wala naman daw itong masamang ginagawa sa kanya.

Nagkasama sina Francine, Seth, at Andrea sa sikat na panghapong serye noon ng ABS-CBN na Kadenang Ginto. Nabuo rin ang grupong Gold Squad nila kasama si Kyle Echarri.

Tanong ng ina ni Francine: “bakit nga ba ANDREA BRILLANTES GALIT NA GALIT KA SA ANAK KO!

“Na wala naman ginawa sayo! Ikaw mag umpisa ng sasabihin mo sasagutin ko lahat ng sasabihin mo ngayon sa social media.”

Babala pa niya kay Andrea: “SOBRA KA NA!! Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binubully anak ko kayo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinong nanay at magulang na papanuurin mo na lang na lagi inaaway at binubully anak ko!

“Lahat ng pang unawa at pag iwas ginawa namin sayo, sa inyo!! alam nyo yan”

Francine Diaz's mother lambasts Andrea Brillantes

Ilang oras ang nakalipas, burado na ang post na ito sa account ni Merdick. Pero maagap ang netizens at na-screenshot nila ang status ng ina ni Francine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito, isang bagong post naman ang ibinahagi ni Merdick sa kanyang account.

Tila nahimasmasan na ito at sinabing bilang isang magulang, hindi siya papayag na saktan ang anak at pagsalitaan ng hindi maganda.

Hindi na raw niya kinaya pa ang nararamdaman kaya sumabog na siya.

Marahil ang tinutukoy niya ay ang burado nang post na galit na galit siya kay Andrea.

Buong pahayag ni Merdick: “Bilang isang magulang nasasaktan din kami sa mga sinasabi nyo na hindi maganda sa anak ko.

“Kaya pumutok na ako ng ganito dahil hnd ko kinaya na siguro naman naintindihan nyo bilang isang ina, maging happy nalang tayo, salamat sa taong nagpa kalma sa akin at mas maraming bagay na dapat ipagpasalamat namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala nang bagong post pa si Merdick sa Facebook.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng mga nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Merdick Diaz (not in photo), mother of Francine Diaz (left), calls out Andrea Brillantes (right) for alleged bullying of her daughter; slams Seth Fedelin (center) for not defending Francine in the past like how he defended Andrea now.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto / @imsethfedelin / @blythe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results