Markus Paterson reveals breakup with Janella Salvador happened almost a year ago

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 10, 2022
Markus-Janella
Markus Paterson: "Just to clear up the facts, me and Janella have been broken up for almost a year. She's happy in life, and I'm happy in life and our only priority is Jude."
PHOTO/S: Janella Salvador Instagram

Nagsalita na si Markus Paterson hinggil sa totoong estado ng kanilang relasyon ni Janella Salvador.

Sa pamamagitan ng Instagram Story nitong Biyernes, September 9, 2022, ibinunyag ni Markus na matagal na silang hiwalay ni Janella at ang priority nila ngayon ay ang kapakanan ng kanilang anak na si Jude.

Read: Markus Paterson denies physical abuse; Janella Salvador reveals trauma with “drunk men”

Aniya, “Just to clear up the facts, me and Janella have been broken up for almost a year.

"She's happy in life, and I'm happy in life and our only priority is Jude."

Nilinaw din ng aktor na hindi si Janella ang pinatutungkulan ng kanyang kontrobersiyal na pahayag kamakailan.

Matatandaang sa unang episode ng Boys After Dark (BAD) ng Rise Artists Studio na ini-upload sa YouTube noong nakaraang Sabado, September 3, 2022, sinabi ni Markus na hindi na siya magdi-date ng babaeng taga-showbiz.

Read: Markus Paterson on lessons from past relationships: “Never to f*ck*ng date someone in the industry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Marcus sa Instagram Story niya, "What I said in the podcast wasn’t actually about her, but I understand that it was open to misinterpretation because of the way I phrased it & since we never actually announced our break-up."

Markus-Janella

Bago na-post ang pahayag ni Markus tungkol sa hiwalayan nila ni Janella, nauna nang binanggit ni Janella sa YouTube vlog ni Bernadette Sembrano noong September 3, 2022, na isa na siyang single mother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Janella Salvador thoroughly single mom: "Kaya kong gawin...talagang nilalaban ko yun."

Tinanong kasi ni Bernadette si Janella kung ano ang huli nitong ipinaglaban.

Tugon ni Janella, "Being a single mom—talagang nilalaban ko yun.

"At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin."

Dagdag pa niya, “I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson: "Just to clear up the facts, me and Janella have been broken up for almost a year. She's happy in life, and I'm happy in life and our only priority is Jude."
PHOTO/S: Janella Salvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results