Matteo Guidicelli jokes about Gerald Anderson popularizing "ghosting"; Julia Barretto reacts

by Rachelle Siazon
Sep 12, 2022
Julia Barretto with boyfriend Gerald Anderson; Matteo Guidicelli with wife Sarah Geronimo
Laglagan portion! Julia Barretto alludes to Matteo Guidicelli ghosting someone in the past after the latter jokingly mentioned that he learned the term "ghosting" because of Gerald Anderson. Julia is in a steady relationship with Gerald (left photo), while Matteo is happily married to Sarah Geronimo (right photo).
PHOTO/S: @andersongeraldjr / @matteog Instagram

Parehong may bala sina Julia Barretto at Matteo Guidicelli nang kuwelang maghiritan sila ng personal na banat tungkol sa isa't isa.

Celebrity guest si Julia sa Tropang LOL, ang blocktimer noontime show ng TV5 kunsaan guest host si Matteo.

Naglalaro si Julia sa "Maritest" segment ng Tropang LOL noong September 8, 2022, nang tuksuhin niya si Matteo tungkol sa kontrobersiyal na asaran ng aktor at ni Alex Gonzaga na regular co-host sa show.

Kaya maya-maya ay bumawi si Matteo.

"Si Joshua nag-reply na ba?" hirit ni Matteo kay Julia.

Sagot ni Julia, "Hindi mo ba nabalitaan? Iba na boyfriend ko ngayon.

"Bumawi ka. Ibahin mo yung tanong. Ibahin mo yung pangalan. Bad yun."

Ang tinukoy na "Joshua" ay si Joshua Garcia na ex-boyfriend ni Julia.

Ang current boyfriend ni Julia ay si Gerald Anderson.

Kaya tanong ulit ni Matteo kay Julia, "Nag-text na ba si mahal mo, si Gerald Anderson?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ni Julia, "Yes. Alam mo kung ano tinanong? Sana hindi bumabanat si Matteo. Di, joke lang!"

Nagpasintabi naman si Matteo na nagbibiro lang siya.

"Gerald, I love you too. Ang tigas mo! I love you very much!" komento ni Matteo.

Sang-ayon ni Julia, "Yes, hi daw to everyone!"

Sa puntong ito ay si Julia naman ang nag-disclaimer.

"Moving forward. Huwag ka na nga mag-create ng ano! Uy, sorry sa mga nababanggit na pangalan.

"We're so out of your business, ha? Promise!" pahayag ni Julia.

Pero hindi pa tapos ang pakuwelang banat ni Matteo.

"Okay lang 'yan. Alam mo, Gerald Anderson defined the word ghosting," malamang sabi ni Matteo.

Napatikom-bibig si Julia at sabay lumingon sa ibang direksiyon, kaya nagmuwestra si Matteo na nagbibiro lang siya.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang dating history ni Gerald at ang pag-alma ng ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo na panggo-ghost umano ng aktor nang maghiwalay ang dalawa noong July 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nadawit sa isyu si Julia na itinurong third party sa hiwalayang Gerald at Bea, pero parehong dinenay nina Julia at Gerald ang paratang na iyon.

Balik sa present time, iniba ni Matteo ang usapan at nagsimulang ibalik ang atensiyon ng manonood sa game segment.

Nagtawanan naman ang Tropang LOL co-hosts partikular na si Wacky Kiray na nagsabing, "Bukas viral ka na naman Matteo!"

Pabirong sang-ayon ni KC Montero, "Lahat 'to kasalanan mo!"

JULIA ALLUDES TO MATTEO GHOSTING SOMEONE

Pero may balik-hirit si Julia kay Matteo.

Sabi ni Julia, hindi sa isyung naugnay kay Gerald niya naunang nalaman ang term na "ghosting."

Pang-aasar ni Julia kay Matteo, "It's not the first time I heard it, ah! You know why?

"The first time I heard that word, actually, may nagkuwento sa akin about Matteo Guidicelli.

"Pero, pero, pero! Hahaba, di ba? Okay!"

Julia Barretto and Matteo Guidicelli at Tropang Lol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalabas na may alam si Julia sa hindi pinangalanang personalidad na naugnay noon kay Matteo.

Natatawang paiwas na saad ni Matteo, "Hahaba, hahaba! Eleven minutes na lang.

"Actually, yung mga dati nalimutan ko na. Memory gap yata ito."

Sabay hirit ni Julia, "Yes, actually nakalimutan ko na pero binalik mo. Huwag na natin i-mention kung sino ginanun mo."

Naghiyawan ulit ang Tropang LOL co-hosts at sinabi kay Matteo, "Hala ka!"

"Umiinit na yung studio!" natatawang sabi pa rin ni Matteo.

Sabi ng co-host na si Bayani Agbayani kay Matteo, "Eto lang masasabi ko, God bless!"

Sakay na biro rin ni Julia, "God bless to us both!"

ON GERALD AND SARAH

Sa bandang huli, pabirong sabi na lang ni Matteo, "Mayayari tayo kay Sarah at Gerald mamaya."

Tiwala naman si Julia na hindi mao-offend ang nobyo, "Ay, no! Hindi ganun yun."

Ang tinukoy ni Matteo na "Sarah" ay ang misis niya at Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinasal sila noong February 2020, at bago iyon ay anim na taon silang magkasintahan.

Dati namang nanligaw si Gerald kay Sarah, pero naudlot ang pagkakamabutihan ng dalawa noong 2012.

Nag-debut sa pelikula si Matteo sa pelikulang pinagbidahan nina Gerald at Sarah, ang Catch Me... I'm In Love noong 2011.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laglagan portion! Julia Barretto alludes to Matteo Guidicelli ghosting someone in the past after the latter jokingly mentioned that he learned the term "ghosting" because of Gerald Anderson. Julia is in a steady relationship with Gerald (left photo), while Matteo is happily married to Sarah Geronimo (right photo).
PHOTO/S: @andersongeraldjr / @matteog Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results