Vhong Navarro lawyer baffled by revival of rape case against comedian-TV host

by Gorgy Rula
Sep 21, 2022
Vhong Navarro vs. Deniece Cornejo rape case
Vhong Navarro's legal counsel Alma Mallonga on how Deniece Cornejo and Cedric Lee's group allegedly threatened and blackmailed the actor: “Di ba, dinala siya sa police station at sinabi, ‘Pang ano lang ito, pang-leverage para hindi ka magsumbong. Ilalagay natin ‘to na ikaw ay nag-confess na meron kang ginawang attempted rape. Pero buburahin natin ‘yan pag nagbayad ka, huwag kang magsusumbong.’”
PHOTO/S: NBI / PEP File / ABS-CBN File

Nag-iwan ng malaking palaisipan ang sinasabing “pagbaligtad ng pangyayari” pagkatapos ma-dismiss ng ilang beses ang reklamong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro.

Si Vhong ay Kapamilya comedian-dancer at mainstay host ng noontime show na It’s Showtime.

Si Deniece ay modelo na nakilala ni Vhong sa isang event noong 2011, at nakapalitan ng mensahe noong huling bahagi ng 2013.

Nagkasundo silang magkita noong January 2014, kung kailan naganap ang dalawang insidenteng mitsa ng masalimuot nilang legal battle mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), muling sinariwa ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga ang mga naganap sa pagitan ni Vhong at ng grupo ni Deniece noong January 2014.

Nanindigan ang abugada na hindi totoo ang bintang na rape laban sa Kapamilya actor.

“Klaruhin lang natin na ang nangyari noong January 22, 2014. More than eight years ago, naging biktima po si Vhong Navarro ng krimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya po yung biktima. Siya po ay dinetain, binugbog, pinagbantaan, kinukunan ng pera.

“Di ba, dinala siya sa police station at sinabi, ‘Pang ano lang ito, pang-leverage para hindi ka magsumbong. Ilalagay natin ‘to na ikaw ay nag-confess na meron kang ginawang attempted rape. Pero buburahin natin ‘yan pag nagbayad ka, huwag kang magsusumbong.’”

Ang tinutukoy ni Atty. Mallonga ay ang pagpapa-blotter ni Deniece kay Vhong noong January 22, 2014.

Ginamit daw ng grupo nina Deniece at Cedric ang police blotter para matakasan ang ginawa kay Vhong.

Patuloy ng abugada, “Kaya naman si Deniece walang pinayl na complaint, di ba? Walang nangyari.

“Pero nung dinala na si Vhong bilang biktima, at meron ding mga nagpayo sa kanya, mga nagmamahal sa kanya, kailangang maipaglaban niya ang kanyang mga karapatan.

“So, nagreklamo siya sa NBI, at nagsampa na nga siya ng kaso.”

Ilan sa mga reklamo ni Vhong laban sa grupo ni Deniece na umakyat sa korte ay ang serious illegal detention at grave coercion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong July 2018, nahatulang guilty si Deniece sangkot ang negosyanteng si Cedric Lee sa kasong grave coercion.

Sa kasong grave coercion, napatunayang pinilit si Vhong na pirmahan ang police blotter na nagsasabing nangyari ang attempted rape niya kay Deniece.

Napatunayan ding pinilit at tinakot lamang ang aktor na sang-ayunan sa police blotter na ginawaran siya ng "citizen's arrest" ng grupo ni Cedric at ilan pang kalalakihan dahil sa pang-aabuso niya kay Deniece kahit hindi niya ito ginawa.

Kaugnay nito, ang kasong serious illegal detention laban sa grupo nina Deniece at Cedric ay may kinalaman sa paggapos, pagpiring, pambubugbog, at pananakot na ginawa kay Vhong sa loob ng condo unit ni Deniece noon ding January 14, 2014.

Hangggang ngayong 2022 ay nililitis pa rin ang kasong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VHONG'S LAWYER: "CCTV FOOTAGE SHOWS NO RAPE"

Ayon sa legal counsel ni Vhong, ganoon na lang ang pagkamangha nila na kinasuhan pa rin si Vhong ng rape at acts of lasciviousness ngayong 2022, o walong taon matapos mabasura ang mga reklamo ni Deniece.

Taliwas daw ito sa aniya'y ginawang karahasan kay Vhong.

Ipinunto ni Atty. Mallonga na sa pinakaunang sinumpaang salaysay ni Deniece ay wala itong binanggit na insidenteng rape nang unang magkita ito at si Vhong noong January 17, 2014.

“Kailan ba lumabas itong mga rape-rape? Nung nalamang si Vhong Navarro ay naging biktima. Siya ay binugbog, etc., at biglang sinasabi na, ‘Uy, ni-rape ako.’

“Pero pagkatapos magsampa ng kaso si Vhong, dun nagsampa ng kaso si Ms. Deniece Cornejo.

“Ito ay importante. Sa kanyang reklamo na sinabmit niya nung January 29 [2014], mini-maintain niya na, ‘Ni-rape ako nung January 22. Pero alam niyo, nagkita kami ni Vhong nung January 17, ito ay nangyari, nagbisita kami, tapos pinaalis ko siya. Pagkatapos niyang umalis ay nagti-text text pa kami.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maliwanag na walang nangyaring rape nung January 17.

“Pagkatapos nun, nag-file ng petition, ganun din, walang nangyari nung January 17. Sabi niya, ‘Pero ni-rape ako nung January 22.’”

Diin ng abugada, dalawang sworn documents ang ipinasa ni Deniece na walang nababanggit na alegasyong rape para sa January 17 na pagkikita nila ni Vhong.

“Pagkatapos niyang nagsampa ng kaso, anong nangyari? Di ba, lumabas yung mga CCTV footages, na naging malinaw na malinaw na nung January 22, nagsasabi ng katotohanan si Vhong na siya ang biktima.

“At yung sinasabing rape ni Deniece ay hindi puwede, dahil wala pang isang minuto nung umalis siya sa elevator [papunta sa condo unit ni Deniece], pumapasok na si Deniece [sa elevator], nakangiti, humahagikhik nang konti, kalmado. Walang paghahalay na nangyari.

“Pero nung lumabas ang CCTV footages, anong sumunod na nangyari? Sinabi ng DOJ, 'May kaso sa ‘yo [Deniece] ng illegal detention, grave coercion, sumagot ka.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung sumagot si Deniece, anong ginawa niya? ‘Oo, ni-rape ako nung January 22.’ ‘Pero nung January 17?’ ‘Sinabi kong hindi ako ni-rape. Nagkamali ako. Ni-rape nga ako nung January 17.’”

Inalala ni Atty. Mallonga na malakas ang ebidensiyang iprinisinta ng kampo ni Vhong kaya nabasura ang reklamong rape na isinampa ni Deniece sa aktor noong 2014.

“Biglang lumabas yung CCTV footages na nagpapatunay na hindi siya hinalay nung January 22. Bigla siyang bumaligtad, ‘Hindi, nagkamali lang ako. Merong nangyari sa January 17.’

“Pero ang nangyari, dahil hindi nga naniwala ang DOJ sa kanya, dinismiss yung kanyang rape complaint, tapos nagkaroon ng serious illegal detention na kaso, nililitis na namin yun, for the last eight and a half years.

“Ang illegal detention ay biktima si Vhong. Walang rape na nangyari, kundi siya ay ginawan ng kuwento, binugbog, et cetera.

“Tapos, na-convict na po si Cedric Lee at saka si Deniece Cornejo [for grave coercion]. Biglang nagsampa ng kaso si Deniece, pangalawa for rape, na-dismiss din yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagsampa rin sila ng third [rape] complaint, dinismiss ng Office of the City Prosecutor, Office of the Solicitor General, Secretary of Justice, consistently na-dismiss yun.

“Pero umakyat sila sa Court of Appeals.”

HOT STORIES

ON PENDING DECISION OF COURT OF APPEALS

Ipinaliwanag din ni Atty. Mallonga ang nangyari sa Court of Appeals kunsaan binaliktad ang desisyon ng piskalya, Office of the Solictor General, at DOJ.

Pinaboran ang reklamong rape na inihain ni Deniece laban kay Vhong sa dahilang ang “trial court” at hindi “preliminary investigation” ang tamang forum para magdesisyon kung may naganap nga bang pang-aabuso sa modelo.

“Ano ba ang issue sa Court of Appeals? Dito sa Court of Appeals, hindi kung mali ang DOJ sa pag-dismiss ng kaso.

“Ang issue dun is may pang-aabuso ba at walang kabase-base ang pag-dismiss ng kaso ng DOJ? Iyon ang issue sa Court of Appeals.

“Unfortunately, ang Court of Appeals, ni-reverse. Ang sabi, ‘Hindi. Ang tingin namin, pag nagreklamo ang isang babae, nasabi na niya ang lahat na kailangang sabihin, sa korte na lang lahat iyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang tingin ko, hindi tama yun kaya kami nag-file ng motion for reconsideration, dahil may dahilan kung bakit may preliminary investigation tayo, di ba?

“Hindi lahat ng [legal] complaint ay natutuloy just because you said not something happened. Kailangan may pruweba ka.

“Bakit sinabing walang rape nung January 17? Dahil hindi kapani-paniwala. Siya na mismo ang nagsabing walang rape nung umpisa.

“It was ill-motivated dahil meron nang isinampa na kaso [serious illegal detention and grave coercion] sa kanya.

“Kaya parang belated na ito [rape complaint ni Deniece] dahil sa sinampahan ka, dun ka lang nagreklamo.

“Thirdly, sabi nung Department of Justice, 'Kung ikaw ay ni-rape nung January 17, bakit ka pa makipagkita nung January 22?'

“It’s contrary to human behavior, hindi ba?

“But unfortunately, yun ang nangyari. Ni-reverse ng Court of Appeals.”

Idiniin ng abugada na inilalaban pa rin ng kampo ni Vhong ang karapatan nito sa Court of Appeals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero alam mo, ang Court of Appeals ang nag-decision niyan. Hindi iyan pinal.

“Kaya nga kami nag-file ng motion for reconsideration, di ba?

“And ayon sa mga rules, pag ikaw ay nag-file ng motion for reconsideration, hindi mo dapat i-implement yung decision, kasi nga hindi pa siya final.”

Ayon kay Atty. Mallonga, kung nakabinbin pa sa Court of Appeals, ibig sabihin ay “pinapipigil yung execution” ng desisyon nito na kasuhan ng rape si Vhong.

“Pero notwithstanding that, nag-file pa rin ng kaso,” tukoy ng abugada sa hiwalay na desisyon ng Taguig Regional Trial Court at Taguig Metropolitan Trial Court na nagsampa kay Vhong ng kasong rape at acts of lasciviousness, respectively.

Sa puntong ito ay mababanaag muli ang pagkamangha ni Atty. Mallonga kung paano humantong na ngayon ay naditena ang kliyenteng si Vhong para sa kasong rape na hindi raw nito ginawa.

Tukoy ng abugada sa “inconsistent” statements ni Deniece, “Iyon ang basehan. Yung rape na sinasabi, ang pagbabaligtad, yung sinabi niya—two times, under oath, at may mga abogado siya—sinasabi niyang klarung-klarong walang rape.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT ATTY. MALLONGA TELLS VHONG

Ano ang hakbang ngayon ng kampo ni Vhong?

“Actually, itong rape case na ito, nung sumulat kami sa RTC [Regional Trial Court] sa Executive Judge, sabi namin, may pending nang motion for reconsideration.

“Ang sabi ng judge, ‘Oo, tama kayo.’ At tingin niya, sa opinyon niya, dapat ay huwag munang i-raffle yung kaso, kasi nga may Motion for Reconsideration.

“Pero the next day, nabago. Kaya na-raffle pa rin yung kaso.

“Dumulog kami sa korte, sinabi naming, ‘Baka naman puwedeng hintayin niyo ito [motion for reconsideration before Court of Appeals]?’ Dahil walang basehan yung reklamo. Dahil yung basehan niya ay isang Court of Appeals decision na malinaw na malinaw, hindi pa pinal.

“In fact, ang Court of Appeals, pinapakomento si Deniece Cornejo doon sa aming motion for reconsideration.

“And then, nangyari na nga. Ang sabi rin namin, nag-file din kami ng motion to dismiss dahil ang sabi namin, ‘Kung sakaling tingnan ito at pipilitin na iresolba yung kaso na ito, tingnan niyo naman yung ebidensiya.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung sunud-sunod na pag-dismiss ng kaso. Yung malinaw na pagpapaliwanag kung bakit dinismiss yung kaso, dahil hindi kapani-paniwala.

“Si Deniece na mismo ang nagsabi, at least twice, na hindi siya ni-rape, ill-motivated siya, at yun nga, hindi kapani-paniwala, bakit ka makikipagkita sa rapist mo kung totoong ni-rape ka?

“Ang nangyari today, datapwa't merong mga CCTV footages, datapwa't meron nang pagdi-deny, ayon kay Ms. Deniece Cornejo mismo na hindi siya ginahasa nung January 17, nag-issue po ng warrant of arrest for acts of lasciviousness na kung saan may nakikita tayong CCTV footages na walang nangyari, at sinampahan din siya ng kasong rape kung saan sinabi niya na meron siyang sinabing panunumpa na walang ginawa sa kanya.”

Bilang abogado, hindi raw titigil si Atty. Mallonga sa paglaban sa karapatan ni Vhong na mapalaya sa kabila ng rekomendasyong no bail sa kasong rape.

Aminado ang abugada na nahihirapan si Vhong sa kalagayan nito ngayong nakaditena ito, pero siniguro raw ni Atty. Mallonga na gagawin niya at ng kanyang legal team ang lahat ng kanilang makakaya para tulungan ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sinabi ko kay Vhong ganito, ‘Meron kang problema, pero gawin mo ang kaya mong gawin. Magpalakas ka ng loob.

“’To the extent na kahit nandiyan ka, to the extent na makakapagpatawa ka pa rin ng mga tao, kahit hirap na hirap ka. Iyon yung kaya mong gawin, dahil iyon ka, e. You are an entertainer.’

“Sabi ko, ‘Kami’y abogado. Ako ay abogado, yun ang aming trabaho. Ang trabaho namin ay hanapan ng solusyon itong problemang ito.’

“So, ang gagawin namin, kukunan namin ng bail si Mr. Vhong Navarro as soon as possible.

“Sana hindi patagalin, dahil tingin ko, pag prinisinta si Ms. Cornejo ay malinaw na hindi niya mapapatunayan yung sinasabing ni-rape siya nung January 17.

“Iyon na ang deklarasyon niya, e — panunumpa na hindi siya ni-rape — malaki yung saysay nun.

“Kahit sabihin mo, ‘Hindi, mali yun. Nagpalit ako ng isip.’ Hindi yun basehan para sabihing may malakas na ebidensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, iyon yung gagawin namin aside from other remedies that are available.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro's legal counsel Alma Mallonga on how Deniece Cornejo and Cedric Lee's group allegedly threatened and blackmailed the actor: “Di ba, dinala siya sa police station at sinabi, ‘Pang ano lang ito, pang-leverage para hindi ka magsumbong. Ilalagay natin ‘to na ikaw ay nag-confess na meron kang ginawang attempted rape. Pero buburahin natin ‘yan pag nagbayad ka, huwag kang magsusumbong.’”
PHOTO/S: NBI / PEP File / ABS-CBN File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results