Mariing pinabulaanan ni Dominique Cojuangco na siya ay nagdadalantao.
Si Dominique ang nag-iisang anak ng former actress na si Gretchen Barretto at ng negosyanteng si Tonyboy Cojuangco.
Sa isang post niya sa Instagram nitong nakaraang buwan—kung saan makikitang kasama niya ang kanyang fiancé na si Michael Hearn—may isang netizen na nangahas na tanungin siya kung siya ba ay buntis.
Read: Dominique Cojuangco, daughter of Gretchen Barretto and Tonyboy Cojuangco, is now engaged
Narinig daw kasi niya sa vlog ng beteranang manunulat na si Cristy Fermin na sinabi diumano nitong magiging lola na si Gretchen.
Paulit-ulit pa daw itong sinabi ni Fermin.
Aniya, “Dom, are you having a baby because at Cristy Fermin vlog she keeps mentioning that your Mum is grandmother soon?”
Wala namang kaabug-abog itong sinagot ng unica hija nina Gretchen at Tonyboy.
Ayon sa kanya, wala itong katotohanan. Busy daw siya sa kanyang negosyo.
Dapat daw si Cristy ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan sa kanyang mga bakanteng oras.
Buong sagot ni Dominique, “Lol no baby. Just working full-time at The Collective. Christy Fermin needs to find better ways to fill her time.”

Wala din namang masama kung mabubuntis si Dominique dahil engaged na rin naman siya kay Michael, isang negosyante.
October 14, 2021, inanunsiyo ni Dominique ang kanyang engagement sa non-showbiz boyfriend.
Wala pang balita kung kailan ang kasal ng dalawa.
