Nagkita na sa wakas sa personal sina Ynez Veneracion, 41, at Sharifa Akeel, 25.
Si Sharifa ang bagong asawa ng dating kinakasama ni Ynez na si Toto Mangudadatu, 54.
Si Ynez ay nakarelasyon ng dating gobernador at congressman ng Maguindanao mula 2010 hanggang 2011.
Mayroon silang isang anak, si Princess Keilah del Rosario, 12.
Si Sharifa naman, na kinoronahang Miss Asia Pacific International 2018, ay ikinasal kay Toto noong August 2021.
Read: Rep. Toto Mangudadatu and beauty queen Sharifa Akeel are now married
Sa Instagram kagabi, October 25, 2022, nagbahagi si Ynez ng ilang larawan na kuha sa dinner nila nina Toto, Sharifa, at anak niyang si Princess.
“Papa” pa rin ang tawag ng aktres sa dating boyfriend na si Toto.
Nagpasalamat naman si Ynez kay Sharifa sa pagiging mabait nito sa kanya at sa anak nila ni Toto.
Buong caption ni Ynez: “Had dinner at Solaire with her Papa Cong Toto Mangudadatu & @sharifaakeel . It was really nice to meet you Sharifa.
“Thanks for being so nice to me & Keilah. Ur such a beautiful lady inside & out. Always stay safe & healthy. See u guys again soon. [praying hands, heart emojis]”
View this post on Instagram
YNEZ-TOTO-SHARIFA RELATIONSHIP
Napanatili nina Ynez at Toto ang kanilang maayos na pakikitungo sa isa’t isa kahit hiwalay na sila.
Ayon kay Ynez, maayos ang pag-aalaga ni Toto sa kanilang anak dahil hindi ito pumapalya sa kanyang sustento.
Noong lumabas ang balita noong nakaraang taon na ikakasal si Toto kay Sharifa, isa si Ynez sa nagsabing masaya siya para sa dalawa.
Aniya, “Happy ako for him. Okey lang naman 'yan na kahit ilang beses siya magpakasal, basta huwag lang niya papabayaan ang mga anak niya.
“Sana manatili siyang responsableng ama sa mga anak niya.”
Read: Ynez Veneracion happy for ex-boyfriend Toto Mangudadatu’s wedding to Sharifa Akeel
Noong nakaraang December 2021, nag-bonding sina Ynez at Toto kasama ang kanilang anak.
Read: Ynez Veneracion thanks ex-partner Toto Mangudadatu for spending time with their daughter
Isa sa mga masaya sa nasabing pagkikita nila ay si Sharifa.
Kaya naman todo ang pasasalamat ni Ynez sa napangasawa ng ex-boyfriend.
