Siguradong pag-uusapan ang “pasabog” na eksena ni Royce Cabrera sa pelikulang Broken Blooms.
Gumaganap si Royce bilang call boy na si Romy.
Sa isang "pasabog" na eksena ay tumatanggap ng bl*wj*b si Romy mula sa isang gay client sa VIP room ng gay bar.
Ano ang ginawa ni Royce para mapaghandaan at mabigyan ng hustisya ang naturang scene?
“Bale nag-research po ako,” at tumawa si Royce, maging ang mga nasa loob ng sinehan sa SM The Block during the special screening.
“Hindi po kasi ano po, e, kumbaga kailangan maging effective yung eksena. So parang ampangit naman kung ipepeke mo yung ganung bagay, di ba, tapos knowing na maganda naman yung material, so baka imbes maging one of the highlights maging isa pa sa maling eksena.”
Spoiler alert! Walang ipinakitang anumang private part si Royce, pero napabilib niya ang mga dumalo sa special screening dahil sa kanyang facial expression at mga ungol at halinghing.
Sabi ni Royce tungkol sa kanyang performance, lalo na sa maselang eksenang iyon, "Minahal ko yung material, e, kumbaga part siya ng story. And bilang aktor, kumbaga assignment ko na gawin at gampanan kung ano yung tama at nararapat na eksena, ganun.”
will start-up PH co-stars watch broken blooms?
Dalawa sa katrabaho ni Royce sa pelikulang Broken Blooms ay kasama niya sa GMA series na Start-Up PH.
Si Direk Louie Ignacio ang director ng pelikula at serye, habang ang isa sa Start-Up PH leads na si Jeric Gonzales ay gumaganap bilang si Jeremy, ang bida sa Broken Blooms.
Yayayain ba ni Royce ang kanyang Start-Up PH co-stars na sina Alden Richards, Yasmien Kurdi, at Bea Alonzo na manood ng Broken Blooms? At handa ba siyang mapanood nila ang kanyang maseselang eksena rito?

“Hahahaha, wala naman pong problema, kasi kumbaga ibang takbo ng istorya naman ito, e. Tsaka mga aktor din sila so mage-gets nila kung bakit may mga ganung eksena, so oo naman, oo naman!
“Naging mga kaibigan ko naman sila, e, so why not?”
Pero hindi pa raw siya nagkakaroon ng pagkakataong yayain sina Alden, Yasmien, at Bea na manood ng pelikula nila ni Jeric.
“Ay hindi pa po, e, kasi mga busy, pero alam ko naman na alam naman nila na may…kasi si Jeric kasama ko din sa Broken Blooms e, so probably baka alam nila.
“Pero pag if ever makausap ko sila, siyempre, yayayain ko sila, ‘Tara nood kayo.’”
Sa tingin ni Royce, ano ang magiging reaksiyon ng tatlo, lalo na ang dalawang girls na si sina Yasmien at Bea, kapag napanood ang kanyang kontrobersiyal na eksena?
“Baka batukan ako nung mga yun,” at muling tumawa si Royce. “Kasi ano kami, e, alam nila yung kulit ko sa set, e, so makita nila akong may ganun, na parang lumaban na naman ako sa ganun, so matatawa sa akin yun, baka batukan ako, ganun!”
Maging ang isa pa nilang Start-Up PH co-star at kaibigan ni Jeric (L) na si Boy2 Quizon (middle), tiyak raw hahalakhak kapag napanood ang eksena ni Royce.

“Si Boy2, lalo yun,” ang tumatawa pa ring sinabi ni Royce, “Baka magtatawa yun lalo, makita niya yung eksena namin ni Jeric.
"Kasi alam mo yun, may nabuo kaming...on and off cam, hanggang ngayon, talagang tuluy-tuloy pa rin kaming nag-uusap tatlo, kaya sigurado matatawa yun sa amin.”
Napapanood sina Jeric, Boy 2, at Royce Cabrera sa Start-Up PH bilang makukulit na magbabarkada na sina Davidson, Wilson, at Jefferson, na mas kilala bilang Three Sons Tech o TST Boys.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Royce sa Chili’s restaurant matapos ang special screening ng Broken Blooms sa Cinema 2 ng The Block sa SM North EDSA nitong December 3, 2022.
Samantala, ipapalabas na sa mga sinehan ang Broken Blooms sa December 14, 2022, kung saan tampok rin sina Therese Malvar (bilang si Cynthia na asawa ni Jeremy), Norman "Boobay" Balbuena (bilang si Buday na gay salon owner na may pagtingin kay Jeremy), Lou Veloso (bilang si Lolo Marco na lolo ni Romy), Mimi Juareza, at Jaclyn Jose (bilang si Jocelyn na ina ni Jeremy).
Ang Broken Blooms ay mula sa BenTria Productions ni Engr. Benjamin Austria, at line produced naman ni Dennis Evangelista.
