Engaged na ang aktor na si Phytos Ramirez, 27, sa kanyang partner na si Cherry Lou, 39.
Read: Cherry Lou, 38, reveals relationship with GMA actor Phytos Ramirez, 25
Sa Instagram noong September 2022, ibinahagi ni Cherry Lou ang larawan ng kanyang kaliwang kamay kung saan meron na itong suot na engagement ring.
Nakalagay sa caption: “The best thing I have ever waited for [heart emoji]
“@iamphytosramirez I enjoyed annoying you for the past years and can’t wait to continue for the rest of our lives…. [happy emojis]”
View this post on Instagram
Mayroon nang anak sina Phytos at Cherry Lou, ang one-year-old na si Calysta Luna Koulla Maglasang Kyriakou.
Ang tunay na pangalan ni Phytos ay Neofytos Tuddao Kyriacou na isang Filipino-Greek.
Read: Cherry Lou, Phytos Ramirez introduce Baby Caly on Instagram
February 2021 nang ibunyag sa Instagram ni Cherry Lou ang relasyon nila ni Phytos.
Hindi naging hadlang sa pagmamahalan ng singer-actress at ng Kapuso actor ang agwat ng kanilang edad.
Halos labintatlong taon ang tanda ni Cherry Lou kay Phytos.
Si Phytos ay aktor mula sa GMA Network at bahagi ng Aguila Artists.
Kabilang sa kanyang naging projects ay ang The Lost Recipe, Madrasta, My Special Tatay, Contessa, at Alyas Robin Hood.
Si Cherry Lou naman ay singer-actress na lumabas sa maraming TV projects sa ABS-CBN
Ilan sa pinakahuling projects ni Cherry Lou ay para sa Kapamilya drama anthologies gaya ng Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya.
Naging parte rin siya ng Kapamilya primetime series na Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel noong 2015.
Noong 2007 ay ikinasal si Cherry Lou sa Star Magic batchmate na si Michael Agassi, nakababatang kapatid ni Carlos Agassi.
Sa pamamagitan ng Instagram, inanunsiyo ni Michael ang paghihiwalay nila ni Cherry Lou noong 2019.
Mayroon silang tatlong anak.
