Hindi nakaligtas sa maraming pageant fans ang birong komento ni Mathew Custodio sa post ng kanyang girlfriend na si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
Tila idinadaan na lamang sa biro ni Mathew ang kabiguan ng nobyang si Celeste na makapasok sa Top 16 sa katatapos lamang na Miss Universe 2022.
Read: Celeste Cortesi fails to land Miss Universe 2022 Top 16 spot
Sa homecoming statement ni Celeste sa Instagram tungkol sa pagiging proud niyang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2022, naghayag ng kanyang pabirong komento si Mathew.
Aniya, “OUR MISS EL TOCUYO. [eyes, laughing in tears emojis] YOU WON ALL OUR HEARTS. [heart emoji] you deserved the top 16 and we ALL know it!! Forever our Miss Philippines. [Philippine flags]”
Ang term na “Miss El Tocuyo” ay titulong ibinibigay ng pageant fans sa mga kandidatang namamayagpag sa unang bahagi ng timpalak ngunit kaagad na naligwak at hindi nakausad sa finals ng competition.
Sagot lamang ni Celeste sa kanya ay apat na flying kiss emojis at salitang “boo.”
Ikinatuwa naman ng fans ni Celeste ang naging komento ni Mathew.
Anila, may basbas ng nobya ang kanyang sinabi kaya tila nilaro lamang sila ni Mathew.
Marami ang umasang Pinoy pageant fans na si Celeste na ang mag-uuwi ng ikalimang korona ng Miss Universe sa bansa kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015, at Catriona Gray (2018).
Isa sa labis na umasa rito ay si Miss Universe Philippines 2022 Rabiya Mateo.
Read: Rabiya Mateo says Celeste Cortesi will win fifth Miss Universe crown for the Philippines
Itinuro naman ng fans na nagsilbing “malas” sa pageant journey ni Celeste ang kanyang Darna costume sa national competition at ang kanyang gown.
Ang Filipino-American na si R’Bonney Gabriel ng USA ang hinirang na Miss Universe 2022.