Hindi nakapasok ng semi-finals ng Miss Universe ang ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 12 taon na hindi nakalapag ng semi-finals spot ang Pilipinas.
Matapos ang opening number ng mga kandidata, ipinakilala na ng hosts na sina Jeannie Mai Jenkins at Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang Top 16 candidates para sa 71st edition ng Miss Universe.
Narito ang buong listahan ng mga bansang magpapatuloy pa sa semi-finals ng Miss Universe 2022:
- Puerto Rico - Ashley Cariño
- Haiti - Mideline Phelizor
- Australia - Monique Riley
- Dominican Republic - Andreína Martínez
- Laos - Payengxa Lor
- South Africa - Ndavi Nokeri
- Portugal - Telma Madeira
- Canada Amelia Tu
- Peru - Alessia Rovegno
- Trinidad and Tobago - Tya Jané Ramey
- Curaçao Gabriëla Dos Santos
- India - Divita Rai
- Venezuela Amanda Dudamel
- Spain - Alicia Faubel
- U.S.A. - R'bonney Gabriel
- Colombia - María Fernanda Aristizábal
Ngayon taon, sasabak ang Top 16 candidates sa parehong swimsuit at evening gown segments ng Miss Universe, upang masala ang top 5 na sasabak sa unang question and answer segment ng pageant.
Pagkatapos nito, sasabak muli ang mapipiling top 3 sa isa pang round ng question and answer, bago pangalanan ang magiging successor ng Indian beauty queen na si Harnaaz Kaur Sandhu.
Kabilang sa finals section committee ang Filipino businesswoman na si Olivia Quido-Co, ang tinaguriang "Bounce Queen of New Orleans" na si Big Freedia, ang sports journalist na si Emily Austin, Vice President of Growth Marketing and Merchandising ng Roku na si Swena Patel, American television and radio host Myrka Dellanos, ang model/public relations executive na si Mara Martin, Miss Universe 2010 Ximena Navarrete, at Miss Universe 1999 Wendy Fitzwilliam.
Backstage host naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray kasama ang American TV personality na si Zuri Hall.
Kasalukuyang ginaganap ang grand coronation night ng Miss Universe 2022 pageant sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, United States.
Ito ang kauna-unahang beses na ginanap ang Miss Miss Universe sa New Orleans.
READ MORE:
- Stunning national costumes of Miss Universe 2021 candidates
- Miss Universe 2022 judge Olivia Quido-Co to "look beyond the sash" in choosing the next titleholder
- Olivia Culpo pokes fun at her "low energy" prior to hosting Miss Universe anew
- Boy Abunda, tinanggihan ang offer maging show commentator sa Miss Universe 2022